ILYBHE :-) part 27

10 0 0
                                    

Regine!!! Wooooooh!!! (Takip mukha..hehehehe) Sooooorrryyyyy na talaga! My promises are always broken. Hindi na ako magpa promise, hayyy. Been very very busy with my work. I will try my very best to make up and to make more updates. Uhm.. Im also thinking na medyo magdagdag pa ng chapters but lets see. Kumusta na nga ba si Cho at si Jan? Anyare na ba? Hehehe. Ly all!

Cho's POV

π I wanna stand with you on a mountain...π

Shutang ina mess naman na kanta ito, ang aga aga yan pa ang pinatugtog sa radyo. Wala na akong pakialam sa yo Jan Erick, simula nung iniwan mo ako, araw araw kong iniisip kung bakit mo nagawa sa akin yun, ngayon naisip ko lang na hindi mo naman siguro talaga ako minahal, eh ano pa ba? Past time! Ang bongga ng past time mo ha. Yung puso ko! Well, okay na din at least super yummy ka naman at natikman pa kita. Okay na ako doon. Ako pa din ang nagwagi.

Nakagawian ko na na kausapin ang sarili ko tuwing nag iisa ako, mahilig talaga ako magsalita mag isa, siguro nga may sayad na ako at nadagdagan pa nang iwan ako ng magaling kong boyfriend/asawa.

I know for a fact na hindi ako ang nagwagi sa ginawa sa akin ni Jan, ang sakit sakit kaya, araw araw ko nga xang iniiyakan. Oo hanggang ngayon. I'm just pretending in frony of my friends, in front of everybody na okay ako, matapang ako na okay lang ako but deep down inside, I'm dying. I still love him, nangungulila pa rin ako sa kanya araw araw, gusto ko pa ding bumalik siya sa buhay ko. Heto tumutulo na naman ang luha ko. Alam mo yung pakiramdam na pagod na pagod ka na? Yung suko ka na, gusto mo nang talikdan ang nakaraan pero hindi mo magawa kahit gusto mo, pilit na nagsusumiksik pa din sa iyo lalo na tuwing naaalala mo ang magagandang nangyari sa inyo, ang mga pangarap na binuo niyo. Basta lahat lahat. Waaah!!!! Patay! Nabura na pala make up ko sa dami ng iniluha ko. Okay erase erase. Retouch retouch. From now on talagang talaga na. Wala nang Jan! No more reminiscing! Hindi ko na xa iisipin! Hindi ko na xa ii-stalk sa fb kahit last year pa ang huling status update niya, itatapon ko na lahat ng ala-ala niya, kakalimutan ko na siya (weh?) Mahal na mahal ko siya, galit na galit din ako sa kanya. Bipolar na nga ako eh letse kasing lalakeng yan. Move on. Yan na lang ang pakakatandaan ko. Magagawa ko din yan.
Madali lang yan. Aysus. Kayang kaya! Charot.

Pagdating ko sa work, nakabungad kaagad si Sir H. sa area ko, ang ganda ng ngiti, yung tipong malalaglag ang panty mo kung nakapanty ka, edi brief kung nakabrief o hihirit pa? T-back daw at boxers, whatever. Iyan, gwapo na naman, simpatiko, romantiko, paepek, pa fall in short malandi. Lalandiin ka, papaasahin, gagahasain tapos itatapon na parang basura! Mga hayup sila!!!

"Ahem, ah Cho, may sinasabi ka ba? Sino ang sinasabihan mo ng hayup?! Ako ba?"
Nanlaki ang mata ko,nawala na naman pala ako sa sarili ko.

"Ay hindi sir, ah hindi ikaw"
Nataranta na naman ako,pano ba naman nilapitan na namam niya ako nang husto yung halos magdikit na ang katawan namin. Halos idikit na din niya ang mukha niya sa mukha ko. Hayyy. Here we go again, landi pa more. Pero in fairview ha, isang sakay lang from here yun, chos, lakas din ng dating ni Sir, ang yummy niya talaga,siguro kung naka move on na ako kay Jan, na fall na ako dito.

"Eh sino?!!!" Halos idikit na niya ang bibig niya sa bibih ko. Grabe naeeskandalo na ako at grabe ang bango ng hininga niya. Shocks!

"Sir sila! Sila po!" Sabay turo ko sa mga empleyadong nakatutok ang mga mata sa amin.

"Hahaha!!!" Sinagot niya lang ng tawa ang sinabi ko. Parang walang nangyari, inilayo na niya ang katawan at mukha niya sa akin. (Sayang! Char) grabe. Exhibitionist ang peg?

"Magsabalik na kayo sa trabaho niyo dahil kung hindi baka wala na kayong balikang trabaho, madaming nangangailangan diyan,naghihintay lang ng Tamang Panahon! Tapos na ang palabas!"
Biglang nagpulasan ang mga usisero't usiserang empleyado.

Tulaley na naman ako. Windang sa mga pinaggagagawa ng lalakeng ito. Tho' alam ko namang palabas niya lang ang lahat,syempre sa isang baklang nawasak ang puso na naghahanap ng bagong magkakanlong nito, hindi naman imposibleng hindi ka ma fall sa isang kagaya ni Sir H pero kagaya nga ng sabi ko, hindi pa ako nakaka move on kay Jan pero syempre hindi naman ako bato para sabihing walang effect sa akin ang pinaggagagawa ni Sir H kahit pa sabihing palabas lang ang lahat ng ito, kaya iyan, headache pa more!

Bakit ba lagi na lang ganito ang kapalaran ko? Kapos! Chos.

"Reyna ka talaga ng daydreaming at pagkausap sa sarili. Siguro may pinagdadaanan kang mabigat? Share mo naman sa akin, baka sakaling makatulong ako." Wow ha. Super charming to the maximum level of charmingness talaga itong si sir kahit na may pagka exhibitionist.

"Naisip mo pala yun sir? Na may pinagdadaanan akong mabigat?"

"Uhm... Sabihin na nating nung una, hindi, pero tuwing makikita kitang kinakausap ang sarili mo at nagde daydream, naiisip ko baka nga may pinagdadaanan ka?! Ano nga ba yun?!" Sasabihin ko ba sa kanya? Bakit naman? May pakialam ba sa akin ito?

"Kung sakaling meron man sir, naisip mo man lang ba na baka ang pinapagawa mo sa kin ay makakadagdag sa bigat ng problemang dinadala ko?" Bigla siyang napalunok, yung mukha niya tipong nagsasabing #wowwhogoat

"Lahat naman tayo may pinagdadaanan,lahat naman tayo may problemang pinapasan, kaya lang hindi mo dapat masyadong dinidibdib iyan, at lalong hindi mo dapat dinadala sa trabaho, baka makaapekto sa performance mo as an employee and as I can see, medyo may effect na nga, look at what you did to me yesterday?" Hala. Seryosohan na pala. Bigla naman akong kinabahan.

"Sir iba naman ang trabaho at iba ang professional relationship natin kesa sa pinapagawa mo sa akin, gaya ng sabi mo,hindi dapat dinadala sa trabaho ang problema."

"Your case is different!!!!! Iba ang pinagdadaanan mo sa nangyayari sa buhay ko!!! If you don't want to accept my offer, just say so!!! You dont need to preach me. Baka nakakalimutan mo ako pa din ang boss mo!!!"

Oh diva? Nganga mode. Napatanga na lang ako. Susme. Galit? Agad agad. Pero gwapo pa din.

"Sorry Sir." At hindi na ako kumibo, at nagsimula nang kumilos upang magtrabaho.

"Wait, ahhh. Cho, sorry, I didn't mean to be harsh, uhm. Wait ko na lang answer mo until this afternoon."

Tumango na lang ako at hindi na muli kumibo. Ewan ko ba. Naghanap na lang ako nang kung anong pwedeng pagka busy han sa desk ko, ayaw ko nang makipagtalo, heler, ke aga aga kaya.

Hindi ko na din nadinig ang boses ni Sir H, pero alam ko nasa harapan ko pa din siya. Hindi na talaga ako kumibo, hinintay ko na lang na lumayas siya, ang ipinagtataka ko bakit ang tagal niya lumarga. Kainis. Medyo weird.

Maya maya pa nadinig ko na ang marahang yabag ng kanyang mga paa palayo sa pwesto ko. Doon lang ako nakahinga nang maluwag at nagsimula nang mag focus sa trabaho.

Hmmm. Medyo boring na chappy sorry guys. Ang ingay kasi ng paligid. Nanunuod pa ng tv itong kapatid ko, medyo na ba block tuloy ako. Sareee. Mwah.
MDS.

I LOVE YOU BHE :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon