Typographical and grammatical error are inevitable.
ALWIN
Noon ay wala akong ibang inaatupag kun'di ang pagsisilbi sa Kaniyang altar. Kontento na sa ginagawa ko. Wala na akong ibang ginusto. Pero lahat ng 'yon ay nagbago nang makita ko ang isang determinadong estudyante.
Si Secil.
Huwebes noon at sa tuwing sasapit ang araw na iyon ay asahan mong may community service kaming gagawin.
That time, sa Collehiyo De Vicenza kami na assigned. Dahil nga mga college student, marami sa kanila ang busy kaya kaunti lang ang pumunta sa gymnasium nila kung saan gaganapin ang Service.
Nakiupo ako sa mga pumuntang estudyante, mukha namang hindi nila alam na isa ako sa mga Pastor. Mabuti nalang at naka ordinaryong damit lang ako.
"Mag umpisa tayo sa pagkanta ng isang awiting handog sa Kaniya."
Lahat kami'y tumayo at nakisabay sa pag-awit. Lahat ay taimtim na kumakanta, marahil ginagamit ang pagkakataon upang sabihin ang kanilang mga problema sa Kaniya. Napatingin ako sa katabi kong estudyante nang marinig ang mahihina nitong dasal kasama na rin ng kaniyang mahihinang paghikbi. Wala sa sariling nakinig ako sa kaniyang dasal.
"Lord, sana makapasa ako sa darating na first semester test. Si tatay . . . sana gumaling na siya. Si Erick, sana huwag siyang tuluyang tumigil sa pag-aaral. Gabayan niyo po silang lahat para sa'kin."
Wala akong ibang ginawa kun'di ipinalangin nalang din siya at ang kaniyang pamilya. Napakadeterminado nito. Bagamat hindi ko kilala, alam kong may mabuti siyang puso.
Simula no'ng araw na nakita ko siya alam kong doon na ako nagsimulang magpabalik balik sa paligid ng CDV. Napansin ko na lagi itong naglalakad pauwi kaya isang pagkakataon ay sinadya ko siyang sundan para malaman ko kung saan siya umuuwi. Malapit lang sa Unibersidad.
Sa halos isang bwan ko siyang paulit-ulit na nakikita sa labas ng gate ng Paaralan, ni isang beses ay hindi ako nagpakita. Duwag nga siguro ako.
Magandang babae ang napili kong gustuhin. At base sa mga naririnig ko sa mga estudyante tuwing nagtatanong ako ay matalino ito at masinop. Hindi nga lang lapitin sa mga tao at palaging pag-aaral ang ginagawa. Na halos gawin na raw niyang tirahan ang library at buhatin lahat ng libro ro'n. Gusto niya raw mag Psychology.
Dahil sa bagay na 'yon, mas lalo pang lumalim ang paghanga ko sa kaniya. Na ultimo pamilya niya'y inalam ko narin, maging ang kanilang tirahan.
Marami itong pangarap sa buhay kaya gan'on nalang ang paninisi na ginawa ko sa aking sarili nang mapagtantong napagsamantalahan ko siya.
Nang nasa bilibid ako, ipinangako ko sa sarili na magpapakabuti ako. Tatalikuran ko ang masamang bisyo at magsimula ulit kahit nasa loob na nang piitan.
"Hinding hindi magiging sapat ang lahat ng naranasan ko sa loob ng kulungan para sa kapatawaran mo Secil."
I hold her hand as I looked up the sky. Nasa labas kami ngayon ng bahay nila. Kaming dalawa lang. Laking pasasalamat ko nang payagan akong manuluyan dito ng kaniyang magulang. Ginusto ko kasing personal silang makita at makahingi ng tawad sa pamilya niya matapos naming magkita sa simbahan noong nakaraan. At mabuhay ang Dyos dahil personal din nilang ibinigay sa akin ang kapatawaran gaya ng ginawa ng anak nila.
Ang gaan sa pakiramdam. Kay sarap nang huminga. Kung hindi ko lang inaalala ang mga magulang ko'y ayos na sana ang lahat. Wala pang alam si mommy tungkol dito. Ni wala siyang kaalam alam tungkol sa kaniyang mga apo. Nalaman ko pero ni hindi ko nabanggit sa kanila. Parang mas maganda kasing sabihin ngayong nakalabas na ako.
Bahagya akong nagulat nang mas inilapit ni Secil ang katawan sa'kin. Maliit lang ang banig kung saan kami nakahiga kaya tamang tama sa'min.
