14

12 3 0
                                    

TANGLED STRINGS CHAPTER 14
༶•┈┈┈┈┈┈୨♡୧┈┈┈┈┈•༶

"Happy birthday!"

Ito agad ang bungad sa akin ng mga kaibigan ko pagkagising ko dahilan para mawala lahat ng natitira pang antok sa aking katawan.

"Ay gago," nasabi ko sa gulat dahil sa party popper na pinasabog ni Kio malapit sa mukha ko.

"Sinurprise na nga na-gago pa." Napakamot siya sa ulo.

I sneered at him. "Ikaw magwawalis niyan," tukoy ko sa kalat na ginawa niya.

"Happy birthday to lovely bff, ang wish ko for you ay bawasan na ang pagsusungit at sana this year, may jowa ka nang mabingwit!" Pumapalak na yumakap si Sera sa akin.

Hindi ako sanay sa mga pa-sweet sweet niyang atake kaya mabilis kong tinapos ang yakap niya.

"Kailan kaya madadagdag sa vocabulary mo ang pagiging sweet?" Ngumuso siya.

"Umasa ka pa," umiiling kong sagot.

Gano'n siguro talaga kapag hindi ka pinanganak sa isang affectionate na pamilya. I can't even stand getting sweet words and actions from others, paano pa yung sa akin mismo manggagaling? Mas posible pa ata ang zombie apocalypse.

Agad nila akong kinaladkad sa kusina. Gusto pa nila akong lagyan ng blindfold pero ano pa'ng silbi no'n gayong alam ko na nga na may inihanda sila?

"Surprise!" Sera exclaimed as she picks up the cake from the table for me to blow it.

Matapos no'n ay sabay-sabay na kaming naupo sa hapag kasama si Lola para kumain. Marami silang naihandang pagkain kaya napatingin ako sa oras. Anong oras sila nagpunta rito para mailuto ang lahat ng 'to?

"Huwag mo na pansinin yung mga nasunog na shanghai, tatanga-tanga kasi magluto si Kio, inuuna pa lumandi," giit ni Sera.

"At least may nalalandi." Kio stuck his tongue out like a kid.

"Hay naku, mga bata kayo, masamang nag-aaway sa hapag," bawal ni Lola sa kanila.

"Ay hindi po kami nag-aaway! Ganito lang po kami maglambing sa isa't-isa, 'di ba?" Nagbigay ng mapagbantang tingin si Sera kaya napatango na lang ang namumungalan na si Kio.

"Opo! The more you hate, the more you love!" Pekeng ngumiti pabalik si Kio.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Wala talaga silang pinipiling lugar at panahon.

Nang matapos kaming kumain ay si Lola na ang nagprisintang maghugas ng mga pinggan, hindi ko na rin siya nagawang pigilan pa dahil hindi naman ako mananalo sa kaniya kaya kami na lang ang nagbukas at nagbantay muna sa bookshop.

"Ano'ng marerecommend mong libro, Maggs? Mahilig kasi magbasa yung girlfriend ko," ani Kio, halatang nang-iinggit lang ang isang 'to.

"Malay ko. Hindi naman ako nagbabasa," pabalang kong sagot.

"Corny talaga ng galawan mo, Akio. Kung ako siguro girlfriend mo naumay na ko sa'yo."

"Tsk, inggit ka lang."

Nilayuan ko na lang silang dalawa at sinimulang ayusin ang mga gamit sa counter.

Naagaw ng mga borrower's card ang atensyon ko. Unconsciously, I started skimming through it and stopped after seeing Sev's card.

Tangled StringsWhere stories live. Discover now