Grammatical and Typographical error are inevitable.
WARNING: Contains spoiler, kung ayaw mong ma spoil sa mangyayare sa kwento then proceeded sa chapter I.
SECIL
City journalism. Isa ako sa kanila. Ito ang trabaho ko. Dito ko binubuhay ang pamilya ko.
Bukod sa ako ang panganay, may mga anak na rin akong kailangang buhayin kaya gan'on na lamang kakulang ang sweldo ko sa pagiging journalist. Nag-aaral pa sa kolehiyo ang dalawa kong kapatid na lalake. Mabuti nalang at may natatanggap ang pamilya namin na mga ayuda galing sa gobyerno. Lubong kami sa mga utang. Kung nagkar'on sana ako ng mas magandang trabaho...
Magfa fall naman sana ako under Psychology eh, kaso lang naudlot dahil kapos kami sa pera at sa insidenteng matagal ko ng binabaon sa limot kaya naging isang hamak na manunulat nalang sa mga dyaryo at libro.
Sa bawat proyektong ibinibigay sa'kin ay talagang pinaghuhusayan ko nang sa gan'on ay hindi sila maumay sa'kin. Kailangan ko talaga 'tong trabahong 'to.
Ang mga city journalist ang karaniwang inaatasan ng gobyerno na aralin ang iba't ibang kaganapan, napapanahong isyu maging mga grupo ng tao na nabibilang lamang sa isang partikular na lugar. Dahil nga city, hindi kami p'wedeng lumampas sa kapitolyo ng Laoag. Iikot ang mundo at mga tinta namin sa mga lugar na nabibilang dito. Nahihirapan ako sa trabaho dahil minsan ay malayo sa bayan namin ang kung saan ako idedestino, mabuti nalang at may mga kaibigan akong sumasama kaya naman libre ako sa mga gastosin katulad ng pamasahe.
Namomoblema kami ngayon sa pambabayad para sa full fee sa Unibersidad kung saan nag-aaral ang dalawa kong kapatid. Graduating student pa naman si Clarence kaya dapat lang na magbayad kami. Malaking tanong ngayon kung saan nga ba ako p'wedeng humiram ng kahit half lang ng twenty-five thousand. Nakakainis! Ginagawa ko naman lahat pero kulang parin para sa'min. Kahit working student sina Erick at Clarence wala parin, ang hirap parin. Si tatay at nanay naman, hindi na ako pumayag na magtrabaho sila dahil med'yo may edad na. Believe it or not, late na nagkaanak ang mga magulang namin, and luckily, I'm not a only child, may sumunod na kambal. Ako nga ang ate, ako naman ang walang silbi. Ni mga gusto nila hindi ko kayang ibigay. Hindi ko man lang natupad ang pangako ko n'on na bibigyan ko sila nang magandang buhay sa hinaharap, lahat ay naging ala-ala nalang ng nakaraan.
Nasa college palang ako, nagkar'on na ako ng anak, kambal. I got raped by an stranger. Sa tuwing naaalala ko ang nangyare sa gabing 'yon ay naro'n parin ang takot at pagkasuklam. Nakulong ang lalake nang hindi man lang kami sinupurtahan ng pamilya nila. It was one of the roughest challenge for me. Sinabi ko nga na hindi ko na kayang magpatuloy bagamat kayang kaya kong taposin ang kung anong meron ako. Para akong nabaliw. Nawala sa tagpi-tagping landas at nagpatuloy sa lubak lubak na daan. Nawalan ako ng ganang mabuhay. Then afterwards, I gave birth with my twins, Lea and Jea. I know that there's a bright future for them and I want to see that tomorrow. Minahal ko silang dalawa kahit pa maraming nagsasabi na bunga sila nang kalapastanganan. For me, they're my lucky charm, they're my hope.
"Secil, 'diba kailangan mo ng mas malaking pera?" Pukaw sa'kin ni Eman, kasamahan ko sa trabaho, isa siya sa mga head writer samantalang mga underrated lang kami.
"Opo sana sir," tugon ko.
Napatingin siya sa paligid. Checking our co-workers who's busy in their own cubicle. Ako rin ay nagtataka.
"May ibinigay sa'kin na project. Malaki ang kikitain mo," med'yo pabulong niyang wika.
"Pardon sir? Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Substitute mo ako as project na 'to, I know you need it, malaki ang kikitain mo kapag nagawa mo," he sincerely told.
"Saan po ang lugar?"
BINABASA MO ANG
That guy in jail
Teen FictionSi Secil Manalo ay isang ordinaryong babae, may pangarap hindi para sa kaniya ngunit para sa kaniyang pamilya. Puro pag-aaral ang inatupag ng dalaga, ni hindi na niya naranasang makipag socialize sa iba o pumasok man lang sa isang romantic relations...