5

10 3 0
                                    

TANGLED STRINGS CHAPTER 5
༶•┈┈┈┈┈┈୨♡୧┈┈┈┈┈•༶

"Bakit may truck sa labas, 'La?" Kuryoso kong tanong pagkapasok sa book shop. Napalinga-linga rin ako at napansin ang tatlong lalaking nagbubuhat ng mga kahon mula sa loob at isinasakay iyon lahat sa truck na nasa labas.

"Pinapalayas na ba tayo?" Kinakabahan kong tanong. They're taking away a lot of books!

Tinampal ni lola ang braso ko. "Hindi, ano ka ba! May bumili na kasi sa lahat ng mga librong kinukuha nila. Dapat nga ay matuwa ka," aniya.

Nagulat naman ako. Ngayon lang may bumili sa amin ng ganyan kadaming libro kaya di ko maiwasan ang maki-usyoso at silipin ang laman ng mga kahong hindi pa nahahakot.

They are all children's books from 3-12 years old. Halos walang natira sa shelf ng mga pambatang libro bukod sa mga sapot at alikabok. Saan naman kaya nila dadalhin ang mga libro na 'yan.

"Para saan kaya 'yan, 'La? Bakit ang dami?" Tanong ko muli dahil talagang hindi ako makapaniwala.

"I-dodonate raw lahat ng 'yan. Natatandaan mo yung mayamang matanda na nagpunta rito noon? Siya ang bumili sa lahat ng 'yan."

Matanda? Hinalungkat ko pa sa utak ko kung sino ang tinutukoy niya. Ang alam ko lang namang mayamang matanda rito ay iyong nakatira malapit sa bayan. Siya lahat ang bumili ng mga ito?

Gustuhin ko mang maki-usyoso pa ay kailangan ko ng maghanda. Today's a special day for our café. North decided to sponsor Kid's Town Orphan Home—a local orphanage here at Santa Florenze— since they're celebrating their 10th year anniversary. I didn't know North has that side on him. Nagulat din kaming lahat dahil sa biglaang meeting noong nakaraang araw tungkol sa pangyayaring ito. Even his mom which is our boss was shocked by his idea. But since it's such a wholesome plan, everyone was quick to agree and participate.

At bilang butihing kaibigan ay sinabi ko agad ang planong 'yon kay Sera. She was so touched na para bang siya ang batang bibisitahin at pasasayahin. Syempre, hindi pwedeng hindi siya kasama kaya agad siyang gumawa ng paraan. Our café only have 3 employees. Ako, si Reagan, at Janine. Bale 4 lang kaming volunteers kasama si North, kaya 'yon ang ginamit na dahilan ni Sera para makasama. She volunteered to help us by saying that she wants to help me when in reality, she just really want to see North.

First time ko rin makakapunta sa isang orphan home at makakaranas nito. I'm not so fond of kids but I still think that they all add a special touch to this world. Nakakalungkot lang isipin na may mga batang tulad nila na inaabandona. I can't say that I experienced their exact situation right now, pero muntik na. Thinking of them makes me ask myself 'paano na lang kung wala si Lola?'. Naka-survive kaya ako at nakarating kung nasaan man ako ngayon? I was almost abandoned. That's the reason why I'm so thankful to Lola. Gagawin ko talaga ang lahat para makabawi sa lahat ng paghihirap niya para sa akin.

Since the orphanage is almost an hour away from where we are right now, I made sure to dress comfortably and bring extra clothes just incase.

Habang nagbibihis ay iniisip ko na ang mga bata. Let's not dress gloomy today. Kailangan ko magsuot ng may kulay kahit papaano at ang tanging nakikita ko lang na may kulay sa cabinet ko ay ang kulay dilaw kong overalls na may naka-drawing na strawberry sa harap. Birthday gift pa 'yon ni Sera sa akin last year at hindi pa nagagalaw. I guess I'll wear it for today.

Tangled StringsWhere stories live. Discover now