ILYBHE:-) part 9

34 2 1
                                    

"Ive been alone when Im surrounded by friends. How could the silence be so loud.. But I still go on knowing that I got you there's only us when the lights go down.. You are my heaven on earth, you are my last my first and then I hear this voice inside… "

I really love that AVE MARIA version of Beyonce. Go and check it out if you do not know the song yet.

Cho's POV

   In my more than three months of living here sa bago kong mundo, madami na din ang nabago sa akin. If before, I was so short-tempered and tactless, ngayon I can manage to hold my temper na and I also happened to have learned how to be a person with dignity. Siguro in view na rin of my job, our daily conversation with clients were duly recorded so for the very obvious fact, if you're going to not be so nice even to these undeserving hot headed callers and out bound customers, you'd be out.

   Talagang na test maige ang pasenxa ko pero maganda din pala iyon. Look at me now compared back when I wasn't here yet. Buhay nga naman. Sinong mag aakala na ang isang tulad ko ay malilinya sa ganitong trabaho. But I'm happy.

   My relationship with Jan continued, ganun pa din. Nothing has changed. Si Emjhay, hindi na ako kinibo nang tuluyan which is very fine with me. I would be startled kung bigla xang magiging magiliw ulit sa akin.

   At first apektado talaga ako since friends din naman talaga kami kaya lang it wasn't me naman who changed but him. Di ko na maxadong pinagtutuunan ng pansin ang mga negatibong tao ngayon.

    Madalas ako mapag isa. Busy si jowa e but its okay. I really love being alone sometimes kasi nakakapag muni muni ako. Mahilig kaya ako mag muni muni. Mag day dream. Mangarap. And I cannot possibly do that kung kasama ko ang magugulo kong tropa...

   "Hoy bakla!!!! Kanina pa ako kaway nang kaway sa kabilang table, hindi mo ako napapansin" buong galak at gulat akong napaharap sa may ari ng boses. Di ako nagkmali. Nandito nga ang The Merzes. Si Jhay Valderama at Mers Kilometers Basco, nasa harapan ko...

    "Baklaaaaaaa!!!!!!!" excited kong niyakap ang dalawa. Kanina iniisip ko lang sila habang mag isa akong nagmumuni muni at nilalantakan ang aking Lettuce Wrap sa Beanery The Fort Branch(susyal di ba umabot n ng Taguig ang beanery) tapos nandito n nga sila. Could It Be Magic? Shocks.

   Balak pala nila sana akong surpresahin kaya lang sa katangahan ng baklitang si Jhay Valderama, naitapon niya yung pandaewang na pinagsulatan niya ng address ng apartment ko which left them with no choice but to contact me and eventually ask for my address. Pero heto na nga, they saw me here. Mahaba habang chikahan ang magaganap ngayon.

   Grabe talaga ang kadaldalan ni Jhay Walang kupas. Hindi kami makasingit ni Kilometers. Siya ang tambay pero siya ang pinakamaraming kwento. Kaloka.

  Nang medyo nauuta na ako sa paulit ulit na kwento ni Jhay, I tilted my head to the other side of the café and to my horror, I saw a familiar figure. Nakatalikod siya. Medyo malayo sa amin ang table niya pero kilalang kilala ko siya. Kilalang kilala ko ang gwapo kong boyfriend(bukod sa lumilinaw ang malabo kong mata pag gwapo ang kaharap ko). At hindi siya nag iisa, may kausap siyang napakputing babae na animo'y nasaksakan ng sanlibong vials ng glutathione.

   medyo napalingon din ang dalawa kong kaibigan sa direksyon na tinitinganan ko ngayon.

  "Teka, di ba si Jan iyon? yung jowa mo? Sino yung kasama?!!!" halos sabay na bulalas ng dalawa.

   Maya maya tumayo na ang dalawa. Biglang yumakap ang babae sa boyfriend ko at walang sabi sabing hinalikan sa labi si Jan. Na muntik nang ikaluwa ng mata ng dalawa kong kaibigan. syempre ako din. Ahhh. Nagpaalaman pala sila. How sweet naman. Magkahiwalay silang lumabas ng cafe.

   I did not make any scene. Ayaw ko din namang mapahiya si Jan sa mga tao. Biruin mo. Edukado macho gwapito tapos maeeskandalo dahil nagwala ang jowang bakla dahil sa nahuli siyang may kalaguyo  How Ironic. Oo nga. Bakla nga lang pala ako. Hindi kagandahan. Hindi kayamanan. Wala naman akong ipagmamalaki. Bakit nga ba ang bilis kong naniwala kay Jan? Bakit hindi ako nagduda sa totoong intensyon niya sa akin? Bigla ang lukob ng sakit sa aking kalooban. Panliliit. Hiya. Selos. Galit. Sama ng Loob. Sudden reverse. Biglang bumaliktad ang mundo ko. Parang gripo na pala ang mga luhang umaagos sa mga mata ko. Inaya ko na ang dalawa kong kaibigan na lumabas na kami at magtungo muna kung saan.

    Nakarating kami sa isang disco bar with live band sa Makati City. Agad akong nag order ng pinakamalakas ang tamang alak from the counter at parang kabalyerong sinalakay ito ng sunod sunod. Para bang pag natalo ko ang bote ng alak at napataob ito ay mawawala na rin ang sakit ng aking kalooban.

   "Huy badaff! I know its very very hard to accept yung nakita mo kanina kaya lang, bakit hindi mo muna xa kausapin? Baka naman kung sino lang yung girl na yun. Naku naku. Kundi lang ako pinigilan ni mers, kinalbo ko n yun gamit ang sipit ng alimasag!!!" ang pasigaw na panata ni jhay dahil sa ingay sa loob ng bar.

  Hindi ako nag react  Medyo may tama na ang alak sa akin. Napakabilis ko lang kasi malasing. But my edge was that i could still think clearly kahit lasing ako. Kaeklatan lang yung sinasabi ng iba na hindi mo alam ang ginagawa mo pag nakainom ka.. Maya maya biglang nag vibrate ang phone ko na nasa aking bulsa. When I checked the name of the caller, Nanatili lang akong nakatitig sa cp ko kaya si Mers Miles na ang sumagot. Lumabas siya kaya hindi ko nadinig ang pinag usapan nila.

    We went to our chosen spot in that disco bar and ordered some more drinks, finger foods and crispy pata when Kilometers finally came back.

    Habang lumilipas ang oras medyo nawala sa isip ko ang aking dinidibdib kanina. Nakipag sayaw kami which is first time naming ginawa. We gained some acquaintances. Well yeah. To freaking hell with being serious. Mas masarap pa siguro ang ganito. Maki mingle at makipagharutan without any commitment para walang baklang masaktan. ouch. Dami kong nakasayaw. ang pupogi din. nyaah.

   Sa gulat ng lahat biglang tumigil ang paggiling ng disco lights at huminto ang tugtog ng banda. "Ano ba yan. Badtrip. Ngayon p lang ako nag iinit sa dance floor."

    Maya maya biglang sumindi ang spotlight sa stage at nandun na naman bigla ang familiar figure na iyon. May hawak na gitara... Teka. Tama ba ako? O lasing lang? Si Jan nga ba iyon? Oh My effing sexy God T.T

Bwahaha. Saree for the very late update.

Ang cute ni Jan ano? Naiimagine niyo ba siya?

BTW. If I gain few more readers and comments the next few days. Dadalasan ko ang update.

Pasenxa na. Sobrang busy talaga. I have other priorities din kasi. Pero i really enjoy writing this.

Can i request for votes and comments? thank you.

I LOVE YOU BHE :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon