4

16 4 0
                                    

TANGLED STRINGS CHAPTER 4
༶•┈┈┈┈┈┈୨♡୧┈┈┈┈┈•༶

Loud knocks woke me up the next morning. Ang aga-aga pa ay may nambubulabog na agad kaya wala akong nagawa kung hindi ang bumangon at pagbuksan 'yon.

"Ano?" Iritable kong tanong nang makita si Sera at Kio sa labas lang ng kwarto ko.

"Anong 'ano'? Day off mo ngayon 'di ba? Gagala tayo 'di ba?" Sera snapped her fingers.

Napakamot ako sa ulo. Nakalimutan ko na may usapan nga pala kami na magliliwaliw kapag day off ko. Ganoon sila ka-clingy pagdating sa akin. Para bang maghihingalo silang dalawa kapag hindi ako nakikita. Kulang na lang ay ibuhol ko ang sarili sa kanila.

"Magbibihis lang ako," giit ko at pinagsaraduhan sila ng pinto.

Tinatamad man ako at ramdam pa rin ang pagod dahil sa mga pangyayari kagabi ay hindi ko naman sila pwedeng tanggihan. We made plans and I promised them that we'll go out today. Siguradong hindi nila ako tatantanan kapag nagback-out ako sa plano namin ngayong araw.

Naghilamos lang ako bago magbihis. A simple white shirt, a green checkered flannel that's folded up to my elbows, and some brown pants will do. I want to be as comfortable as possible. I also did a half ponytail, 'yon lang kasi ang makakaya ng buhok ko dahil sa ikli nito.

"Mukha kang puno," puna kaagad ni Kio paglabas ko.

Hindi ko siya pinansin. Typical Kio. 'Pag naman binanggit ko ang pangalan ng ex nito, iyak 'to.

"Tara na. Saan ba tayo?" Tanong ko.

Agad akong inakbayan ni Sera at hinila palabas. Si Kio naman ay sumusunod lang sa amin na parang buntot.

"Syempre magkakape muna tayo. Pampagising ganon, pampalakas ng katawan, at pampaganda ng araw." Sera giggled.

"Anong pampalakas ng katawan? E nakaka-palpitate nga ang kape. Ang sabihin mo gusto mo lang magpapansin sa crush mo na obvious naman na walang pakielam sa'yo." Kio started to state facts.

"Alam mo, dapat talaga sa'yo pinapatahimik na." Sinipa siya ni Sera sa binti na agad naman niyang naiwasan.

"Maggs oh, namimisikal!"

Masyado akong pagod para awatin sila. Magsuntukan na lang sila para tapos na ang lahat. Ako ang audience.

Syempre, tama nga si Kio dahil sa Brew Avenue ang deretso namin. Parang hindi ko rin day off, pero ano bang magagawa ko kung hindi ang suportahan ang ikasasaya ng babae na 'to.

"I'll order for you guys. Ano'ng gusto n'yo?"

Nagningning ang mga mata ni Sera nang makitang nandoon si North at nagtitimpla ng kape nito sa counter. I guess it's her lucky day today.

"Wow. Sa'kin yung pinakamahal na available sa menu kasi libre mo." Masayang umupo si Kio dahil nakalibre na naman siya.

"Americano na lang," sagot ko naman. I need something to fully wake me up. Sapat na siguro ang tapang no'n para maalog pati ang kaluluwa ko.

Pinanood namin na umorder si Sera. She's really trying hard to shoot her shot. But despite her obvious actions towards him, North doesn't seem to notice her. I totally understand that he can't force that, but still, there's something deep inside me that is so annoyed by that fact.

Tangled StringsWhere stories live. Discover now