11

15 3 0
                                    

TANGLED STRINGS CHAPTER 11
༶•┈┈┈┈┈┈୨♡୧┈┈┈┈┈•༶

Paglabas ko ng bahay ay bumungad kaagad sa akin ang mga taong abalang nagkakabit ng mga lastay at bandera sa kani-kanilang mga bakuran. Iba-iba ang mga pakana ng bawat isa, mayroong mga pa-taurpalin, bilao, at may mga pa-lobo pa. Ganoon ka-big deal ang pagdiriwang ng fiesta sa lugar namin.

Bisperas pa lang ng fiesta ngayon pero napakadami nang naghahanda. Everyone in the neighborhood is celebrating it in different ways. Some even decided to organize fun games with prizes for kids.

"'La, ako na po riyan."

Kinuha ko ang mga lastay na hawak ni Lola at ako na ang nagkabit no'n sa labas ng bahay namin at pati na rin sa labas ng bookshop.

The coffee shop is closed today kaya wala akong pasok, at syempre sasamantalahin ni Sera 'yon para mambulabog at mag-aya ng gala. She's been bugging since last night to go to the funfair.

"Maggs, alam ko namang maganda ang apo ko, masipag, at nag-aaral ng mabuti."

Napalingon ako nang biglang magsalita si Lola. Bumaba ako sa upuang tinutungtungan ko at nilapitan siya nang nakakunot ang noo.

"Syempre Lola, ako pa," pabirong giit ko at naupo sa tabi niya. Madalang lang magsabi ng mga ganitong bagay si Lola sa akin kaya nagulat at kinakabahan ako. She's not the type to meddle too much about my life dahil may tiwala siya sa akin at alam niyang pinalaki niya ako ng maayos, but she still gives me the best life lessons and learnings as much as she can.

Right now, looking at her, it seems to be a bit serious topic. Napaisip tuloy ako bigla sa mga desisyon ko sa buhay. As far as I know, wala naman pa naman akong katangahang nagagawa sa mga nagdaang araw at linggo.

"Kung gusto mong mag-boyfriend ay ayos lang naman sa akin. Basta't sabihin at ipakilala mo lang agad. Ay naku, hindi pwedeng kung sino-sino lang ang lumalandi sa nag-iisa kong apo."

Natigilan ako sa sinabi niya at napakurap-kurap. Ako? Mag-boboyfriend?

Malakas akong natawa at napahampas sa hangin. "Lola, saan mo naman ba nabalitaan 'yan? Napakalayo po sa katotohanan," giit ko.

Matagal niya akong tiningnan, tila ba inaalam kung nagsasabi ako ng totoo o may pinagtatakpan.

I sighed and moved closer to her. "'La, kung magkakaboyfriend man ako, syempre sasabihin ko agad 'yon sa inyo. Tsaka wala sa bokabularyo kong mag-boyfriend ngayon. Hindi ba ang sabi ko sa inyo, ga-graduate ako, maghahanap ng magandang trabaho, mag-iipon at tsaka natin ipapagawa yung bahay at itong bookshop niyo," I assured her.

She went silent for a minute before nodding and patting my back. "Sige, apo, naniniwala naman ako sa'yo. Pero oras na malaman kong may nobyo ka, ay talagang hahagarin ko kung sino man 'yan at pagbibiyakin ko ng maraming pang-gatong," matigas niyang giit na ikinatawa ko naman.

I wonder who told her this horrendous information. Si Sera ba?

To: Seraulo

Ano nanamang fake news ang sinabi mo kay Lola?

From: Seraulo

Huh? Anong fake news? As far as I know, masyadong maganda ang mga labi ko para maglabas ng ano mang kasinungalingan. 💋

I rolled my eyes upon seeing her reply. Of course she'll never admit it. Pinili ko na lang na hindi na pahabain pa ang usapan, ang mahalaga ay alam ko sa sarili kong walang katotohanan ang bagay na 'yon.

At dahil nga fiesta, syempre hindi kami magpapahuli ni Lola sa handa kahit medyo nagtitipid kami. Kagabi pa lang ay gumawa na ako ng leche flan at si Lola naman ay nagluluto na ngayon ng pancit palabok.

Tangled StringsWhere stories live. Discover now