IV.

211 32 1
                                        

Typographical and grammatical error are inevitable.

Warning: Sensitive words might encounter. Please be guided.

SECIL

Day 2

"Since the Introduction is finally done, for now, I'll let you read it and tell me kung may i re revise ako."

Ipinaharap ko ang laptop sa kaniya. Uncomfortably, I told him what he need to read.

Nang nagbabasa na siya ako naman, nag-a adjust sa lamig ng tiles na upuan. Gosh alas-syete palang ng umaga kaya med'yo basa pa ng hamog ang mga ito. Sana pumayag nalang ako kanina na sa loob gawin ang trabaho. Dinalaw pa naman ako kaya sobrang uncomfortable. Parang doble basa ang nararanasan ko.

"Are you alright?"

"Oo." Pinunasan ko nalang ang hita ko ng panyong hawak ko. Nakasout kasi ako ng jumper, little bit exposed.

"So, kapag ba sinabi kong ayos na itong Introduction, anong next?"

Napatingin ako sa Planner ko.

"Gather information about you. Bukas kasi interview na ang gagawin natin, for now, let me know something about you."

Nagtaas siya ng kilay sa'kin. Hindi umimik.

"What?" Tanong ko.

"So, you want to know something about me huh?"

"Kung ano man 'yang iniisip mo. Stop it, delulu." Napairap ako. Napaka assuming naman ng isang 'to!

"Hahaha! Okay then, let's do it. Ask anything and I'll answer them honestly."

Napabuntong hininga ako. Hinanap ko ang listahan ng mga tanong sa bag ko pero wala. Teka, linagay ko naman kanina 'diba? Napahilamos ako ng mukha. Oo nga pala, inulit ko tapos hindi ko na na re-write kagabi! Kagat-labi akong lumingon sa Adik.

"Ano na?" Untag niya.

"A-ano kasi, hehe. Magkwentohan nalang tayo," kamot sa batok kong sagot.

"Okay sige, mas gusto ko 'yan."

"'Ge kwento kana." Bored kong utos. Siya lang naman ang required na magkwento, hindi ako involved dito.

"Kanina sabi mo magkwekwentohan tayo—"

"Oo nga, ako ang makikinig, ikaw ang magkwekwento." Kibit-balikat kong sabi.

Binigyan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin.

"Magkwekwento ka o hindi?"

"Heto na nga." Umayos ito ng upo.

Ilang segundo kaming natahimik. Nagkatitigan lang kami. Nagtaas ako ng kilay. Parang wala kasi siyang balak na magsalita at mukhang mas trip yatang titigan ako.

"Tsh," kamot niya sa ulo.

"Ano? Aantayin mo bang mag walk out ako rito bago ka magsimula sa pagkwento?" I asked sarcastically.

"Eh kasi, ano bang gusto mong malaman tungkol sa g'wapong tulad ko."

Napabusangot ako. Binigyan ko siya ng 'saan ka kumukuha ng confident' look.

"G'wapo my @ss," irap ko.

"So, ano nga." Pangungulit niya.

Napahinga ako ng malalim. "Oh sige, kahit ano nalang, school background, family background, loveli—" napatigil ako. L-lovelife? Lagot, mukhang aasarin na naman ang ng balukaw na kasama ko.

Narinig ko ang mahiha niyang tawa, tama nga ako.

"So, magsimula tayo sa lovelife?"

Tinignan ko siya ng matalim.

"Wala akong panahon makipagbiro sa'yo." My jaw clenched. Short-tempered talaga ako kaya mukhang malilintikan ko na ang isang 'to.

"Hahaha, pero sa totoo lang, I never had a girlfriend," ngiti niya. Tumukod.

"Seryoso? Walang naging girlfriend pero mukhang babaero—"

"Well, I'm not. Kung anong iniiisip mo, hindi 'yan totoo. The fact is, isa lang ang espesyal na babae ang dumaan sa buhay ko. Sa tingin ko ay tatlo na sila ngayon."

Matagal ko siyang tinitigan. Prinoproseso sa utak ko kung anong ibig niyang sabihin. Tatlo na sila ngayon . . .

"Edi babaero ka nga kung tatlo na sila?"

