Typographical and grammatical error are inevitable.
ALWIN
"Mawalang galang na po Pastor pero hinahanap ka ng iyong t'yuhin sa labas ng Kapilya," sabi sa'kin ni Brother Jesi kaya napatingin ako sa may labas.
Pansamantala akong napatigil sa paglilinis sa mga mikropono at instrumento sa maliit na entablado ng hindi gan'ong kalaking kapilya namin. Lumabas ako at naro'n si Tiyo Martin at nag-hihintay.
"Tiyo, anong kailangan mo?"Agad kong tanong. Nakakapagtakang pinuntahan niya ako rito, ang alam ko kasi'y hindi sila kailanman naging relihiyoso, kasama ng pamilya niya.
Imbes na sagutin ang tanong ko ay inakbayan niya ako at iginaya para maglakad palayo sa Kapilya. Nagpatianod ako gayong may pag-aalangan. Kataka-taka na patingin-tingin siya sa paligid.
"Ikaw nalang ang malalapitan ko, Pastor." Bulong niya maya-maya.
"Ano ba ang kailangan mo-"
"Pera. 'Yon ang kailangan ko." Humiwalay siya sa'kin.
"Ngunit hindi gan'on kalaki ang mga kinikita ko para sa'kin ka lumapit," nakakunot-noong wika ko.
"Alam ko may naitatabi ka sa mga ibinibigay sa'yo ng magulang mo. Mayaman kayo Pastor kaya alam kong matutulungan mo ako. Magtitiis mo ba na kaming kamag-anak mo ay magutom?"
Nailing ako. Kahit mahirap paniwalaan, med'yo nagigipit na rin ako dahil hindi na ako nagpapasupurta kina papa.
"Wala akong maibibigay sa'yo tiyo."
"Bibigyan kita ng isang pakete kapalit ng limang daan,"pagmamakaawa niya.
Gulat man nanatili akong kalmado. My uncle is a drug pusher. Hindi nakakulong dahil kinukunsinti siya ng pamilya nila. Marahil nangyayari ito sa kanila dahil sa wala silang pananampalataya.
"Hindi ako gumagamit ng druga,"tugon ko.
"Try it,"pag-eengganyo niya.
Umiling ako. Hinding hindi ako gagawa ng bagay na makakasama sa'kin lalong lalo na sa paningin Niya.
"Kahit limang daan lang, Pastor."
Matapos ng ilang pagmamakaawa ay nadala rin ako. Besides, they're my relatives.
"Heto isang libo tiyo," abot ko sa perang mula pa sa ipon ko.
Malugod niya 'yong tinanggap. "Maraming salamat, Pastor Tamarac. Pagpalain ka nawa ng Dyos na pinaglilingkuran mo." Inabot niya ang kanang kamay ko para makipagkamayan kaya nakisabay nalang din ako.
"Walang anoman, hindi magsasara ang Kapilya para sa inyo,"ngiti ko bago siya umalis.
"Huwag mo kaming isipin Pastor! 'Yan! Para 'yan sa'yo."
I realized he left something in my palm. It was a sachet of illegal drugs. Ihahabol ko sana sa kaniya kaso lang ay nakita kong papalapit ang isa sa mga katulong ng kapilya.
Napatiklop ako at agad na inilagay ang bagay na 'yon sa bulsa ko. Marahil ito ha ang pinakamabigat na kasalanang ginawa ko.
"Pastor, itutuloy po ba ang pagpapaayos natin sa faucet sa may comfort room ng kapilya?" Tanong ni Mang. Gustin.
Nang makasiguro akong naitago ko ng maiigi ang sh*bu sa secret pocket ng pantalon ay tumango ako.
"Opo, manong."
Agad naman silang nagtawag ng mga kasama nila habang ako nanginginig na pumanhik sa loob ng kotse ko at d'on nilagay ang bagay na ibinigay sa'kin ni Satanas ngayong araw. Alam kong susubukin niya ako.
BINABASA MO ANG
That guy in jail
Teen FictionSi Secil Manalo ay isang ordinaryong babae, may pangarap hindi para sa kaniya ngunit para sa kaniyang pamilya. Puro pag-aaral ang inatupag ng dalaga, ni hindi na niya naranasang makipag socialize sa iba o pumasok man lang sa isang romantic relations...