1

39 3 5
                                    

TANGLED STRINGS CHAPTER 1
༶•┈┈┈┈┈┈୨♡୧┈┈┈┈┈•༶

A warm yet windy Saturday welcomed me. It's the first day of my university's summer break, but it's not the time to take a rest dahil kailangan ko pa ring pumasok, 'yun nga lang ay sa trabaho. Ngayong walang pasok sa eskwela kailangan ay doble kayod ako. From my usual Saturday and Sunday shift, it now became Monday to Saturday.

Agad kong binuksan ang bintana sa kwarto ko para papasukin ang hangin. Doon ko nakita si Lola na pinupunasan ang mga bintana ng book shop namin na katapat lang ng bahay kaya naman mabilis akong bumaba at pumunta roon para tulungan siya.

"Ako na 'La"

"Hay naku, huwag na at kaya ko na 'to. Gumayak ka na lang at pumasok na sa trabaho." Binawi niya pabalik ang basahang inagaw ko sa kaniya.

"Maaga pa naman 'La," giit ko at akmang kukuhanin muli ang pamunas nang kurutin niya ako sa tagiliran.

"Tumigil ka, Magarhi. Kumain ka na lang do'n at kanina pa 'ko nagluto." Itinulak niya ako paalis kaya napanguso na lang ako.

Ganyan naman palagi si Lola. Kami na nga lang ang magkasama ayaw pa niyang tinutulungan ko siya. She's always telling me to just focus on my own life and strive harder to make the best version of myself.

Sumunod na lang ako sa kaniya dahil alam kong wala na rin akong magagawa. Bumalik na ako sa bahay, kumain, at gumayak.

Kalalabas ko pa lang ng gate para pumasok na sana trabaho ay ginulantang naman agad ako ni Sera. She's screaming Barbie again, with her full pink outfit and hairstyle. Napangiwi na lang ako.

"Bakit ganyan ang suot mo?"

"Wala lang. Bakit, pangit ba? Akala ko ba mahilig siya sa pink?" She pouted.

"Ah, so crush mo nga yung anak ng boss ko?" Pinaningkitan ko siya ng mata. Kung sino-sino naman ang nagiging crush ng isang 'to, at kung saan-saan din siya nakakapulot ng impormasyon tungkol sa mga nagugustuhan niya na kadalasan ay hindi naman totoo.

She gave me a sly smile. "Okay lang naman ang suot ko 'di ba?" Umikot pa siya sa harap ko.

Bumuntong hininga na lang ako at naglakad na paalis. "Ayaw niya sa pink," saad ko habang umiiling.

"What!?" Mabilis siyang humabol sa akin at niyugyog ang braso ko. "Then wait for me, kailangan ko magpalit!"

"Malalate ako sa trabaho, Sera. Sumunod ka na lang." Peke ko siyang nginitian at nauna na. Kahit kailan talaga 'tong babae na to, napakahilig sa mga lalaki na hindi naman siya ginugusto pabalik.

Pagdating ko sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko ay sinalubong agad ako ng bati ng dalawa kong ka-trabaho na binati ko rin naman pabalik.

"Good morning din."

I straightly went to the staff room to change to my barista uniform. A white polo shirt with Brew Avenue's logo, a brown apron, and a bandana.

Pagdating ko sa pwesto ko ay agad ko nang inayos ang mga gamit na kakailanganin ko. Habang ginagawa ko 'yon ay napapaisip na ako kung ano-anong klase nanaman kaya ng customer ang makaka-engkwentro ko ngayon. Sana ay maging maayos ang lahat.

Hindi nagtagal ay tumunog ang bell ng pinto, hudyat na may pumasok. Babatiin ko sana 'yon nang makita kong si Sera lang ang dumating kaya napatigil ako. She really changed her clothes, she's wearing an all blue coordinates this time.

"One iced caramel macchiato, please" ngumiti siya at pasimpleng sumilip sa pinto ng staff room.

"Wala pa. Mamaya pa dadating 'yun." I know she's looking for North-my boss' one and only son.

Tangled StringsWhere stories live. Discover now