17

7 3 0
                                    

TANGLED STRINGS CHAPTER 17
༶•┈┈┈┈┈┈୨♡୧┈┈┈┈┈•༶

"Come on, Maggs. Just tell me, ano'ng ibigsabihin nang sinabi mo kanina?"

Naglalakad na ako ngayon pauwi at nakabuntot pa rin sa akin si Sev. Hindi yata matatahimik ang buong pagkatao niya kapag hindi ko inulit at ipinaliwanag ang sinabi ko kanina sa kaniya sa café.

And as much as I want to briefly explain it to him, I don't have the guts. Ewan ko ba kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko kanina para sabihin 'yon. Malamang ay nadala ako sa reaksyong nasa mukha niya.

"Ayoko na ulitin." Pagmamatigas ko.

Hindi na yata siya nakatiis, hinagip niya ang kamay ko para patigilin ako sa mabilis kong paglalakad. "Please? I want to hear it more clearly. Baka pinaglalaruan lang ako ng tainga ko," pagmamakaawa niya.

He's doing it again. He's using his pouty face and puppy eyes against me again. It's a little hypnotizing, honestly. Mukha kasi siyang bata. Minsan nga matanong ang skincare niya kung paano niya napapanatili ang pagiging baby face.

"Please.."

Ngumiwi ako at tinulak palayo ang malapit niyang mukha. I can't let him know and see my reaction whenever he pulls this face at me at baka ulit-ulitin niya na.

"You should've paid more attention. Once is enough," seryosong giit ko.

"Kung ayaw mo nang ulitin, then I'll just take my own interpretation," mapanlaban niyang giit.

Nagtaas ako ng kilay sa kaniya at saglit na tumigil sa paglalakad. "Bakit, ano ba'ng interpretasyon mo sa sinabi ko?"

"That you like me too."

"Hindi ko sinabi 'yon!" Agad kong giit. I never said that!

"Well, that's my interpretation of it. Kung ayaw mong 'yon ang isipin ko, ulitin mo na lang ang sinabi mo." A smirk appear on his lips. Ang bagsak niyang balikat kanina ay deretso na ngayon.

"Fine. Bahala ka," I said flatly.

Akala ko ay magmamaktol at magrereklamo siya ulit pero hindi, sa halip ay malapad pa siyang ngumiti sa akin na tila tuwang-tuwa.

Tinapos ko na ang usapan namin tungkol do'n dahil nasa tapat na rin ako ng bahay.

"Mag-tricycle ka na lang. Mukhang uulan," ani ko bago buksan ang gate.

"Hindi 'yan." He shrugged.

Sesermonan ko pa sana siya nang may biglaang tumikhim sa tabi namin. Parehas kaming nagulat nang makita si Lola na nakatayo sa tabi ng gate at nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. But her long serious stare quickly turned to Sev.

"Hello po," Sev greeted in his usual jolly yet respectful tone.

Hindi sumagot si Lola. Sa halip ay sinenyasan niya kaming dalawa na pumasok sa loob.

"Uuwi na po siya, 'La," giit ko naman.

"Pumasok ka muna. Dito ka na maghapunan."

Nagulat ako sa anyaya na 'yon ni Lola. Pinanlakihan ko ng mata si Sev, hudyat na huwag na siyang pumayag at magpaalam na, but he ignored it.

"Sige po," tila masaya niya pang sagot.

Nauna nang pumasok si Lola kaya nang hindi na siya nakatingin ay kinurot ko ang tagiliran ni Sev. "Dapat umuwi ka na," pagalit kong bulong.

Tangled StringsWhere stories live. Discover now