Typographical and grammatical error are inevitable.
May contains strong words. Be guided.
SECIL
"Clarence, ipagtimpla mo nga ang kambal ng gatas," pakiusap ko na agad naman niyang sinunod.
Hirap ako sa pagpapatahan kay Jea. Umiiyak ito kanina pa. Hindi ko kasi nabilhan ng laruan, gipit na gipit pa naman ngayon.
"Tahan na baby Jey, bibilhan ka ni mama ng laruan kapag naka sweldo na, tahan na," pag-aalo ko ulit. Sinayaw sayaw ko siya para talagang tumigil na. Ang isa naman kambal ay mukhang inaantok na at tahimik nalang na nakaupo.
"Oh ate," abot ni Clarence sa dalawang bote ng gatas.
Ibinigay ko ang isa kay Lea at kay Jea ang isa. Napangiti ako ng makita ang kusang paghiga ng isa habang hawak ang bote ng gatas niya.
Sa kambal kong anak, si Jea ang iyakin. Madali s'yang umiyak lalo na kapag hindi naibigay ang gusto niya at sa kabilang banda, mas responsable si Lea, para itong may muwang sa mundo gayong apat na taong gulang palang naman.
Nang sa wakas ay nakatulog na si Jea ay itinabi ko siya sa natutulog na rin na si Lea. Identikal twin sila, magkamukhang magkamukha. Sigurado akong malilito maging ako kapag nagkaroon sila ng parehong sout na damit. Ang kaso lang, hindi ko man lang sila mabilhan ng ternong damit o kahit anong gamit para magmukha talagang kambal. Ang mga damit na sout nila ay damit pa ng mga kapatid ko noon na sobrang luma na nga.
"Ate," tawag ni Clarence nang makitang papalabas ako ng k'warto.
"'No 'yon?" Mahina kong tanong.
"Kasi, next week na ang bayaran ng tuition at mga fees sa University. Graduating student ako kaya kailangan kong magbayad."
Agad nalukot ang mukha ko.
"Magkano ang babayaran mo?"
"Nasa twenty-five thousand ate. Gustuhin ko mang mas maghanap ng trabaho pa eh hindi parin magiging sapat ang sweldo."
Napahilamos ako ng mukha. Saan ako kukuha ng gan'ong kalaking halaga ng pera?
Dagdag mo na ang mga gastosin dito sa bahay at mga gamot ni tatay. Ang pangangailangan ng kambal. Kahit dalawahin ko na ang project ko eh hindi parin 'yon magiging sapat.
"Kung tanggapin ko nalang kaya ang alok ni Auntie Beli na magtrabaho ako sa kaniya bilang—"
"Hindi. Walang tatanggap sa gan'ong klaseng trabaho sa pamilya natin. Naiintindihan mo Clarence? Sisirain ng druga na 'yan ang buhay mo't mga pangarap. Ako na ang bahala. Taposin mo nalang ang lahat ng requirements mo, gra graduate ka, Rence."
Kung sana natupad ko ang pangarap ko, hindi sana ganito.
"'Nay at 'Tay. Pangako ko sa inyo, magiging Psychology ako at bibigyan ko kayo ng magandang kinabukasan."
Natawa silang pareho. Labing-isang taong gulang ako nang magsimula akong mangarap, hindi lang para sa'kin kun'di para sa kanila.
Wala akong inisip na ibang bagay. Puro ako aral. Ni wala na akong naging oras para sa mga espesyal na bagay tulad ng pagpasok sa isang relasyon. Para sa'kin, dapat walang sinasayang na oras. Dapat sa lahat ng oras eh isaalang alang ang mga bagay na mas importante. Mas mahalaga at talagang mag-aangat sa'yo.
"Sel, narinig mo 'yon? Type ka yata ni Krent. Why not give him a shot?"
Nailing nalang ako sa ibinulong sa'kin ng kaisa isa kong kaibigan, si Jumae. Nagpatuloy ako sa pagsusulat. Marami pa akong tinatapos na draft para sa mga report at project ko.

BINABASA MO ANG
That guy in jail
Teen FictionSi Secil Manalo ay isang ordinaryong babae, may pangarap hindi para sa kaniya ngunit para sa kaniyang pamilya. Puro pag-aaral ang inatupag ng dalaga, ni hindi na niya naranasang makipag socialize sa iba o pumasok man lang sa isang romantic relations...