"Hindi rin," tawa niya.

"Sige, kwento kapa."

"By the way, babanggitin ko nalang din ang ex-fiancé ko. Arrange marriage." Napabuntong hininga siya. "Ayokong makasal n'on dahil mahal na mahal ko ang pagsisilbi sa Kaniya. Paano nalang kung maging makasalanan ako dahil lang pinakasalan ko ang hindi ko naman mahal?"

"Sa paglilingkod ko sa Kaniya, d'on ko naramdaman at nakita ang tunay na kahulugan ng buhay. Kaya hindi ako pumayag sa kagustuhan nila, bukod sa mahal ko ang trabaho ko sa Kapilya ay iba ang aking napupusuan sa panahon na 'yon."

Tinitigan niya ako ng maiigi. Iyong titig na para bang pati kaluluwa ko ay nakikita niya. Umiwas ako ng tingin dahil napaka uncomfortable n'on.

"And I felt sorry for myself kasi. . ."

Nahuli ko ang pagtaas-baba ng adams apple niya, sign na hirap siyang ituloy ang sinasabi.

"Hindi ko man lang nasabi sa kaniya ang nararamdaman ko."

"Ehem, wala ka bang balak na balikan ang babaeng 'yon? I mean, sabihin na minahal mo siya nang minsan?"

Tumango siya, "sa totoo lang, balak ko 'yan," tugon niya.

"Mabuti kung gan'on." Ngumiti ako. Hindi ko lubos maisip ang mga nangyare. Kung may mahal naman pala siya noon, na naging malaking rason para umayaw siya sa pagpapakasal sa iba, bakit niya nagawa ang bagay na mas maglalagay sa kaniya sa kasalanan at nawala sa isip niya ang taong iyon?

"Anong iniiisip mo?"

"Hah?" Wala sa sariling tanong ko.

"Ano pang gusto mong malaman?"

"Amm, bahala ka na kung gusto mo pang magkwento."

"Alam mo bang bata palang ako ay talagang pangarap ko nang maging lingkod Niya? Na matagal ko nang binigyan ng puwang sa puso ko ang serbisyo na 'yon. Hadlang ang mga magulang ko sa nais ko dahil narin siguro sa ako ang inaasahan nila na magmamana lahat ng meron kami. Hays, maniwala ka sa hindi pero palihim akong nag ensayo noon sa Kapilya hanggang sa maging ganap na Pastor na ako, ro'n ko lang nasabi sa kanila. Wala silang nagawa pero gumawa sila ng paraan para mawala ako sa landas, at iyon ang pagpapakasal na sinabi ko kanina. Ang tigas ng ulo ko, dahil sa ginawa kong pagtutol ay nakagawa ako ng kasalanan."

Tinignan niya ako ng malungkot. Dahil sa sinabi niyang iyon ay alam ko na ang ibig niyang sabihin. Kasalanan . . .

"Babalik ka pa ba sa pagiging Pastor?"

"Bumalik na ako," ngiti niya. Bumalik na ako . . . Hindi ko alam pero natuwa ako sa sinabi niya.

"Magmula noong naligaw ako, walang araw o oras na hindi ko sinubukang hanapin ang tuwid. Paulit-ulit kong hinanap ang daan, patungong muli sa Kaniya. Walang araw na hindi ako nagsisi. And in order to ease the guilt even just for a while, nag volunteer ako rito sa loob ng selda bilang Pastor. Nanumbalik ang naputol na komunikasyon ko sa Kaniya. Masaya ako na nagkaroon ang iba ng pananampalataya kaya gan'on na lamang sila ka desperado na magbago. Tignan mo sila at hindi mo sila makikita bilang mga makasalanan, mga kriminal bagkus makikita mo sila bilang mga alagad Niya na minsang naligaw ngunit muling natagpuan."

Hindi ko alam kung ilang beses akong napakurap. Hindi ako makapaniwala. Ang lalim ng pinaghuhugutan niya. Ang talinhaga niya. Mukhang dalubhasa na talaga siya.

Behind his sin, maybe there's something more special about him. Mas mabigat keysa sa kung anong nagawa niyang kasalanan.

That guy in jailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon