V.

194 28 1
                                    

Typographical and grammatical error are inevitable.

SECIL

Day 3

"Let's do the interview today," aniko nang makaupo na kaming pareho.

"Sige pero kapag tapos mo na akong tanongin, ikaw naman."

"Ayoko."

"Then ayoko rin,"ngisi niya. Mukha parin siyang adik kahit anong ligo ang gawin niya.

"Okay then, whatever." I rolled my eyes. Napahikab ako. Kulang ako sa tulog dahil sa pag-iisip ng kung ano-ano kagabi. Day 3 na ngayon at med'yo may nasimulan na ako. Sana lang maging maayos ang isusulat ko pa, sa tingin ko kasi kapag puro positive support ang ilalagay ko eh makakahalata sila kaya heto may ilalagay ako na mga kanegahan.

Tumingin ako sa wristwatch. Saktong alas-otso na. Pinag-antay kasi ako ng Adik na 'to rito sa waiting area eh, kapal talaga. Mabuti nalang at walang tao ngayon, perfect timing sa gagawing interview.

Inayos ko ang ordinary lie-detector. Hiniram ko pa 'to sa bestfriend ko kaya dapat magamit ngayon.

"Akin na," tukoy ko sa kamay niya. Umiling siya kaya ako na mismo ang nag-abot sa isang kamay niya.

I placed his hand on the lie-detector.

"Kapag talaga nakuryente ako rito, kakagatin kita." Banta niya sa'kin, mukhang natatakot sa detector.

"As if naman, natatakot ako sa'yo."

Kanina ay nagbangayan pa kami na huwag nalang gumamit ng ganito, pero sabi ko naman mas madaling ma dedetermine kung anong totoo. Ako naman ang nanalo sa bangayan kaya ang gusto ko ang nasunod.

Napangisi ako. Tignan natin kung makakapagsinungaling siya ngayon.

"Huwag na kasi gumamit nito." Pilit niyang tinatanggal ang hand holder.

"Kung anong desisyon ko, iyon ang masusunod."

"Eh? Sasagotin ko naman ng matino ang mga tanong. Hindi naman ako marunong magsinungaling eh," pagmamaktol niya.

"Wala, hindi uubra sa'kin mga pa gan'yan mo."

"Sige na kasi!" Pilit niyang binabawi ang kamay niya.

"Teka nga, natatakot kaba sa ganito?"

"H-hindi pero, ikaw ba naman makuryente! Zitttt! Gan'on!" Wow may pa sound effect pa.

"Aba huwag kang magsisinungaling kung ayaw mong maranasan 'yon. Magsimula na tayo."

"Kahit naman siguro magsasabi ako ng totoo rito," bulong niya pero rinig ko. Naiiling nalang ako.

Tumikhik ako at binasa ang nasa questionnaire. Tinulungan ako ni Jumae sa paggawa nito kaya sana naman ay wala siyang linagay na mga kalokohan.

"Kailan ka nagsimulang magtake ng illegal drugs?" Tingin sa kaniya.

"Exact date ba?" Kunot-noong tanong niya.

"No, just your age."

"Well, no'ng 24 ako."

Napatango ako at sinulat ang sagot niya. Inantay namin ang lie-detector at sa unang pagkakataon ay maayos naman.

"As of now, nag te take ka parin ba nito-"

"No."

"Hindi pa nga tapos ang-"

"Alam ko naman na ang itatanong mo eh," reklamo niya pabalik.

That guy in jailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon