IX.

179 24 0
                                    

Typographical and grammatical error are inevitable.

SECIL

Humahagos kong tinungo ang kwarto kung saan inokyupay ang aking anak dahil sa sobrang pag-aalala. Gulong gulo na ang aking buhok at nanginginig ang mga kamay. Patuloy sa paggalaw ang aking mga kalamnan. Maging ang tuhod ko'y tuluyan nang susuko lalo na nang makita ko mula sa labas ang kawawang batang nakabitan na naman ng kung ano-ano sa katawan habang nakaratay sa puting kama.

Kasalanan ko 'tong lahat. Napakawalang kwenta kong tao. Kung sana inalagaan ko ang sarili ko habang nasa sinapupunan ko sila, wala sanang ganitong sakit ang isa sa kanila.

"Ate? Ate." Nagising si Rence mula sa pagkakaidlip ng nakaupo sa upuan sa labas ng k'warto ni Lea.

"A-anong sabi ng Doctor?" Hindi ko alam kung anong aasahan ko. Na ayos lang ang anak ko o ayos lang ang lahat.

"Kinailangan ni Lea ng blood transfer, lumalala na raw ang anemia at sabay pa ang hika niya. Compatible naman ang dugo namin kaya ako na ang nagbigay."

Napaamoy ako ng buhok. "Ano bang nangyare? Napagod ba siya?"

"Hindi ate, dala lang siguro ng mga naaamoy na mga langis o kung ano pa man sa lugar natin. Sensitive si Lea pagdating sa mga bagay na gan'on kaya nang makalanghap siya, ro'n na siya nagsimulang nahirapan sa paghinga."

Tumingin ulit ako sa bata. Kung kaya ko lang na bigyan sila ng magandang tirahah, magandang buhay . . .

Why do I need to be ended up like this?

"Sil?!" Napatingin kaming magkapatid sa humahagos ding si Jumae. Habang nasa byahe ako kanina papunta rito ay sinabi ko sa kaniya na nasa Hospital ang isa sa inaanak niya.

"Anong nangyare? Ayos lang ba ang inaanak ko? Huhu!" Sinalubong niya ako ng yakap.

"Sorry beshy, huhu! Ayos lang ba si Lea?" Siya itong naiiyak ngayon sa balikat ko. Humiwalay ako ng yakap sa kaniya. Kanina ay gusto ko ring umiyak eh, ngayong nakita ko kung gaano ka OA ang isang 'to parang umatras ang mga luha.

"Magiging maayos din siya ate Jumae," si Rence ang sumagot.

Napasinghot ang babae at maiiyak na naman sana pero mukhang natauhan sa presensya ng kapatid ko.

"Teka, bakit narito ang asungot na 'to?" Turo niya kay Rence. Heto na naman ang umpisa ng bangayan nila . . .

"Hindi ba obvious na ako ang nagsugod sa PAMANGKIN ko rito sa Hospital?"

"Rence—" Papagitna na sana ako pero naunahan ako ng kaibigan ko.

"Aba, malay ko bang kaya pala ng isang kagaya mo na gawin ang bagay na 'yon."

"Hindi naman ako masama gaya mo."

"Oy pst, tama na 'yan. Hanggang dito ba naman mag-aaway pa kayo?"

"Kausapin mo 'yang kapatid mo, marami siyang utang sa'kin!"

Nanlaki ang mga mata kong tumingin kay Rence.

"Rence anong utang?" Pinanliitan ko siya ng mata.

"Ate Jumae naman, sabing huwag sabihin eh!" Papadyak at may diing saad niya. Nagkatinginan sila at parang nag-uusap gamit ang tingin.

"Rence—"

"Ang ibig kong sabihin beshy na utang eh iyong mga pang-aasar niya sa'kin. Hehehehe," palusot ng isa.

"Ay hindi, anong utang 'yan? May hindi ba ako alam na nangyayare?" Mukhang tama ang kutob ko tungkol kay Rence kaya bihira siyang umuwi sa Bangui tuwing weekends.

That guy in jailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon