ILYBHE :-) part 18

20 0 0
                                    

Wazzup? The weather is so effing hot that I can't help but just stay inside the house. anyway, thanks for reading ILYBHE. Medyo nalalapit na tayo sa sukdulan. Enjoy reading guys!

Cho's POV

Nananaginip ako at may naaamoy akong familiar na scent ng pabango, may yumayakap daw sa akin, kaya yumakap yakap na din ako. Pero teka bakit parang totoo? Parang nararamdaman ko yung katawan nung taong yumayakap sa akin?

"Hoy bakla! Wag ka na magpantasya diyan! Totoong nasa tabi mo si Jan!"

Agad napamulat ang mga mata ko sa lakas ng bibig ni Jhay. At nagulat ako nang ma realize ko na nasa Health Center pala ako at andito nga si Jan, nandito din sina Miles at Jhay. Saglit akong nag isip at saka nanumbalik sa akin ang lahat lahat mula sa pananakit sa akin ng daddy ni Jan hanggang sa pagkawala ng aking malay.

"Kelan ka pa dumating?" Medyo nahirapan ako magsalita, pati yata bibig ko naapektuhan sa lakas ng pwersa ng sampal ni Mr.Ystilo. Hindi naman ganun kadami ang ginawa niyang panggugulpi sa akin at hindi din ganun katagal, malaki lang talaga ang kanyang kaha kumpara sa kapiraso kong katawan kaya medyo matindi ang naging epekto sa akin.

"Umuwi agad ako nang tumawag si Miles sa akin. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Ahhh ehem ehem, exit mode muna kami baks, magusap muna kayong mag jowa dyan. Later part na lang kami eexena." Tango lang ang isinagot ko sa The Merzes, parang nakakatakot magsalita kasi pag ginagalaw ko bibig ko, may nararamdaman akong masakit sa panga ko.

Mga ilang segundo ang lumipas bago binasag ni Jan ang katahimikan. Titig na titig siya sa akin bago nagsalita.
"Alam ko na ang nangyari. Ahm... Hindi ko alam ang sasabihin sa yo Bhe. I'm so sorry sa ginawa sa iyo ng daddy ko. Promise hindi ko na hahayaang maulit iyon." Sabay haplos sa pisngi ko.

"Hindi mo kailangan mag sorry unless ikaw ang nag utos sa kanyang gulpihin at ipahiya ako sa madlang people, anu ka ba?" Biglang sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko.

"Ikaw talaga, ganyan na nga kalagayan mo nakukuha mo pang magbiro, kaya lab na lab kita e." Sabay pindot sa ilong ko na tinapik naman agad ng kamay ko ang kamay niya.

"Ano ba!!! Wag mo nga akong pindut pindutin, nakita mo na ngang namamaga ako, pindot ka pa ng pindot diyan!" Biglang sumeryoso ang mukha niya at tumitig sa akin.

"O anong tinitingin tingin mo diyan?"

"Wala, sobrang na miss kasi kita. Saka iniisip ko kung paano ko kakausapin si daddy mamaya about sa ginawa niyang ito sa yo." Bigla akong kinabahan sa huling sinabi niya, sa hitsura kasi ng daddy niya mukhang mahirap kumbinsihin at kalabanin. Biglang bumaha ang matinding pag aalala sa aking dibdib. Andami na namang what ifs sa aking utak ngayon.

"Wag ka na mag alala Bhe, hindi ako papayag na maghiwalay tayo. Walang sinuman ang makapaghihiwalay sa tin kahit mga magulang ko pa!!!" Napatingin ako sa kanya nang tuwid.

"Promise?"

"Promise Bhe, I love you!"

"I love you too Jan, Mahal na mahal kita, Wag mo ko iiwan ha? Nag promise ka na. Wala nang bawian yan!" Sabay sandal ko sa dibdib niya.

"Oo promise yan Bhe, nga pala, pag medyo okay na ang pakiramdam mo bukas, sunduin kita nang mga 4pm, may pupuntahan tayo"

"Saan naman?" Bigla ang sibol ng excitement sa puso ko.

"Its a surprise"

"Hmmm. Ano susuotin ko?"

