Nagugulat ako mismo sa bilis ng mga pangyayari haha I hope you enjoyed the last few chapters as much as I enjoyed writing them :-)))
Emjay's POV
Waaah! Maloloka ako sa mga nalaman ko after nang confession sa akin ni Cho about the story of their lovelife ni Sir Jan Erick. Oh my God. Too good to be true. Paanong nangyaring na in love sa kanya si Sir? Paanong naging sila? Lakas makapagpa ampalaya.Gravity.
I really really thought na type nya na ako at nagwork na ang gayumang binili ko sa Ongpin, Manila for him. Yun pala, kaya xa mabait sa akin the passed weeks, e jowa nya pla yung nirerefer ko.
Pangiti ngiti pa xa pag nag uusap kami, ang ikinakangiti niya pala e yung kaalaman na magtatrabaho din sa company namin si Cho na kulakadidang niya!
"Waaaaaaaaah!!! Hindi pwede! Akin lang si Sir Jan!!! huhuhu!!!!"
Shocks nasa public area nga pala ako. Oh my God. Baka mapagkamalan akong baliw nito.
Naku. Hindi yata tama na pinasok ko si Cho sa kumpanya namin ah. Pero magkakilala naman at nagkikita na talaga sila ah.
Ah basta malas. Minamalas ako dahil sa kanya. I need to do something about this. Hindi pwedeng ganito.
Lumipas ang dalawang linggo at natapos ni Cho ang training at ngayon ay isa na siyang ganap na empleyado sa kumpanya ng kanyang kaibigan at ka-ibigan (emjay & jan).
Pinili niya ang mag bedspace na lang muna kesa sa makisama sa upahang bahay ni emjay and co. Hindi rin muna niya tinanggap ang offer ni Jan na tumira siya sa condo nito.
Napag isip isip niya na hindi niya din matatawag na independent siya kung doon siya titira at isa pa nasosobrahan na nga siya sa lahat ng kabutihang ginawa nito sa buhay niya sa kabila nang pag aakala niyang isa iting gwapong flip na pa fliptop fliptop lang nang una niyang ma-meet sa kabute.
Napapangiti na lamang si Cho sa tuwing maiisip ang mga swerteng bigla na lamang dumating sa buhay niya, of course si Jan ang nagdala lahat noon.
Hindi siya nahirapan mag adjust sa mga kasamahan dahil magaling naman siyang makisama sa anumang kulay ng buhay, kapuso, kapamilya o kapatid man.
Isa lang ang mejo naka bother sa kanya at iyon ay ang pagbabago ng pakikitungo ni emjay sa kanya.
Wala naman itong ginagawang masama pero madalas niya itong mahuling nakatitig sa kanya, yung tipong kinakaliskisan siya nang buhay especially pag kausap niya ang jowang si Jan.
Bigla lamang itong umiiwas ng tingin pag napapansing nakatingin na din siya dito.
"Whatever. Bitter festival malamang. Very obvious naman na type niya ang jowa ko. Well sorry na lang xa. Ako ang mahal. Hanggang tingin na lang xa."
kausap ni Cho kasalukuyan sa kanyang celphone ang bestfriends na sina jhay at kilometers.
Agad niyang inirereport sa mga ito ang mga life events niya saan mang dako siya napapadpad.
Cho's POV
"Social climber. Feelingera. Feeling ganda. Ambisyosa. Haay nako mare ganyan na talaga xa now. I never expected na magiging ganyan xa, sana nga hindi ko na lang tinulungan makapasok dito. Tingnan mo naman ngayon, sobrang taas na ng lipad di ko na ma reach. Yumabang na talaga!!!"
Nakuyumos ko ang aking palad. Muntik nang sumulak ang dugo ko sa narinig ko pero sinubukan ko pa din maging kampante.
E sino pa ba ang obvious na pinaparinggan ni emjay habang kausap ang mga mukhang bilasang tamban at isdang salay salay niyang tropa na sina Baklang Rednie at tikbalang na si Michay.
Wag lang nila ako kakantiin dahil hindi ako Santa baka patuluyan ko na silang ibilad sa bilao at ibagsak sa palengke. Haha.
Napalakas ata ang aking tawa at napatingin sa akin ang tatlong gaga.
" Hi girls. Ang aga ha. Ang init na naman ng ulo ni emjay kaya laging nakakapatol sa irrate costumers. Chillax lang te. Baka matsugi ka sa work niyan?!"
bigla ko tuloy naibulalas.. sabay walk out. Ramdam ko ang talim ng tingin ng mga bruha. Well as I said, hindi ako yung tipo na parang tae na aapak apakan lang.
Mananahimik ako hanggat kaya ko, pero pag inulit ulit pa nila iyan. Well lets see what will happen.
Wow. Atapang atao. Bruhang mga bakla yun. Di matuwa sa napala ng kapwa. Ang inggit nga naman, kaya deadly sin e.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BHE :-)
RomanceBe careful what you wish for. - yan ang sabi ng gasgas na kasabihan. E what if you did not ask for something tapos bigla itong ipinagkaloob sa iyo? Nakakatuwa siguro, pero di ba may kasabihan din na ang isang bagay na hindi mo pinaghirapan e madali...