16

10 3 1
                                    

TANGLED STRINGS CHAPTER 16
༶•┈┈┈┈┈┈୨♡୧┈┈┈┈┈•༶

The next day, I woke up in a light mood. When I opened the windows, the warm sunlight and breeze of air welcomed me. The sounds of the birds chirping felt like a music to my ears. And the two kids I saw running around the neighborhood reminded me of us.

Suddenly, it felt like all my worries just vanished. Pakiramdam ko ay ipinanganak akong muli sa panibagong mundo, a world that is less cruel. Nakakapanibago at nakakatakot mang makaramdam ng ganito ay hindi ko muna 'yon pinansin. I won't waste a good day worrying why it is good. I will just enjoy end cherish this moment, today will be today, and tomorrow will be tomorrow.

"Good morning," masayang bati ko kay Reagan at Janine pagpasok ko sa kitchen ng café.

"Mukhang good mood tayo ngayon ah." Agad iyong napansin ni Janine.

Ngumiti ako at tumango. Mukhang magiging matamis ang mga iseserve kong order sa mga customers ngayon.

"Uy, blooming din. Bakit kaya..." Pinaningkitan nila ako ng mata.

"Maganda kasi ang tulog ko kagabi," patay malisya kong sagot.

"Sus, sigurado may dahilan kung bakit maganda ang tulog. Ano kaya? O baka naman sino kaya?" May pagdidiing giit ni Reagan. Hindi ko alam kung saan nila napupulot 'yan, ganoon ba kadaling mabasa ang mukha ko?

Hindi ko na sila sinagot pa at baka kung ano pa ang masabi ko. Dumeretso na lang ako sa harap dahil may customer na ring pumasok.

Mukhang nakikisama naman sa akin ang araw ngayon. There are no rude and demanding customers, the café is full but the workload doesn't feel that heavy, at marami ring mga customer ang naghuhulog sa tip box namin ngayon.

Napatingin muli ako sa oras, it's already 10 AM. Kailan kaya dadating si Sev? I mean, since he said it himself na kaya siya na-busy at hindi makalabas ay dahil sa pinapractice niyang cake, at ngayong tapos na 'yon, I'm expecting to see him at the café since regular customer na rin namin siya. Isa pa, I want to talk to him. I need to say something about the letter he wrote, although hindi ko alam kung lalabas ba ang mga salitang 'yon sa bibig ko kapag nasa harap at nakita ko na siya.

Lumipas pa ang isang oras at hindi na ako makapaghintay. Nasanay ako na pumupunta siya rito ng 8 o 9 ng umaga, at ngayon ay lagpas 11 AM na pero ni bakas o anino niya ay wala.

To: sebwisit 👹

Busy?

Napanguso ako nang lumipas ang bente minutos ay hindi pa rin siya nagrereply.

Should I call him? No. Maybe not. I don't want to look too clingy.

"Maggs, lunch break ka raw muna," giit ni Reagan. Tumango naman ako at tumalima.

Napagpasyahan kong bumili na lang ng pagkain sa convenience store at doon 'yon kainin. I bought myself some cup noodles and an orange juice sabay upo sa pwestong nakaharap sa glass wall para libangin ang sarili sa mga dumadaan.

Habang iniintay kong maluto ang cup noodles na binili ay panay ang tingin ko sa cellphone. Napabuntong hininga na lang ako nang makitang hindi pa rin siya nagrereply. What's keeping him so busy, anyway?

Habang dinadamdam ang hindi niya pagsagot sa text ko ay napatingin ako sa malabong repleksyon ko sa salamin. Napaayos ako ng upo nang makita ang reaksyon sa mukha ko, nakanguso at bagsak ang mga balikat.

Tangled StringsWhere stories live. Discover now