"Sabi ko naman sa'yo 'diba? Napatawad na kita, kami ng pamilya ko. Huwag mo nang muling sisihin ang sarili mo sa naibaon ng pagkakamali."
Tinitigan ko siya na punong puno ng paghanga at pagmamahal. Ipinulupot ang isang kamay sa kaniya at inihilig ang kaniyang ulo sa aking dibdib.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko maiwasang magpabalik balik sa nakaraan lalo pa't patuloy ko paring nakikita ang perpekto sanang kapalaran niya.
"Ang lakas ng tibok ng puso mo, ang bilis pa." I felt her palm in the top of chest, perfectly feeling my heartbeats. Napangiti ako.
"That only happens whenever you're close to me."
Natawa lang siya ng mahina.
"Alwin?"
"Hm?"
"Alam ba ng mga magulang mo ang tungkol sa'min?"
I heaved a signed. This is exactly the reason why I requested this time for us from her family. Gusto ko siyang makausap tungkol sa bagay na 'to.
"Wala pa silang alam," saad ko. I was silently caressing her long hair.
"Hindi mo sila p'wedeng habang-buhay na itago," med'yo papataas ang tuno na sabi niya.
"I know, that's why I'm making some plan to set a meeting between your family and mine."
"O-okay." Nag-aalinlangan niyang sagot.
Sana nga ay matanggap nila ang mga anak namin. Kahit huwag na ako na mismong anak nila. Kapag natapos na ang lahat ng 'to . . .
Humalik ako sa buhok ni Secil. Susunod kong aayusin ang relasyon namin.
-------
Makalipas ang dalawang araw na pag-iisip kung paano ko ipakilala ang pamilya ni Secil at dalawa naming anak sa mga magulang ko sa wakas nandito na kami. Sabay-sabay na bumaba mula sa van at napatingala sa aming mansyon. Walang nagbago. Naroon parin ang mga pinagkakatiwalaang tao nina mommy.
"Magandang gabi Sir Alwin, nasa dining area ang inyong mga magulang inaatay . . ." natigilan si Manang Floring nang sunod-sunod na pumasok sa gate ang mag--iina ko. "kayo. . ."
"Sir, sino po sila?" Mahina ngunit sapat upang marinig nila Secil ang tinuran ng katulong.
"Malalaman mo rin po, Manang. Mauuna nga lang sina mommy," tuluyan na kaming pumasok sa loob ng mansyon. Bumati rin naman si Manang sa kanila at malugod kaming inalalayan papuntang dining area.
Sinabi ko kina mommy na gusto ko silang makita at humingi ng tawad sa personal ngunit gagamitin ko narin ang pagkakataon na 'to para ipakilala silang lahat sa harapan nila.
Pagbukas nang malaking pintuan ng dining area ay bumungad sa'min ang engrandeng mga handa sa parihabang lamesa. Nakaupo na ro'n ang kasalukuyang nagkwekwentohang sina mommy at daddy. Hawak ang palapulsuhan ni Secil habang buhat naming pareho ang aming anak, humarap kami sa kanila. Makikita ang pagkabigla sa kanilang ekspresyon. Agad na tumayo ang mommy at lumapit sa'min.
Ibinaba ko pansamantala ang buhat kong si Lea.
"Alwin?" Tila ba ako lang ang nakita niya at ako agad ang kaniyang nilapitan t'saka niyakap. Napatingin ako sa kinakabahang si Secil. Tumango siya, signed para ituloy tuloy na ang nangyayare.
"Mom," kumalas ako ng pagkakayakap sa kaniya. "Mga anak ko po."
Hindi niya agad nakuha ang ibig kong sabihin kaya napakurap pa ito ng paulit-ulit habang nagpabalik balik ng tingin sa kambal.
Sa huli ay napaatras siya, parang nagpapahiwatig na hindi niya matanggap ang sinabi ko.
"You're kidding right?"
"Mom, I'm not. This is Secil, the mother of my two daughter." Hinapit ko ang katawan ni Secil palapit sa'kin at bou ang loob na iniharap kay mommy.
BINABASA MO ANG
That guy in jail
Teen FictionSi Secil Manalo ay isang ordinaryong babae, may pangarap hindi para sa kaniya ngunit para sa kaniyang pamilya. Puro pag-aaral ang inatupag ng dalaga, ni hindi na niya naranasang makipag socialize sa iba o pumasok man lang sa isang romantic relations...