13

7 3 1
                                    

TANGLED STRINGS CHAPTER 13
༶•┈┈┈┈┈┈୨♡୧┈┈┈┈┈•༶

11 years ago...

"Hoy! Ano'ng ginagawa niyo? Tigilan niyo 'yan!"

Sa malakas kong sigaw ay nagsikaripas sa pagtakbo ang mga bata at tumambad sa akin ang isang batang lalaking nakaupo sa lupa habang namamaluktot at nakadukdok sa kaniyang tuhod.

Alam kong umiiyak siya dahil sa walang tigil na paggalaw ng kaniyang likod at ang mahihina niyang hikbi.

Maingat ko siyang nilapitan sabay napatakip ng ilong nang mapagtanto kong ang ibinabato pala sa kaniya ng mga bata kanina ay mga pabulok at nahulog na bunga ng bayabas. Dahil malapit na itong mabulok ay hindi na maganda ang amoy no'n, nakadagdag pa ang mga mantsang iniwan no'n sa damit ng batang lalaki kaya ngayon ay hindi na rin maganda ang amoy niya.

Tiningnan niya ako habang nagpupunas ng luha. Napangiwi naman ako nang makita ang namamaga at namumula niyang mata, tanda na kanina pa siya umiiyak.

Nakatitig lang siya sa akin habang sumisinghot kaya tinitigan ko lang din siya. Doon ko napansin na mukhang mamahalin ang suot niya at hindi siya taga-rito. Sino ba ang magsusuot ng polo, pantalon, at sapatos habang nakikipaglaro?

Nang bahagya siyang tumahan ay lumapit ako at iniabot ang kamay ko sa kaniya. Saglit niya pa 'yong tiningnan, tila nag-aalinlangan, pero bago ko pa 'yon bawiin ay nakahawak na siya kaya hinila ko na lang din siya patayo.

"Ka-lalaki mong tao nagpapa-bully ka lang sa mga 'yun," giit ko habang nagpapagpag siya ng damit.

Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. "Hindi ka na dapat lumabas sa inyo kung magpapa-api ka lang. Sayang 'yang damit mo, puro dumi na."

"I have lots of these at home," biglang sagot niya kaya napakurap-kurap ako.

Napatikhim ako. English speaking? Mayaman nga.

"Huwag mo nga akong ini-english," masungit na ani ko. Duduguin pala ang ilong ko rito.

"Hindi ka siguro taga rito, 'noh?" Pag-iiba ko sa usapan. "Ngayon lang kita nakita. Siguro napagalitan ka ng Mama mo kaya ka nakarating dito?" Biro ko at tumawa.

Pero agad ding naputol ang tawa ko nang magsimula na naman siyang umiyak. Sa gulat ay napatingin ako sa paligid sabay takip sa maingay niyang bibig.

"Shh! Baka akala nila ako ang nagpaiyak sa'yo!" Pagpapatahimik ko sa kaniya.

Ano ba'ng problema nito? Nagjojoke na nga hindi na lang tumawa, iiyak pa.

Tangled StringsWhere stories live. Discover now