7

7 3 0
                                    

SANTA FLORENZE CHAPTER 7
༶•┈┈┈┈┈┈୨♡୧┈┈┈┈┈•༶

"Oh my God, Maggs! Kanina ka pa namin hinahanap!" Sera rushed to me looking all worried, pero agad ding lumipat ang atensyon niya sa kasunod ko na patuloy na naglalakad habang umiika.

"Hala, what happened!? Ano'ng ginawa mo, Maggs?" Ako kaagad ang pinagdiskitahan niya.

"Bakit ako? Katangahan niya kaya 'yan." Ipinagtanggol ko ang sarili.

Dahil pagod na ako sa haba ng naging paglalakad namin ay pinabayaan ko nang sila naman ang tumulong kay Sev papasok. Nagkasundo naman kami kanina na kapag malapit na kami makabalik ay hindi ko na siya tutulungan dahil baka kung ano pa ang isipin ng makakakita sa amin, lalo na si Sera.

Pagod kong ininat ang katawan at napaupo na lang habang abala sila sa paggamot sa sugat ni Sev. Napatigil din tuloy si North sa pag-iihaw para makichismis sa nangyari.

"What happened?"

"Ginamit yung lumang duyan, akala yata bata pa siya, ayun naputulan tuloy siya ng lubid." Napailing ako.

North laughed at my response. "You're answering my question as if you're his girlfriend," aniya.

Kumunot ang noo ko. Sinasabi ng isang 'to? Girlfriend? Kilabutan naman siya.

"Inilalabas mo 'yang pag-aalala mo through scolding him. I saw you two earlier, tinulunggan mo siya hanggang sa makarating kayo rito. Is that how enemies act? Or maybe you're just using the word 'enemy' as an excuse?"

Napakurap-kurap ako sa mga sinabi niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw kong may makakita sa amin kanina. Pero base rin sa mga sinabi niya, bakit parang may iba pa siyang alam? How did he know about us being mortal enemies?

"Kinwento ba sa'yo ni Sera 'yan?" Kinakabahan kong tanong at paulit-ulit na hiniling na sana ay 'hindi' ang i-sagot niya dahil talagang makukurot ko si Sera 'pag nagkataon.

He looked at me with playful eyes. "Oh no, did I just caught you off guard?"

Hindi ako sumagot. Patuloy na naguguluhan. Did Sera really told him that? How could she!?

"Okay, okay. Stop torturing your friend with that look. Hindi siya ang nagsabi sa akin. You know that I know Sev too, right?" May pagdidiing giit niya.

"Magkaibigan kayo?" Kuryosong tanong ko.

Tumango siya. "Kind of. Let's just say that we're close enough for him to tell me that he finds you interesting." Sinilip niya si Sev na ngayon ay panay ang reklamo na mahapdi ang sugat niya.

"Kasalanan 'to ni Leisl! Madumi yata yung pinahid niyang panyo sa sugat ko kaya masakit!" Rinig kong reklamo niya kaya mabilis ko siyang nilingon para samaan ng tingin.

Napakalakas ng loob magreklamo, mabuti nga at tinulungan ko siya!

North patted my shoulder. "Just a tip, Maggs. Once that guy finds something interesting, he will never stop. In short, prepare yourself for the worst."

Bumagsak na lang ang balikat ko sa narinig. Hindi pa ba ito ang worst? May mas ilalala pa ba talaga?

___

Tangled StringsWhere stories live. Discover now