ILYBHE :-) part 20

31 0 0
                                    

Hello guys. Uhm. Lowblood pala ako. Actually again and again. Dahil daw ito sa pagpupuyat. Panu ba yan? Madalas midnight pa naman ako kung mag update. Anyway, magagawan ng paraan yan. Na miss niyo ba agad sina Jan and Cho? Well, as promised. Heto na ulit sila!

Cho's POV

Alas sais y' media na ng gabi nang matapos kaming magluto at kumain ng aming hapunan. Ang hirap talaga magluto sa kalan de uling. Magkatulong kaming nagligpit ng mga kalat, pagkatapos nun tinawag ako ni Jan, nasa labas na pala ng kubo ang mokong at hawak hawak ang isang flashlight dahil madilim dilim na.

"Bhe, pakibukas mo nga yang malaking bag na yan." Tumalima lang ako sa sinabi niya. Nang makita ko ang laman nuon, ah napagtanto ko magtatayo kami ng tent. Teka. Tent? Bakit may tent?

"Mahal ko bakit may dala kang tent? Aanuhin natin yan?" Ngumuso muna siya bago nagsalita.

"Nagiging slow ka na yata bhe? Anyayare ba talaga sa yo? Edi sa tent tayo matutulog!" Oo nga ano. Ay shungaling dingdong talaga ang lola niyo. Anyayare nga naman ba talaga sa akin?

"Ay sorry naman ano. Kaya nga sabi ko i hate surprises kasi nga di ako magaling manghula!!!" Tinawanan lang ni Jan ang sentimyento ko. Kems lang yon. Syempre super excited ako sa mga aksyong magaganap sa loob ng tent. Charla!

Grabe, sumasakit pa ang pang upo ko sa ginawa namin kanina kaya nanahimik muna ako sa isang sulok habang hinihintay ko na matapos ni Jan ang pag aayos sa tent. After non, gumawa kami ng bonfire malapit sa tent, bale nasa likod kami ngayon ng kubo, ang lugar pala na ito ay hulo nila Jan, ang ganda sa likod nito, malawak at maayos ang lugar kumpara sa labas na puro talahib. Ang daming pananim na kung ano anong gulay. Ang sarap sa paningin at pakiramdam, di ko na nga lang sila masyadong makita dahil ngayon ay padilim na.

Ang sarap ng ganitong buhay pala. Nasa isang tahimik na lugar kayo ng mahal mo at lahat ng ginagawa niyo ay unexpected except lang dun sa alam niyo na yun. Ngayon naman ay nag iihaw kami ng barbecue, inilabas din ni Jan ang tig dalawang bote ng beer. Inom daw kami, syempre kahit di ako masyadong umiinom, pinagbigyan ko na din siya. Wala akong sasayanging pagkakataon, kasi hindi natin alam ang mga maaaring mangyari. Sabi nga ng kasabihan, just do your thing and forget the rest. If you dont do it now, you might not have the chance to do it again, so Im taking every single chance sa mga bagay na pwede ko pang magawa kasama ang lalaking gumulo sa utak at buhay ko pero enjoy naman dahil mahal na mahal ko at mahal na mahal din ako.

"Hoooooooyyyy!!!! Nak ng lekat bhe ko!!! Gabi na nag de day dream ka na naman jan. Buhay na buhay ako oh! Heto ako kasama mo! Katabi mo! Di mo na ko kailangan pagpantsyahan. Hahaha!!!" Doon nagbalik sa kasalukuyan ang diwa ko. Di ko na lang xa pinansin at ngumiti na lang ako. Hayyy. Ang saya saya saya saya ko.

Hindi na namin dinagdagan ang ininom namin, pero pakiramdam ko umiikot na ang paligid ko. Mabilis lang talaga kasi ako malasing. Samantalang si Jan ay wala lang. Parang walang nangyari. Nakahiga na kami ngayon sa loob ng tent, medyo naaaninag ko lang ang aming mga katawan gawa ng apoy na nagmumula sa labas ng tent. Nakadantay ang braso ko sa dibdib niya at ang binti ko sa mga hita niya. Naglalambing for short.

"Bakit mo ako minahal bhe?" Napalingon siya sa akin dahil sa di niya inaasahang tanong ko.

"Gaya ng lagi kong sinasabi sa iyo, hindi ko alam, basta masaya ako sa yo. Hindi pa ako nakaramdam ng ganitong kaligayahan at fulfillment maliban sa pag ikaw ang kasama ko bhe, nagdududa ka pa din ba?" Napangiwi ako sa huling sinabi niya.

"Hindi naman mahal. Gustong gusto ko lang nadidinig yung pag sinasabi mo kung paano kita kinukumpleto at napapasaya, minsan lang talaga nagtataka ako kasi wala pang nagmahal sa kin, ikaw pa lang, wala pang gumawa sa kin ng mga bagay na ginawa mo pati mga materyal na bagay na binigay mo, kahit kamag anak o magulang ko, hindi naibigay sa akin ang mga iyon, napakaswerte ko kasi nandiyan ka. Alam mo hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ka Jan Erick Ystilo sa buhay ko. Mahal na mahal kita." Parang medyo natigilam xa sa huli kong sinabi pero agad bumawi at nagsalita kaya hindi ko na lang pinansin iyon.

"Mahal na mahal din kita bhe, maswerte din ako na dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang nagpapasaya at nagpapatawa sa akin. Minsan kahit walang dahilan natatawa ako pag naaalala kita." Sabay halakhak.

"So mukha akong clown ganun?"

"Hindi bhe, Isa lang ibig sabihin nun. Matindi ang kaligayahang dulot mo sa buhay ko kaya ganun!"

"Corny! Hmp! Anyway, Bhe, mula nang maging tayo hindi ko pa maxado nadinig ang istorya ng pamilya mo, mga kaibigan at kamag anak mo, samantalang ako halos wala na akong lihim sa yo." Bigla siyang sumeryoso sa sinabi ko at maya maya ay nagkwento nang pagkahaba haba about his family na pinakinggan ko naman mabute. Napakadami kong natuklasan sa family niya, bukod sa ayaw sa akin ng daddy niya, na obvious bang alam ko naman na. Hindi pa pala alam ng mommy niya na kami na at may jowang bading badaf si Jan. Medyo kinabahan ako dun kaya lang sa bugbog na ginawa sa kin ng daddy niya, may kakatakutan pa ba ako? Chos. Nang matapos ang kwento niya, magkayakap pa din kaming nakahiga sa loob ng tent at walang nagsasalita. Dinarama namin ang sarap ng pakiramdam na kapiling mo ang taong mahal mo. Parehas kaming nakatitig sa buwan at mga bituin mula sa tent na kinarorooonan namin. Lalong humigpit ang yakap namin sa isa't isa. Ang sarap ng ganito. Napakasarap. Walang kasing sarap. Walang kasing saya. Kung totoong may forever man, sana ito na talaga ang forever ko.

"I love you bhe!"

"I love you too mahal ko!!!"

At mapayapang magkayakap kaming nakatulog sa bisig ng isa't isa.

Let me pause for a short break. Charla Mae Dizon. lol. Yan ha. As promised, more frequent na ang updates as compared before. Hope you enjoyed this chappy guys! Lots of love. MDS. Vote. Fan. Comment c",)

I LOVE YOU BHE :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon