Typographical and grammatical error are inevitable.
ALWIN
"JeLea! Ibalik niyo sa'kin ang susi!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses. Med'yo nagsisi ako sa pagsigaw sa kanilang dalawa dahil baka magising na ng tuluyan ang dalawang lalakeng kambal. Wala pa naman si Secil dahil nasa trabaho. At kapag nagising at umiyak ang dalawa pa, siguradong ikakamatay ko na ang sakit sa ulo.
"Sige na mga anak, sige na oo na, bibilhan ko kayo ng tig-isang set ng barbie mamaya."
"Buti nalang hindi kami uto-uto papa, palaging gan'yan ang sinasabi mo." Si Jea.
"Blee, akyat ka na kasi papa!" Sigaw naman ni Lea. "At t'saka ayoko ng barbie! Gusto ko iyong golden mike sa TAWAG NG TANGHALAN!"
Naduduling na ako sa kakatingala sa taas ng malaking puno, napapatangin minsan sa dalawang stroller kung saan natutulog ang kambal. Sana pala hindi ko nalang sila sinama rito sa farm. Ang sakit nila sa ulo!
"Sige naman na mga anak, uuwi na tayo, eh!"
"Akyat ka na papa, sige na." Pakiusap din nila pareho. Napaismid ako, magkakambal nga sila. Parehong tuso eh.
"Ginagamit niyo talaga lagi sa'kin ang mga kahinaan ko." Napasabunot ako sa sariling buhok nang hindi man lang nakinig ang dalawa, mas lalo pa silang umakyat paitaas sa pinagawa naming tree house sa mismong ituktok ng puno.
Ang gagaling nilang umakyat samantalang ako, wala. Trauma kasi ako sa gan'yan. Alam ko nga paano umakyat sa puno, hindi naman alam paano bumaba. Mas lalo lang sasakit ang ulo ko. Napabuntong hininga nalang ako at nilapitan ang dalawang bunso.
"Elrich, Cethrich, paglaki niyo huwag na huwag niyong gagayahin ang dalawa niyong ate hah?" Umakto akong kinakausap silang dalawa pero ang intensyon ko talaga ay paringgan ang dalawang bata na mukhang sabik nang marating ang tree house.
"Papa! Narinig namin iyon! Paglaki nina Rich at Rich, mas magiging makulit sila! Mga lalake 'yan Pa!" Nagtawanan ang dalawa sa itaas ng puno dahil sa tinuran ni Jea.
Naiiling nalang ako. Wala akong nagawa kun'di naupo nalang sa damuhan at tumanaw sa malawak na bukirin namin. Hindi nga ako makapaniwala na nagawa naming parang iwanan ang napakarangyang buhay para lang mabuhay ng simple. Noong una, nagdalawang isip pa ako sa gusto ni Secil na manirahan sa ganito, pero dahil kalakip ng pangako ko sa harapan ng Diyos na sasamahan ko siya sa hirap at ginhawa ay nasunod din ang mas komportable ngang pamumuhay namin.
Ang perang naipon namin sa halos anim na bwan naming pagtratrabaho overseas ay siyang ginamit namin upang makabili ng panibagong lupa at bukid. Ang titulo ng lupa kung saan kami nagpagawa ng simpleng bahay ay ipinangalan na sa dalawang kambal na babae samantalang ang bukid ay sa dalawang kambal na lalake. Simple ngunit payak na pamumuhay. Gayonpaman, hindi ako tumigil sa paghanap-buhay sa mataas na paraan para sa kanila. Ang mga negosyong ipinagkatiwala nina dad sa'kin ay tuloy-tuloy paring umaangat. Si Secil, may permanente nang trabaho. At syemp're narito parin ako at patuloy na naglilingkod sa Kaniya. Wala kami kung wala Siya at hindi namin matatamasa ang buhay na ganito kung wala ang tulong at gabay Niya.
I once again, pray. Sana ay bigyan niya tayong lahat nang masayang wakas, we deserve happy ending after all the odds.
'Cause me? With my family, Secil, Jea, Lea, Rich and Rich. A contentment had finally felt.
-------
"Papa! Look at our drawing!" Ibinaba ko ang kape sa lamesa at pinukol ang atensiyon sa ipinakita ng anak kong si Lea.
"Hmm, ano 'yan hah?" Nakangiti ko siyang binuhat at kinandong habang hawak na ang papel kung saan sila gumuhit. Napangiti ako sa nakita. A family drawing.
"Tayo po 'yan Pa." Nagsimula nang ituro ni Lea isa-isa ang mga simpleng imahe na nakaguhit,
"Alexis Winston Fajardo Tamarac, ang Papa namin!" Turo niya sa pinakaunang mukha, natatawa pa siya dahil siguro hindi iyon mukhang ako. Ang kulay na ginamit kasi pangkulay sa buhok ay asul. Natatawa narin maging ako at tinanong kong bakit asul ang nilagay na kulay.
"Because blue is what we use when we color water in drawings," paliwanag niya ngunit napaismid nalang ako. Napansin ko rin na iba't ibang kulay ang ginamit sa mga buhok ng mga nakaguhit.
"Ano namang koneksyon n'on 'nak?"
"You're like a water, Pa. We can't live without you. You're the most important source to us. You're the major constituents to your family, including these people who always listen to you when you talk about His words."
Unti-unti'y napangiti ako sa sinabi ni Lea.
"How about this one besides me?" I pointed at the girl drawing with a like gold hair.
"She's Selene Lrecil Limaco Manalo-Tamarac, our beautiful mother and your loving wife."
"Bakit gan'yan naman ang kulay ng buhok ng Mama niyo?" I innocently asked.
"This color is like her heart, it's golden. Besides, she's our treasure, the most luxurious treasure we have at home. We valued her so much."
What my daughter said really made my heart melts, right after every words. They really grown and growing up. Slowly shaping up what is them and what they are. Nagpapasalamat ako na lumaki silang mulat sa mga bagay sa kanilang paligid, kahit nasa murang edad palang. Na meron silang sapat na gabay mula sa akin bilang ama at kay Secil na kanilang ina.
Jesusa Elizabeth Ai Manalo Tamarac
Levine Elizana Ae Manalo Tamarac
Elrich Dewayne Manalo Tamarac
Cethrich Lewiston Manalo Tamarac
They're my treasure, our treasure. They'll be the next generation of this story we started.
--------
"Mawalang galang na po Pastor pero hinahanap ka ng iyong t'yuhin sa labas ng Kapilya,"magalang na sabi sa'kin ni Brother Jesi. Nakakunot noo akong tumingin sa labas.
Pansamantala akong napatigil sa pag-aayos ng aking gagamitin mamayang misa sa malawak nang entablado ng Kapilyang bumuhay sa'kin. Nakakatuwang ang dating maliit ha entablado ay naging mas malawak na. Maraming nagbago. Napabuntong hininga ako t'saka naglakad papalabas. Pakiramdam ko'y parang napaka pamilyar ng magaganap na tagpong ito.
Nang makalabas ako ay naro'n na nga si Tiyo Martin at nag-hihintay.
"Tiyo, anong kailangan mo?" Agad kong tanong, hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Alam kong may kailangan siya kaya siya pumunta rito. May pag-aalangan pa ako sa sarili na baka kung saan na naman tutungo ang usapan na 'to, pero nanatili akong kalmado. Sa mga nangyare sa'kin ay mas lalo na akong naging matatag, wala na muling makakatibag n'on.
Imbes na sagutin ang tanong ko ay napayuko ito na tila ba hiyang hiya na ipakita ang pagmumukha sa'kin. Labis akong nagtaka sa ikinilos nito. Lalo pa akong nagulat nang bigla nalang siyang nagtagis ng paglakas lakas sabay sa pagluhod sa harapan ko. Med'yo napaatras ako nang nagpatuloy ito sa pag-iyak habang nakahawak sa laylayan ng damit ko. Anong ginagawa niya?!
"Tiyo, anong nangyare?" Ngayon ko lang nakita ang taong ito na umiyak, sa harapan pa ng Kaniyang tahanan. "Sabihin mo kung bakit ka umiiyak tiyo, tutulong ako." Pilit ko siyang pinapatayo.
Sandalian pa itong nagtangis bago muling tumayo. Sa pagsalubong ng aming tingin, hindi ko na muling nakita sa kaniyang mga mata ang isang tiyo Martin na palasugal, palainom, palaaway, kun'di makikita ngayon sa kaniya ang labis na kalungkotan at pagsisisi. Tila ba nabasa ko kung ano man ang nais niya sa oras na ito. At sinisiguro kong mas masarap iyong marinig kapag mismong lumabas sa kaniyang bibig.
"Pastor, p'wede mo ba akong alukin na pumasok sa loob ng tahanan Niya?"
BINABASA MO ANG
That guy in jail
Teen FictionSi Secil Manalo ay isang ordinaryong babae, may pangarap hindi para sa kaniya ngunit para sa kaniyang pamilya. Puro pag-aaral ang inatupag ng dalaga, ni hindi na niya naranasang makipag socialize sa iba o pumasok man lang sa isang romantic relations...
