VII.

192 27 0
                                        

Typographical and grammatical error are inevitable.

SECIL

Hindi ulit ako makatulog. Paano, ginagambala ako ng mga imahe ng Pastor na masayang nagtuturo sa harapan ng mga tao.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga at napahilamos ng mukha. Dumako ang tingin sa labas ng bintana. Pumapasok ang sinag ng bwan sa silid kaya naman kahit paano ay nagkaroon ng liwanag kahit nakapatay na ang ilaw.

Hayss.

Sa mga nagdaang araw ay ganito rin ang nangyayare sa'kin. Simula nang makita ko siya ulit. Ang daming gumugulo sa isip ko.

Hindi ko alam kung matatakot ba ako. Tuwing maaaalala ko ang ginawa niya sa'kin ay naroon parin ang bakas ng lahat. I was very traumatized. Pero nang makita ko siyang naglilingkod bilang Pastor ay tuluyan na akong naguluhan.

Nagbago na siya. Nagbago na nga ba siya?

Sa limang pagkakataon ay bumuntong hininga ulit ako. Hindi pa ako tumatawag kina tatay simula no'ng umalis ako, dahil narin siguro sa marami akong ginagawa at iniisip. T'saka na kapag papauwi na ako. Sigurado naman akong inaalagaan nila ang dalawang bata tuwing wala ako.

Inabot ko ang laptop sa side table ng kama. Napangiti ako nang makita ang wallpaper, sina Jea at Lea. Sila ang swerte ko. Hinawakan ko ang screen. Sila ang liwanag ko.

Kahit napakaraming tao ang nanghuhusga sa kanilang pagkatao. Sila ang pinakamamahal ko.

-----------

"May trabaho kami ngayon sana maintindihan mo," iyon ang ibinungad sa'kin ni Alwin kanina. Hawak ng lahat ang tig-isa silang pala at bareta. Mukhang may trabaho nga sila. Ang pagbubungkal ng lupa.

Wala akong ma i interview ngayon kaya napagdesisyonan ko nalang na mag observed at magtanong tanong ngayon.

Naupo ako sa bakanteng upuan, kung saan kami pwumepwesto ni Alwin dito sa labas. Mula rito ay kitang kita ko ang puro kalalakihang nagtratrabaho, kasama ro'n ang nangunguna sa kanila na si Alwin. Mukhang may mga inuutos ito dahil agad silang tumatalima tuwing siya'y magsasalita.

Iginagalang siya ng lahat. Sapat na ba itong nakikita ko para magtiwa rin ako? Sa tingin ko nga'y nakukuha na niya ang aking loob bagamat narito parin ang pagdududa't alinlangan.

Maya't maya ang pagtingin niya sa gawi ko kaya napapaiwas nalang ako ng tingin.

Tumayo ako at naglakad papasok sa loob. Magtatanong tanong na muna siguro ako.

Nakita ko ang Pulis na pinagalitan ko noong iniwan ako kay Alwin, nakatayo malapit sa hamba ng pinto kung saan kitang kita niya ang mga nagtratrabahong preso. Ngumiti ito sa'kin at bumati, "magandang umaga Ms. Manalo."

"Magandang umaga rin, SPO1 Santa Barbara. May mga gusto lang akong itanong, will you allowed me to do so?"

"It's your job, bakit naman hindi?"

"Tungkol ito kay Alwin, how was he when you first saw him?"

Sandali itong napaisip. "Hmm," napatingala ito.

"He's addicted that time, still, not in his senses." Tumatangong sagoy niya.

"Paano? I mean p'wede niyo po bang ilarawan kung anong exact na hitsura niya, ugali niya . . ."

"Sa isang bwan niyang namalagi rito na gan'on ang hitsura, humaba ang buhok, ang bigute niya at lagi siyang tulala. Iyon bang tapos na ang mundo para sa kaniya. Walang kapag pag-asang lalake kung ilalarawan ng eksakto. Maraming beses namin siyang sinubukang kausapin at pakainin ngunit ilang beses niya rin kaming tinanggihan. Hanggang isang araw ay bigla nalang siyang nabuhayan. Bumangon mula sa pagkakahiga. Lumabas mula sa kaniyang pagkakakulong. Simula sa araw na iyon, doon ko nakita ang totoong siya. Ang akala kong masamang tao, hindi pala. Marami sa amin ang nanghingi sa kaniya ng tawad dahil sa paghusga na ginawa namin sa unang pagkakataon na siyang nakita namin. Palagi niyang sinasabi sa kaniyang kasamahan na ang naligaw na anak ng Diyos ay muli niyang hahanapin at kukupkupin."

That guy in jailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon