20

14 3 0
                                    

TANGLED STRINGS CHAPTER 20
༶•┈┈┈┈┈┈୨♡୧┈┈┈┈┈•༶

"Kanina mo pa ako tinitingnan ng ganiyan. I'm starting to get scared, Maggs..." Sev trailed of while eating the simple chicken soup that I cooked for him. His voice still sounds a little achy but fortunately, his fever already went down a lot.

"Ha? What do you mean?" Tanong ko habang patuloy pa ring nakatingin sa kaniya. After reading that notebook, I realized a lot of things about him. I saw him in a different light. Nakita ko kung gaano siya ka-sentimental na tao. It suddenly seems like he's too kind and soft for this world.

"'Yan. Your looking at me like I did something bad. May nasabi ba ako habang natutulog ako kanina? Did I dream about something and talked nonsense?" May halong kaba ang boses niya.

Umiling naman ako. "Wala naman. Ang himbing nga ng tulog mo. You looked so soft, peaceful, and cuddly while sleeping," sagot ko sa may panggigigil na tono.

A sly smile appeared on his lips upon hearing my answer. "If that's the case, then you should've cuddled me. Ade sana todo galing na ako ngayon. Sayang." Ibinulong pa niya ang huling salita pero narinig ko pa rin naman 'yon.

Mahina akong natawa. "Tsaka na ang cuddle 'pag naubos mo na 'yang pagkain mo," I joked.

"Really?" His eyes immediately lit up and was ready to devour that soup after what I said

Umiling ako at tumawa. "Syempre... Hindi."

Bumagsak ang balikat niya at nakangusong tumingin sa akin ng masama. "Stop joking like that. Masakit." Maarte siyang humawak sa dibdib niya.

He finished eating the chicken soup while still asking me about what's behind the look that I'm giving him. Hindi ko naman masabi ang dahilan sapagkat nahihiya rin ako.

"Ako na ang maghuhugas," ani ko at nagsimulang ligpitin ang mga pinggan sa mesa.

"Let me do it. Ikaw na ang nagluto, ako naman dapat ang maghugas." Pigil niya sa akin.

"Nope. May sakit ka. Baka mabintay ka at bumalik pa ang lagnat mo."

"Come on, let me help you para mapadali. This will at least help me ease my guilt for our cancelled date." Umiral na naman ang pagiging makulit niya.

Sa huli ay pumayag na rin ako na ako ang magsasabon at siya naman ang maghuhugas. Habang wala pa siyang hinuhugasan ay panay lang ang titig niya sa akin. I tried to avoid it and act cool pero talagang nagwawala na ang buong sistema ko sa ginagawa niya.

Sa halip na mas mapabilis kami sa ginagawa dahil sa pagtulong niya ay mas nagtagal lang yata kami. Inuna pa niya kasi ang paglalaro at pag-ihip sa bula papunta sa akin. At syempre, dahil lintik lang ang walang ganti ay hinipan ko rin ang mga bula pabalik sa kaniya.

"Kung hinayaan mo lang sana na ako na lang ang maghugas ng pinggan, hindi na sana tayo inabot ng halos isang oras dito," giit ko habang pinupunasan ang basang kamay.

"At least we enjoyed, right?" Nginitian niya ako.

Napailing na lang ako. Parehas tuloy nabasa ang mga damit namin dahil sa pakana niya.

"Anyway, hindi ka ba hinahanap ng Lola mo? Kanina ka pa wala sa inyo, baka nag-aalala na 'yon," aniya.

Umiling naman ako. "Nag-text na ako kay Lola kanina. Ang sabi ko may makulit lang akong babantayan." Binigyan ko siya ng isang nang-aasar na tingin.

Tangled StringsWhere stories live. Discover now