X.

183 21 0
                                    

Typographical and grammatical error are inevitable.

SECIL

A week of self-control, tempting and holding back. I did it. I finally completed the portfolio.

Uuwi na rin kami sa Bangui, kasama ang isang anak ko at ni Clarence.

Napapaisip ako habang nasa byahe. Kahit papaano ay naging maayos ang naging transaction namin. Nakita ko rin na talagang nagbago na siya. May pagbabago na nga sa kaniya. At sa aminin ko man o hindi, napahanga niya ako sa taglay niyang ugali.

Kung sana maaayos ang kung s'an kami nag-umpisa ay gusto ko pa siyang mas makilala.

Humalik ako sa noo ni Lea.

Ang perang nakuha ko mula sa ginawa kong ito ay ilalaan para sa pamilya ko.

Nang akmang ipapasa ko na sa main writer ng agency ang document may napansin akong maliit na brown envelope na nakaipit.

"Teka lang sir," kinuha ko iyon.

"A letter." Bulong ko sa sarili.

"Seems like someone in jail gave you a goodbye letter," ngiti ni sir Dumlao.

Nahihiya akong lumabas sa opisina at agad na binuksan ang sulat. I headed to my cubicle and sat in my own swivel chair.

"A letter for whom I steal her future." Basa ko sa nakasulat sa envelope.

Nang mabuksan ko, agad kong binuklat ang bond paper. It was a hand-written letter!

Pigil ang hininga kong binasa ang laman ng liham.

To Secil,

I won't be able to give you such a expensive gift or flowers para isama sa sulat kong 'to kasi ayokong ibigay sa'yo ang hindi ako ang mismong pumili, maybe soon. :< Kapag nakalabas na ang g'wapong adik na 'to. Just want to thank you for all the good things you done for our twins. Ang kapal nga siguro ng mukha ko na akuin silang anak ko kahit sa masamang paraan naman sila nabuo. Thank you Secil, sa pag-aalaga sa kanila. Alam kong hanggang ngayon ay trauma ka parin sa ginawa ko sa'yo but trust me, I regret a lot kasi ako ang naging dahilan kung bakit hindi mo naabot lahat ng pangarap mo. Nagsisi ako pero narito ang isang katutuhanang hindi ako nagsisisi na ikaw ang naging ina nina Jea at Lea. Sana magkaroon ako ng pagkakataon na makasama sila kahit isang araw lang. 'Yon lang Sel, thank you. I love them, soon I'll be there...Loving you too. Hindi ko man deserve ang kapatawaran mo kasama ng pamilya mo, aasa ako rito sa loob ng bilibid na balang-araw ay kusa niyo na 'yong ibibigay sa'kin. Promise, I'll be good. I'll do it. Pagbabayaran ko rito sa kulungan ano man ang naging utang ko sa inyo. See you again. :3

                          —Alwin

I closed the letter as I closed my eyes. That very moment I saw him in my vision. I smiled.

Soon, Alwin. Maibibigay ko rin ang lahat ng hinihingi mo.

--------

Nagulat ako nang makita ang perang laman ng aking credit card, ang perang ibinigay ni Alwin. ISANG MILYON?! Half lang ang napagkasunduan namin pero bakit naging bou?

Gusto ko siyang puntahan ulit. Gusto ko siyang makita para itanong kung bakit.

Isang linggo muna ang pinalipas ko upang asikasuhin ang aking pamilya bago ko napagdesisyonan na bumalik sa bilibid. Pinaghalong kaba at sabik ang aking nararamdaman, at kung bakit ko iyong nararamdaman ay hindi ko rin alam.

"Ano pong pangalan mo Ma'am?" Tanong muli ng Pulis sa front desk. Mukhang kahit ilang beses akong pumunta rito ay pabalik balik ang gan'ong tanong niya.

"Secil Manalo."

"Sinong bibisitahin?"

"Alwin Tamarac po."

Tinignan niya ako. Iyon bang titig na tinatanong ako kung nagbibiro ba ako o hindi.

"Hija." Panimula niya. "Nalipat na si Alwin, ikaw ang gumawa sa Documentary niya 'diba? Congratulations, mukhang hindi naging maayos ang pagkakasulat mo at inilipat pa siya sa Bukidnon."

Natakot ako. Hindi iyon p'wedeng mangyare! Maayos ang lahat ng sinabi ko sa sulat! Hindi nila p'wedeng gawin 'to!

Wala sa sariling nilisan ko ang piitan at bumalik narin sa Bangui. Kailangan ako ng mga anak ko.

Nakaka disappointed. Katangahan ko. Bakit ba hindi pumasa ang ginawa ko? Hindi ba iyon sapat?

Ang laking pera ang ibinigay niya pero hindi siya nakalaya. Alam kong ibinigay niya iyon sa'kin dahil kina Jea at Lea.

Ang tanging magagawa ko nalang yata ay ilaan ang perang iyon sa kanila. Magpapatuloy parin ako sa pagtratrabaho ko.

----------

Ang perang ibinigay ni Alwin ay ginamit ko para makabili ng lupa at makapagpatayo ng saktong laking bahay. Malayo sa lugar kung saan hirap huminga ang isa sa kambal. Graduate narin si Rence, sa katunayan may trabaho na sa isang kompanya. At si Erick bumalik sa pag-aaral sa TESDA, dalawang taon nalang ang aantayin para maging ganap na automotive mechanics. Ang mga magulang ko ang nagsilbing tagabantay muna sa dalawa kong anak, unti-unti rin silang natanggap ni nanay. Ako naman, from underrated, ngayon naging main writer ng agency namin.

Nakakatuwa na paunti-unti nang nagiging maayos ang lahat. Malaking tulong ang biyayang ibinigay ni Alwin. Tunay nga na isa siyang pag-asa. Mabuti siyang tao at walang araw na hindi ko siya iniisip. Maging sa mga anak ko ay sinumulan ko na ring sabihin. Sinubukan kong i open sa pamilya ang tungkol sa kaniya at nagpapasalamat ako na kahit paano ay natatanggap na nila. Lalong lalo na ang kambal. Natuto narin sila na tawagin siyang 'papa' kahit sa litrato lang nila nakikita.

Kamusta na kaya siya. Okay lang ba siya? Nagtuturo parin kaya siya ng salita ng Dyos?

Isang Linggo sa bwan na 'to, napagdesisyonan kong magsimba kasama ang dalawa kong anak. May nabalitaan kasi ako na simbahan malapit sa'min. Isa iyong Kapilya, gaya ng sinabi ni Alwin na kung saan siya unang nagturo.

Nasa entrance palang kami ng Kapilya ay ramdam ko na ang matinding pagtanggap. Ang gaan sa pakiramdam. Nakakatuwa.

Papaupo na kami nang lumapit ang isang pamilyar na bulto sa'ming mag-iina. Napalunok ako ng paulit-ulit nang makilala kung sino ang lalakeng iyon na nakatago sa itim na mask. Nanginig ang kalamnan ko. Nanlamig ang aking mga palad. Halo-halong emosyon. Nagtutubig ang aking mata. Totoo ba 'tong nakikita ko?

Napatakip ako ng bibig. Totoo nga!

"Secil . . ."

"Alwin . . ?"

"Yeah, that's me." Tumango tango siya.

That very moment, I felt contented seeing him here, at this place, again.

That guy in jailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon