Haler. Sa wakas. Gumaling din. Sorry kung ngayon lang nakapag update. Bakit kaya ganun? Sabi nga nila, hindi daw naka design ang buhay ng tao para maging komportable. The world is not a bed of roses. Almost three months na akong walang production tapos nagkasakit pa ako. Hayyy buhay. Bahala na si Batman. Alam ko di niya ako pababayaan.
Cho's POV
Kahit lateness na ako nakatulog, ang aga aga ko pa din nagising. Sabi kasi ni Jan magkikita kami ngayon. Ay oo nga pala, asawa ko na xa. Kasal na kami. Kahit kasal kasalan lang yun may mga witness naman. Basta kinasal kami so asawa ko na xa. Hindi na xa si Jan, siya na si Hubby ko. Hihihi. Sarap sa shukiramdam!!! Ano na naman kayang surprisa niya sa kin later? Alam ko at ramdam na ramdam ko may surpresa siya sa akin mamaya. Hindi naman nawawalan ng panggulat sa kin yang asawa ko. oh my Gosh. So kilig talaga. Asawa!!! Asawa talaga!!! Bwahahahaha!!!!
"Hoy bakla! Anong asawa asawa ka jan? Para kang ke aga agang inaasawa jan ah?! Lika na sumama ka sa min ni Merz Miles, mag jogging tayo!" Oh my God. Iting baklang si Jhay talaga, ganito na lang ba talaga ang papel nito sa buhay ko? Ang sirain ang magandang moments ko mala wechat? Char.
"Bakla bakla, panu ka nga ginawa?" Napataas ang sunog na kilay ni Jhay dahil sa tanong ko.
"Anong kagagahang tanong na naman yan?"
"Leche sumagot ka na lang!!!"
"Natural nag iyu--- ang mga magulang ko tapos nagawa ako. Yun na yun!"
"Tag ida boo!!! Ibabalik kita sa magiwagang kepyas ng nanay mo! Wala ka nang ginawa kundi sirain ang moments ko letsugas kang bakla ka!!!" Mabilis na namang naka rescue si Miles sa aming dalawa ni Jhay nang akmang susugurin ko ang baklang ambisyosa.
"Hay naku kayong dalawa ke aga aga kayo na nga ang nagsabi ke aga aga, tigilan niyo nga yan. Halika na kumain muna tayo, ano bang maaalmusal dito baks?!" Ganyan sila ka at home sa amin at ako ka at home sa kanila, pinagprito ko ng itlog at tuyo ang dalawa, isinangag ko din ang kanin at nag init ako ng tubig para makapag kape kami, madilim pa nang umalis si mama papuntang palengke, ayaw niyang iwan ang pagtitinda, mamamatay daw siya sa inip kung nasa bahay lang siya. Si Diko Ayker naman ay katutulog lang, alam niyo na banda rito banda roon. Dumadating yan pag paalis na si Mama kaya mistula ako lang ang tao sa bahay pag umaga tuwing nandito ako sa amin even before na hindi pa ako nagwuwork, buti na nga lang at madalas nandito ang mga barkada ko, minsan mga galing sa kapitbahay, madalas ang The Merzes. Habang kumakain, panay na naman ang dada ni Jhay at bato ng tanong sa akin.
"Oy bakla, bakit ilang araw kang nawala? Galing kami dito kahapon, wala ka daw sabi ng nanay mo, sinundo ka daw ng jowa mo. At saan naman kayo naglamira? Hindi mo man lang kami isinama?!!!" As usual talsikan na naman ang mga butil ng sinangag at ang maliliit na tinik ng tuyo mula sa malaking bibig ni Jhay, ikaw ba naman nguya ng nguya habang daldal nang daldal. Hayyy baklang to.
"Jan lang sa tabi tabi, saka ko na ikwento sa inyo mga beks. Baka mamatay kayo sa ingget." Makahulugan ang palitan ng tingin ng dalawa dahil sa sinabi ko. At dahil nabanggit ni Jhay ang asawa ko, ngayon ko lang naalala.oo nga pala hinihintay ko ang text niya, aalis nga di ba kami? Pero anong oras kaya?
"Mga bakla, di pala ako makakasama sa inyo, kasi may pupuntahan ulit kami ng asawa ko."
"Asawa? Kasal? Babae? May matris?" Bitter mode na naman si Jhay.
"Oo bakla. Gaga ka.. Yan naman na ang normal na tawagan ngayon ah kahit magsyotang hipon, asawa na ang tawagan leche kang inggrata ka. Anyway, dito na lang muna kayo, samahan niyo ako habang inaantay ko ang prinsipe ng buhay ko." Nagpaunlak naman ang dalawa. Aba dapat lang, pinakain ko sila ha. Hehe. Hayyy bakit kaya wala pang paramdam si Jan? Tulog pa kaya siya? Ganitong oras nagtitext na sa kin yun. Hmmm. Matawagan nga. Nakailang cannot be reached o di kaya naman busy ang line bago ako naka connect.
"Hello mahal, kumusta? Good morning i love you! Nag almusal ka na ba?"
"Ah eh, bhe, hindi pa eh, I need to leave early, may emergency kasi, nasa biyahe na ako ngayon on the way to Manila. Sorry hindi ko nasabi sa yo. Tawagan na lang kita later ha. Nag da drive kasi ako. I love you bhe. Lagi mo tatandaan yan! Bye!"
" Mahal teka anong emer---" bigla nang naputol ang linya. Kabang kaba ako. Anong emergency? Anong nangyari? Bakit? Ganun ba kalala ang nangyari para makalimutan niyang sabihan agad ako na luluwas siya at hindi na matutuloy ang pagkikita namin ngayon? Bakit pakiramdam ko iwas siya na malaman ko kung anong emergency ang nangyari? Hayyy Cho iyan ka na naman. Paranoid teh? Give him the benefit of the doubt wag na namang dedosa. May promise kayo sa isat isa. Minsan may mga bagay lang talaga na mas dapat nating unahin pero hindi ibig sabihin e nakalimutan na natin ang iba pa. Ahhh bahala na. Sana maayos din yan kung ano mang emergency yan. Ayaw ko nang ganito. Nag iisip. Palaisipan ang mga bagay bagay.
"Mga bakla, wag na natin siyang hintayin, hindi siya darating."
"Bakit daw?!" Matapos ko ipaliwanag sa dalawa ang dahilan kung bakit hindi daratingbang asawa ko ngayon ay napagpasyahan naming mamasyal na lang as usual, sa ang bago at walang katulad na kabute parke aka mushroom park.. Saan la ba?
"Mga Merz, babalik na siguro ako sa Manila sa isang araw, malamang hindi agad umuwi dito si jan. Madami din ako naiwang trabaho sayang din ang araw."
"Sabay na tayo. Araw ng balik ko yun talaga merz." Agree agad ako kay Miles. Parang wala akong kagana gana ng mga oras na yun. Binabagabag ako ng biglang pag alis ni Jan. Sabagay, malalaman at malalaman ko din naman kung ano yung emergency na yun sa isang araw.
Gotta pause for a short break! I hope you enjoy reading ILYBHR. Few more chapters to come!
Vote. Fan. Comment. Enjoy!
MDS
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BHE :-)
RomanceBe careful what you wish for. - yan ang sabi ng gasgas na kasabihan. E what if you did not ask for something tapos bigla itong ipinagkaloob sa iyo? Nakakatuwa siguro, pero di ba may kasabihan din na ang isang bagay na hindi mo pinaghirapan e madali...