15

11 3 0
                                    

TANGLED STRINGS CHAPTER 15
༶•┈┈┈┈┈┈୨♡୧┈┈┈┈┈•༶

For the first time in 19 years, I felt safe and at ease to give in. I felt the urge to show my weakness and let go of what's been weighing me down for so long, knowing that he's here not to show pity but to give comfort. He's here not to listen but to understand.

Inilabas ko lahat ng sakit at emosyong pilit ko lamang ibinabaon sa limot. His words made me feel so vulnerable. His warmth chased away the fear inside me and replaced it with an assuring feeling.

He squeezed my hand as I calm myself down. The lights are now back, and for some reason, it felt like a sign to me. A sign that maybe Sev will be the one to bring me light and hope. Maybe he's the match that will not only light up my candle but will also make sure that no wind will make my candlelight waver.

"Okay ka na? Kaya mo bang maglakad?" He asked in a worried tone. Nakahanda lang ang kamay niyang umalalay sa akin na para bang ano mang oras ay matutumba ako.

Suminghot ako at nilingon siya. "Hindi naman ako nabalian para hindi makalakad," giit ko sa halatang kaiiyak na boses.

"When I tell you how much you're shaking earlier. Muntik na kitang buhatin 'wag ka lang matumba." He locked our arms together.

I rolled my eyes. "Bakit hindi mo ginawa?" Hamon ko. I don't even know kung saan 'yon nanggaling at kung ako ba talaga ang nagsabi no'n.

"Okay," walang angal niyang sagot at akmang bubuhatin ako kung hindi ko lang pinalo ang braso niya.

"See? Kaya ko naman, ayaw mo lang." He pouted.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang lumakad kasabay siya. Ngayon, habang inaalala ko ang nangyari kanina ay nakakaramdam na ako ng hiya. He's probably startled and all, pero bakit hindi niya ako tinatanong tungkol do'n?

Isa pa, sigurado akong mukha na akong ewan ngayon dahil sa halos bente minutos din akong umiiyak sa kaniya, pero bakit wala siyang sinasabi? He should be trying his best to ask me right now kung may nangyari ba o ano. But he doesn't look like he cares about what happened at all. Nakaramdam tuloy ako ng bahagyang tampo na siyang agad ko ring pinalis dahil hindi ko naman 'yon dapat maramdaman.

Hindi ikaw 'yan Maggs, hindi ka dapat magtampo sa bagay na 'yun!

"Why so quiet, hmm? Ano'ng iniisip mo?"

Tumikhim ako at nagbaba ng tingin. "Wala. Ang bilis mo lang maglakad. Ganyan ba talaga kapag mahaba ang binti," pag-iiba ko sa usapan.

Tumingin siya sa mga paa namin at binagalan ang lakad. He watched my feet and followed my pace para maging magkasabay ang bawat hakbang namin. My heart fluttered, kaya tumikhim ulit ako.

"Tsk, sabi ko bagalan mo lang, hindi ko naman sinabing sabayan mo ang lakad ko..." I trailed off.

"But you always do this back then, don't you remember?" Hinagilap niya ang mga mata ko.

I blinked. He's right. I used to do this to him when we were kids. Mas maliit pa siya no'n sa akin kaya palagi siyang naiiwan sa paglalakad, so I will always adjust and follow his pace.

Umiwas ako nang tingin sa kaniya. "Naka Memo Plus Gold ka ba at naalala mo pa 'yun?"

Sa halip na sagutin ako ay tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin kaya napatigil din ako.

Tangled StringsWhere stories live. Discover now