Typographical and grammatical error are inevitable.
SECIL
Matapos nang pag-uusap namin ni Sheyn ay tuluyan nang nalutang ang aking isip.
So all of these day's na magkasama kami, alam pala ng lahat na ako, ako ang babaeng 'yon. Na may anak kami ni Alwin. Na hindi niya inilihim sa lahat ang tungkol sa nagawa niya sa'kin.
"'You alright?" Inilapag ni Jumae ang baso ng gatas sa harapan ko.
"Salamat," wika ko. Napatukod ako sa Island table niya rito sa kusina. Katatapos lang naming kumain
"Bakit ba kasi pumayag ka sa trabahong 'to? Seriously, Secil, huwag ka nang tatanggap ng ganito sa susunod, maliwanag? Alam mo naman siguro na lahat ng tao roon ay kriminal, mga masasama—"
"Hindi lahat." Putol ko dahilan para matigilan siya sa pag-inom ng tubig.
"Teka." Inilapag niya ang baso sa lamesa. "Kaya nga nasa bilibid 'diba? Kasi mga kriminal sila, mga makasalanan at wala silang karapatang—"
"Close minded mo ngayon," putol ko ulit sa sinasabi niya.
"Not being close minded, I'm just stating the truth, the fact."
"Siguro tama ka na kriminal sila, nagkasala sila sa batas pero MAY karapatan silang magbago."
"Wow," panabuga siya ng hangin, dahil siguro sa hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko. "Bago 'yan ah, o hindi ko lang talaga nakita ang side mo na 'yan. Parang dati ay diring diri ka pa kapag nakakakita ka ng mga preso, plano mo na ba ngayon ang maging prosecutor? What happened, Sil?"
Para akong nainsulto sa sinabi niya pero pinakalma ko ang sarili. Si Jumae 'yan, malamang biro na naman ito sa kaniya.
"Sinasabi ko lang na huwag dapat lahatin—"
"Then why all of the sudden? May koneksyon ba 'to sa ginagawa mo ngayong proyekto tungkol sa lalakeng sumira sa'yo? Come on, nakalimutan mo na ba ang kung paano—"
"Jumae, enough. Alam mo kung gaano kahirap para sa'kin tuwing nahahalungkat ang bagay na 'yan yet you're bringing it on now?"
Natigilan siya. "I-i'm sorry."
"Bursting out words is irresistible and hurting someone using words is inevitable, what you need to do is to watch out your words."
Hindi siya nakapagsalita. This is the toxic side of her. Padalos dalos siya sa mga salitang binibitawan niya.
"And," tumayo ako mula sa pagkakaupo. "Tandaan mong lahat ay kayang magbigay ng kapatawaran." Nauna na akong pumasok sa k'wartong ibinigay niya sa'kin.
Dalawang araw nalang, matatapos na ang contract ko sa bilibid. Napatitig ako sa kisame.
Bigla bigla nalang naglalaro sa isip ko ang mga salita ni Sheyn. Ang kagustuhan nilang makita ni Alwin ang mga anak namin.
Saglit pa akong nagmuni muni bago dinalaw ng antok.
-------------
"So, this is the last day of gathering data about you." Walang gana kong saad. Nasa labas kami ngayon ni Alwin. I briefly discussed what the last part contain.
"Eh bukas?"
"Editing at printing na bukas."
Napatango siya. "Tapos ngayon?"
"Tataposin ko na ang resolution at conclusion."
"How's the document?"
Napangiti ako. "So far, halos positive lahat ng naisulat."
BINABASA MO ANG
That guy in jail
Teen FictionSi Secil Manalo ay isang ordinaryong babae, may pangarap hindi para sa kaniya ngunit para sa kaniyang pamilya. Puro pag-aaral ang inatupag ng dalaga, ni hindi na niya naranasang makipag socialize sa iba o pumasok man lang sa isang romantic relations...