"Ikaw bahala. Casual, kung saan ka komprotable." Bigla akong napaisip. Hmmm. I hate surprises. Baka hindi ako makatulog nito mamaya kakaisip kung saan kami pupunta ah. Makapag trahe de boda kaya? Baka naman magpapakasal na kami! Yay! Secret wedding! Tama! Surprise daw! At wala daw makapaghihiwalay sa min so ibig sabihin magpapakasal na kami nang sikreto bukas! Jan jan jaran. Dandan danan! "Yeheyyyyy!!!!!"

"HAHAHAHA!!! Bhe mukha kang tanga bhr bakit humuhuni ka na naman ng wedding march? Hindi pa tayo papakasal, hindi pa legal dito ang boyxboy marriage pero promise! Papakasalan kita maayos ko lang lahat ng dapat ayusin! Kalma ka lang diyan Bhe!" At ayun nga. Nganga na naman ako. Anyare? Hahahaha. Naalog na ata utak ko sa mga pangyayari. Pero promise excited na talaga ako para bukas. Bigla ngang nawala yung masasakit na nararamdaman ko sa katawan ko sa sobrang excitement ko eh.

"Magpagaling ka muna Bhe! Pag hindi pa okay ang pakiramdam mo bukas, i postpone ko muna ang lakad nating dalawa!"

"Oy oy oy wala nang bawian! Baka gusto mong bawian ng buhay ngayon din?!!!"

"Hahaha. Wag ka ngang OA jan mahal ko, ikaw lang iniisip ko. Tingnan mo nga yang hitsura mo mukha kang nilamog na talong!"

"Aba ang yabang netu ah. Sige, lumakad ka mag isa mo bukas! Nilamog na talong pala ha!" Biglang lapit siya sa kin at agad agad akong hinalikan sa labi as in agad agad na siya ko namang nilabanan nang mas nagbabagang halik at yakap. Sobrang namiss talaga namin ang isat isa. Juice colored! Salamat po at binigay niyo sa akin ang lalaking ito. Kung hindi, hindi ko mararanasan ang ganitong kaligayahan kahit na napakadaming balakid. Keribels naman siguro namin yan!

"Aha!!! Ang sabi naman mag usap hindi mag sex!!!" Bigla kaming napatalon palayo sa isat isa sa pag exena nina Jhay at Miles. Napakaganda talaga lagi ng timing ng baklang ito. Sarap i lechon at ipakain sa mga ita sa bundok.

"Leche ka talagang bakla ka! Ganda mo din ta timing ano? At anong sex sinasabi mo diyan! Pwede ba no. Virgin pa ako!"

"Saan? Sa mga split ends ng buhok mo! Wag mo nga kaming pinaglololoko bakla! We werent born yesterday! Anyway, pwede ka na daw pala o discharge kaya mag eempake na tayo ng mga gamit mo, saka niyo na ituloy yang paglalambutsingan niyo. Di na kayo nahiya dito pa talaga sa health center. OMG!" Lekat na baklang haragan ito. Di ba di naman halata ang ka bitter an niya sa katawan? Kundi ko lang kaibigan ito, matagal ko nang pinabula ang bobig niya gamit ang milk tea!

After ko mai discharge from my HC, nag beauty rest na muna ako sa bahay. Ni request ko na wala munang gagambala sa akin. Kailangan ko ng matinding pahinga para umayos na ang pakiramdam ko bukas. Papikit na ang aking mga mata sa antok nang biglang umilaw ang aking Phone, may nagtext, "Gdnyt bhe,plkas ka,c u tom. Ily!" Si Jan pala. Ngiting ngiti ko xang nireplyan, animo nakikita niya ako. "Yes baby,i wll c u tom.gdnyt ily2! Mwaaaah!" "Bhe ambaho,tutbras ka mna! lol" "leche,lmkad k mg isa mo!" "Haha jke lang 2 nmn,ly bhe ko.nyt n tlg phinga k" "tse.nyt" Lakas talaga mambwisit ng isang yun. From day one pa lang ganyan na siya. Pero yun talaga ang unang minahal ko sa kanya. Ang kakulitan niya. Matapos ang ilang minuto pa nang pagmumuni muni. Nakatulog akong may ngiti sa mga labi.

Halu guys! Excited na ba kayo sa surprisa ni Jan kay Cho? Kung ganun, wag kayong bibitiw till my next update! Thanks for reading.

Vote. Fan. Comment! *Grouphug*
MDS

I LOVE YOU BHE :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon