12

7 3 0
                                    

TANGLED STRINGS CHAPTER 12
༶•┈┈┈┈┈┈୨♡୧┈┈┈┈┈•༶

"'Di ba, Maggs?"

"Ha?"

Bumalik ako sa kasalukuyan nang sambitin ni Sera ang pangalan ko. Nasa night market kami ngayong tatlo nila Kio dahil nag-aya si Sera na gusto niyang panoorin ang fireworks display na magaganap mamaya para pa rin sa fiesta.

"Ha?" She mocked me. "Alam mo, nandito ka nga at kasama namin pero 'yang utak mo kanina pa lipad nang lipad. Ano ba kasi 'yang iniisip mo? Or should I say sino ang iniisip mo?" Usisa niya sabay taas ng kilay kaya napatingin din sa akin si Kio.

"W-Wala. Sino namang iisipin-"

"Sev!"

Natigilan ako sa biglaang pagtawag ni Sera na iyon kaya napalingon rin ako kung nasaan ang kinakawayan niya.

I felt a lump on my throat when our eyes met. Napaiwas agad ako ng tingin at napahawak sa mga kamay kong tila nagpapawis. Why am I so nervous? Get a grip, Maggs.

"Sorry, I'm late. Dinaanan ko pa kasi 'to," he apologized and showed us a plastic bag with tubs of ice cream inside.

Agad na nagningning ang mata ng dalawa. "Hindi ka na sana nag-abala p're, pero salamat. Iba ka talaga, kaya sa'yo 'ko e." Malapad ang ngiti ni Kio.

Hinayaan ko lang ang dalawang magkagulo sa dalang ice cream ni Sev. Sera took the strawberry flavored one and the rocky road one is already in Kio's hand.

Lumipat ang tingin ko sa plastic bag. There are only 2 tubs left, at parehas na matcha flavor ang mga 'yon.

"Ice cream?" Sev gave it to me himself.

Kinuha ko lang 'yon sa kaniya nang hindi siya tinitingnan. Parang naninikip at dinadaga ang dibdib ko sa set-up namin ngayon. Bakit kasi kailangan pa nilang imbitahan si Sev?

"Huy, Maggs! Be humble and grateful naman. Nilibre ka na nga ng ice cream e," giit ni Sera nang makita ang reaksyon sa mukha ko.

Inirapan ko lang siya. Hindi ko naman sinabing bilhan niya rin ako ng ice cream.

"Uy, mahilig ka rin sa matcha?" Usyoso ni Kio nang makitang matcha rin ang hawak na ice cream flavor ni Sev.

"Ayan pala, Maggs. May ka-duo ka na sa pagkain ng damo," dagdag niya sabay tawa kaya inirapan ko siya. Kung alam niya lang na damo rin ang tingin ng lalaking ito sa matcha at puro pakitang tao lang ang ginagawa nito ngayon.

Nang maubos namin ang ice cream ay agad na nag-aya si Sera na sumakay sa mga rides dahil katabi lang ng night market ang perya at isa rin naman talaga ito sa ipinunta namin dito.

Dahil fiesta, hindi na kami nagtaka kung bakit dagsa ang mga tao. Hindi ko nga namalayan na napahawak na pala ako sa laylayan ng damit ni Sev dahil nahuhuli na ako at para hindi rin mawala. Akala ko kasi ay si Kio pa rin ang nasa unahan kong naglalakad.

"Ayoko lang mawala," pagdadahilan ko nang lumingon at bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa t-shirt niya na parang bata.

"Dito ang hawak kung ayaw mong mawala." He grabbed my wrist gently and pulled me closer by his side. Because of his sudden moves, the electric bolts that are travelling all over my body came back.

"Tara, sakay tayo sa vikings!" Aya ni Sera sabay lingon sa amin kaya mabilis kong binawi ang kamay ko sa kaniya.

Kahit wala akong hilig sa mga rides ay nauna na akong magprisintang sumakay para lang makatakas sa sitwasyon namin ni Sev ngayon.

Tangled StringsWhere stories live. Discover now