Waaaahh!!! Sobrang daming nangyari sa buhay ko. Ngayon ko lang naharap ito. Im so sorry sa ilang piraso kong avid readers. Im so sorry talaga. Please forgive me.
Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan, hindi na talaga nagparamdam si Jan kay Cho.. Super ang paghihinagpis ng ating bida dahil sa biglang pag disappearing act ng kanyang prince charming... Ang matinding pangungulila ni Cho para kay Jan ay napalitan ng matinding pagkasuklam. Halos dalawang buwan din siyang natengga sa probinsiya. Nagpalipas ng sama ng loob, araw araw siyang umiiyak, halos hindi siya makausap ng kahit na sino, lagi lang siyang nagkukulong sa kwarto nang mga panahong iyon.. Hanggang sa isang araw, parang nagsawa na siya sa kaeemote at tamang tama naman na dumating sa kanilang bahay ang isa sa mga bff niya na si Miles dala ang magandang balita na naihanap na siya nito ng trabaho, duon din mismo sa kumpanyang pinapasukan nito.. Kaya ngayon, heto siya nasa front desk ng MBPS Office sa Quezon City bilang admin. Malakas ang kapit ng kanyang bff dahil isa ito sa mga asset ng kumpanya dahil sa angkin nitong ganda at talino kaya walang kahirap hirap na nailagay siya nito sa posisyon niya ngayon. Laking pasasalamat ng bakla sa kanyang kaibigan kundi ay baka namatay na siya sa sobrang inip at lungkot sa probinsya...
Cho's POV
"Anong tinatawa tawa mo diyan?!!!" Ang mataray na sita ko sa lalaking kanina pa ngingiti ngiti sa harapan ko, nakaupo siya sa bakanteng silya para sa mga bisita ng kumpanya pero ang alam ko ay empleyado din siya dito, pamilyar sa kin ang mukha niya,di ko lang matandaan kung saang department siya naka assign."Wala po. Ang cute mo kasi, kaya lang ang sungit mo naman. Para kang galit sa mundo."
"Nadinig ko na yan. Kung wala kang magandang sasabihin pwede ba lumayas ka sa harapan ko?!!! Ayaw kong naaantala ang trabaho ko dahil sa mga walang kwentang tao, lalo na sa mga gwapong katulad mo na sa una mabait, gentleman, perfect, lahat lahat, sweet caring, lahat lahat na tapos sa huli isang malaking gago pala!!! Kaya ikaw! Lumayas ka na sa harapan ko now na!!! Alisssss!!!!!"
Cool pa rin at ngingiti ngiting naglakad palayo sa pwesto ko ang hambog na lalake, palingon lingon pa. Eksenadora the explorer na pala ang peg ko. Sorry naman. Nakatingin pala sa akin lahat ng tao sa lugar na iyon.
"Uhm.. Sorry." At tahimik ko nang itinuloy ang trabaho ko.
"Whogoat ang lola mo" "May pinagdadaanan yata" "Bittersweet" "Naku mukhang sawi iyan, biruin mo, dinedma at tinaraytarayan si Sir H, jusmi kung ako yan susunggaban ko agad" Hindi ko na pinansin ang mga chismosa sa paligid. Graduate na ako sa pagpatol sa mga ganyan. Kahit saan ka naman pumunta hindi mawawala ang mga yan.
Maya maya may kumakalabit na naman sa akin. "Ano ba?!!! Nakita nang busy yung ta---" "Gaga merz ako ito!" Si Miles pala.
"Oh merz, Hi!! Bakit ang aga mo? Akala ko mamaya pa ang pasok mo?!""Yun na nga eh. Pinatawag ako ng boss natin kaya napaaga ako, may nangyari daw kaninang eksena dito, at dawit ka at bilang ako ang nagpasok sa yo dito, dawit na din ako. Ano bang pinaggagawa mo Merz?!"
Naalala ko yung eksena kanina with the cute guy na tinarayan ko,ikinuwento ko sa kanya.
"Natatandaan mo ba yung name nung guy?"
"Hindi nga e. Parang nadinig ko lang, tinawag nilang " H" yung mokong na yun. Siguro Hibang ang name nun kaya H ang tawag nila."
Biglang nanlaki ang mga mata ni Miles sa sinabi ko.
"Gaga ka Merz! Si Heherson Esquejo yung tinarayan mo! Anak ng lang naman ng may ari ng kumpanyang ito! Hala ka merz! Gaga ka talaga! Baka masesante tayo nito. Bruha ka. Halika na,samahan mo ako magpaliwanag doon sa taas bago pa tayo mapatalsik sa trabaho natin."
Nganga moment na naman ako. Ang hirap talaga pag nauunahan ako ng galit, pabigla bigla ako.
"Ayyy sorry merz, di ko talaga alam na may kuneksyon pala sa taas ang mokong na yun, sorry talaga ininis kasi niya ako eh, di na maulit. Promise!"
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BHE :-)
RomanceBe careful what you wish for. - yan ang sabi ng gasgas na kasabihan. E what if you did not ask for something tapos bigla itong ipinagkaloob sa iyo? Nakakatuwa siguro, pero di ba may kasabihan din na ang isang bagay na hindi mo pinaghirapan e madali...