XV.

161 14 0
                                    

Typographical and grammatical error are inevitable.

WARNING: RATED 18

SECIL

Hindi naging madali para sa'kin ang pagbabalik muling sa Kolehiyo. Isang taon lang naman na pagtitiis at makakakuha na ako ng degree kaya pumayag ako sa gustong mangyare ni Alwin.

Masaya ako na unti-unting naayos ang lahat sa pagitan namin, nakakatuwang makita na magkasundo na ang aming mga magulang at naipakilala na rin kami nina Alwin sa iba pa nilang kamag-anak.

Sa katunayan, nakatira na nga silang lahat sa mansyon nina Alwin, at kami? May sarili kaming apartment kung saan kami parehong umuuwi, malapit lang ito sa Collehiyo De Vicenza kung saan ako nag-aaral. Nagpatuloy siya sa paglilingkod sa Kapilya at ang balita ko'y mas lumalawak na ang kanilang mananampalataya dahil sa kwento ni Alwin na naging popular matapos mailimbag ang ginawa kong sulat tungkol sa kaniya.

Hindi ako tumigil sa pagiging journalist, kinaya ko pang isabay sa aking pag-aaral. Naging head writer na rin kasi ako kaya alam kong gan'on na lamang ang tiwala na binigay ng agency sa'kin. Doon ako nagsimula kaya hinding hindi ko iyon bibitawan. Besides, minahal ko na ang trabaho kong iyon. Babalik ako minsan d'on  total ilang bwan nalang at gra graduate na ako.

Ayos na ang buhay. Pero, kailan kaya aayosin ni Alwin ang meron kami?

Minsan nga iniisip ko, interesado ba talaga siya sa'kin? May ibang babae kaya siyang binabakuran? May nararamdaman ba talaga siya para sa'kin? Lagi naman niyang sinasabi na hindi ko dapat iyon isipin at pag-aaral muna. Nakakairita lang, hindi naman siya ang magulang ko pero napaka istrikto tungkol sa pag-aaral ko.

O baka naman hindi niya ako tipo. Baka kaya lang niya ako gustong pag-aralin kasi may mga anak siya sa'kin. Damn, kahit physical touch wala pa siyang ginagawa. Hindi sa atat pero kasi we haven't done some romantic stuff yet like a normal couple do. Paano ako ngayong hindi mag-iisip. Nakakapagduda na rin.

Napabuntong hininga ako. Napatingin ako sa wall clock, pasado alas-syete na at wala pa si Alwin. Isa pa 'to sa bagay na nagbibigay sa'kin ng pagdududa. Lately, umuuwi na talaga siya ng pasado alas-otso. Ang pagkakaalam ko naman ay alas-singko palang ay tapos na ang mga Community Services nila. Overthink, argh.

Tinungga ko nalang ng iisa ang alak na laman ng baso ko. Napangiwi ako sa pagdaan ng mapait na likido sa lalamunan ko. Ang sarap magpakalasing ngayon, wala si Alwin. At wala man lang akong alam kung nasaan siya, kung saan siya pumupunta.

Napaupo ako ng maayos sa sofa kasabay nang pagtungga na naman ng alak. Naglaro sa isip ko ang imahe ni Alwin. Nagbabago na ang pakikitungo nito sa'kin.

Nang hindi ako nakontento sa pagtungga sa baso, ang mismong bote na ng emperador ang aking itinungga.

Napahawak ako sa sentido. Kanina pa ako umiinom at halo-halong alak na ang aking nainom kaya inaasahan ko na ang pagkahilo. Napapikit ako ng mariin. Napasabunot ako sa sarili sa sobrang inis na nararamdaman. Lalo pa akong nainisi nang maalala ang usapan namin ni Jumae bago ito pumuntang States.

"So, sinabi na ba ni Alwin na mahal ka niya?"

"Yes, he did. Noong una kaming nagkita." Hindi ko parin talaga lubos maisip na matagal na itong nag-aabang sa'kin. Ang hirap paniwalaan pero iyon ang totoo.

"Ikaw, napagtanto mo na ba kung ano talagang nararamdaman mo para sa kaniya?"

Napalabi ako. "Noon pa, sa tingin ko humahanga na ako at ngayong mas nagkasama pa kami ay alam kong mas lumalim pa iyon."

Nakita ko siyang tumango.

"Pero tandaan mong wala pang confirmation ang relasyon niyo kaya kumapit ka muna Sel, maaaring sinabi niyang may nararamdaman siya para sa'yo pero lahat ay p'wedeng magbago sa paglipas ng oras. Already forget na halos maglimang bwan na kayong magkasama pero wala parin siyang ginagawa para maging official kayo?"

That guy in jailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon