9

10 3 0
                                    

TANGLED STRINGS CHAPTER 9
༶•┈┈┈┈┈┈୨♡୧┈┈┈┈┈•༶

Have you ever been in a situation where you don't understand what you're feeling? It just feels weird and scary at the same time. Para akong nasa ibabaw ng mga ulap, 'yon nga lang ay habang umuulan.

I kept thinking about what Sev said to me. Doon lang sa mga salitang iyon umikot ang isip ko pagkauwi. Parang sumaksak sa akin ang mga salitang binitawan niya sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. No one has ever said that to me. That I am worth appreciating.

Habang nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip ay tumunog bigla ang phone ko kaya chineck ko 'yon.

After seeing who it was, my whole system started going feral again.

From: sebwisit 👹

How should we meet later?

Should I fetch you?

Napatingin ako sa orasan. We still have an hour and a half before the café's closing time.

To: sebwisit 👹

I can walk. May paa ako.

Hindi pa man lumilipas ang isang minuto ay nakatanggap na agad ako ng reply mula sa kaniya.

From: sebwisit 👹

Okay, then I guess I'll be walking too. ^~^

Hindi na ako nagreply. Gawin niya ang gusto niyang gawin. It's his business.

Napagpasyahan kong maligo muna ulit. That market trip made me feel all sticky. Nagpaalam na rin muna ako kay Lola na may pupuntahan mamaya at kung ano ang gagawin ko ro'n. She's okay with it as usual as long as hindi ako magpapagabi.

"Mabuti 'yan at nang matuto ka namang magluto."

Napanguso ako sa komento ni Lola. Kahit siya ang tingin sa luto ko ay hindi masarap. Nakakasakit na ng damdamin ito.

After freshening up, I found myself reaching for my yellow flannel. Napansin ko na lang 'yon pagkaharap ko sa salamin at naalala ko nanaman ang sinabi ni Sev noong isang beses na nagsuot ako ng dilaw kaya dali-dali ko 'yong hinubad at pinalitan. Not today.

I changed into a dark blue one and layered it over my white shirt. This will do.

Matapos kong gumayak ay napagpasyahan ko nang pumunta sa café. I still have 20 minutes, pero dahil maglalakad ako ay kailangan ko nang umalis.

"Una na ko 'La," giit ko habang binubuksan ang gate para lamang magulat nang maabutan si Sev sa labas.

"Bakit ka nandito?"

"Maglalakad tayo, 'di ba?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Anong tayo? Sinabi ko ba 'yon?"

"Nope. But since you'll walk, I'll walk too."

Inirapan ko siya. Napakahilig magdesisyon mag-isa, pero ano pa bang magagawa ko kung nandito na siya. Nauna na lang ako maglakad para hindi halatang magkasabay kami, ngunit kahit anong bilis ko ay nahahabol niya pa rin 'yon. I guess that's the perks of being tall and having long legs.

"Slow down, Leisl. Walang humahabol sa'yo," aniya at hinawakan ang magkabilang balikat ko para magpalit kami ng pwesto sa sidewalk. He's now on the outer side.

And here it is again. That weird unexplainable feeling. Napatahimik tuloy ako bigla.

"So, ano'ng ituturo mo sa'kin ngayon?" He asked excitedly, cutting the silence off.

Tangled StringsWhere stories live. Discover now