REINA ALCANTARA
UWIAN na at nandito pa ako ngayon sa malaking waiting shield sa labas ng HA at hinihintay si papa, namasada pa siguro 'yon, pero na text ko na siya magpapasundo na ako sa kanya.
Mayamaya ay may tumabi sa akin at subrang bango niya, gusto kong tanongin kung anong perfuim niya, kaya dahan-dahan ko siyang nilingon. And I was stunned to speak when I saw how handsome he is.
Napapatula ako sa subrang gwapo niya, pakiramdam ko kumikinang ang mga mata ko habang tinitigan ko ang mukha niyang naka side view, matangos ang ilong niya, mapula ang mga pula, makinis at maputi ang pangangatawan.
Masasabi kong mas lamang siya kay River, mas matangkad siya ng kaunti, formal ang ayos ng buhok, hindi tulad kay River na minsan subrang messy, at lalo siya naging attractive dahil sa suot niya ngayong plain white polo and plain black short with black shoes.
Dahan-dahan niya akong nilingon at mas lalo niya akong nabihag sa subrang ganda ng mala korean niyang mga mata, napaka inosenti niya kung tumingin.
"Hi..."
Tumibok na nga ang puso ko nang biglang narinig ko siya magsalita, napakakalmado ng boses niya. The way he approached me with a cute little smile, makes me fall in love with him.
Napakabilis ko talaga ma-inlove. Pero sino naman kasi ang hindi maiinlove sa kanya eh pang standard siya.
"H-Hello, prince charming..." hindi ko na napigilang lumabas ang pagiging flirty ko, syempre chance ko na 'to para magkajowa ng ganito ka-gwapo.
Tumawa naman siya sa sinabi ko. Shit napaka cute niya tumawa habang halos hindi na makita ang mga mata.
I want to know him more dahil baka matulad na naman ng mga dati kong crush na isang beses ko lang nakita at hindi na sundan, hindi ko pa nakuha ang pangalan.
Ganyan na kasi ang story ko before. I meet a guy. Fall in love. Never seen again. Repeat.
"So, are you new here on HA?" Casual kong tanong.
"Yeah, I just transfered here. And sa monday pa ang schedule ko to start classes." Sagot niya.
Napangiti ako. "Really? What grade are you?" Tanong ko ulit.
"11. I take the STEM strand."
Tumango naman ako. "Same, but I take Arts & Design." Nag abot ako ng kamay. "I'm Rein, by the way." Pagpakilala ko.
Dahan-dahan naman niya hinawakan ang kamay ko. "Hiro Lim." Sabay ngiti niya.
Ngayon napagtanto ko na ngang half korean or chinese siya dahil sa cool niyang surname. Talagang I take time to feel his soft hands holding to mine while we stared at each other.
HANGGANG pag-uwi ko sa bahay ay hindi pa rin nawawala ang ngiti ko sa labi. Hinahawakan ko pa ang sarili kong mga kamay at inaalala ang paghawakan namin kanina ni Hiro.
Halos mabalyo na ako kakaisip sa kanya. Mula sa pagkain ay napapatulala pa rin ako kaka-imagine ng mga fake scenarios with him, habang kanina pa pala ako kinakausap ni mama at papa.
Hanggang sa paghugas ng pinggan ay napapangiti pa ako, hindi ako natutuwa sa mga hugasin na 'to, kundi sa pagiging delusional ko na nagkaroon kami ng date ni Hiro.
"Ayos lang ba ang anak natin? Mukhang kanina pa siya wala sa mundo," rinig kong sabi ni mama.
"Sus, parang hindi ka pa nasanay sa anak natin, eh dinadalaw n'yan ang mars at venus kapag na i-in love," biro naman ni papa, gusto ko sumagot pero ini-enjoy ko nalang ang pagiging delulu ko ngayon.
YOU ARE READING
Crazy Love | Heartful Academy 3
RomanceRein is crazy when comes to love. She easily fall in love to every guys she just meet. She has flirting skills, but all the guys she flirt regected her. Until one day, she chased her balloon and it lead her to River. This guy is almost perfect; good...