8

15 3 2
                                    

TANGLED STRINGS CHAPTER 8
༶•┈┈┈┈┈┈୨♡୧┈┈┈┈┈•༶

MESSAGES

From: Unknown Number

Hey, I already made a grocery list for everything we'll need. Anong oras ka pwede?

This is Sev, by the way. I got your number from Sera. ^_^

I woke up to these messages this morning. I didn't thought about this grocery shopping thing before I agreed. Nadagdagan na naman tuloy ang cons ng kasunduang ito. Grocery shopping with Sev? I don't want it.

To: Unknown Number

After lunch.

From: Unknown Number

Sungit. May period (˘・_・˘)

Copy!

Napairap ako sa hangin. Ang baduy ng emojis niya, parang siya.

Dahil hindi ko naman na matatakasan ang sitwasyong 'to ay sinave ko na lang ang number niya. For fun, I also decided to add a contact photo that resembles him in a very accurate way.

MY CONTACTS

Name: sebwisit 👹Phone: 0927*******

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Name: sebwisit 👹
Phone: 0927*******

There you go. That's more like it. Sev na Sev.

Tumulong lang ako kay Lola sa bookshop buong umaga at hindi namalayan ang oras. I was so busy dusting the shelves and rearranging the books. Grabe, kailangan na talaga ng major cleaning at renovation ng bookshop namin. Ang ilan sa mga shelf ay malapit nang bumigay.

"You have cobwebs on your hair."

Nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko. When I turned back, I saw Sev leaning on the shelves, watching what I'm doing.

Umangat ang kamay ko para pagpagin ang buhok. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko at napalingon sa orasan. Doon ko nakita na malapit na pala mag-alas dos ng hapon.

Napaatras ako nang humakbang siya palapit. "You said after lunch, right?" He raised his brows at me and reached for the cobweb above my hair. Hindi ko pala 'yon natanggal.

Para akong halamang makahiya na napayuko sa ginawa niya. Tumikhim ako at pinagpag muli ang buhok sabay ayos do'n pagkalayo niya.

"Hindi ko napansin yung oras. Magbibihis lang ako," ani ko at agad na tinanggal ang pagkailang na naramdaman dahil sa ginawa niya.

"Hindi ba ganyan naman palagi ang suot mo?" Pabiro ngunit namimilosopong komento niya.

Bumaba ang tingin ko sa suot kong sweatpants at t-shirt. "Pake mo?"

Tangled StringsWhere stories live. Discover now