ILYBHE :-) part 8

35 2 1
                                    

Hello.Did you miss me?

Just wanna share,

been practically mini-stalking this cute guy via twitter. and to tell you with all honesty, he was the one roving around my head nung kinu-conceptualize ko pa lang itong story.

though I know, its way far beyond reality cuz I dont even seem to be sure if he recognizes me. haha.

By the way, yeah hell as obvious as it is. I am putting myself in the lead's shoes and some of the things actually happened and some were just mere juices of my tactless imagination.

The thing is you have to send me a pm if you want to confirm whether a particular bugging scene actually happened or was just a fiction :-)

Music: More To Life by Stacie Orrico

( improving with music na, ansaveh?)

Jan Erick's POV

   I was hurriedly driving along EDSA on the way to my girlfriend's "KAREN" condo unit. It was our 1st year anniversary.

   Dumaan pa ako sa bilihan ng cake, flowers, stuffed toy and ring ( yes, a Wedding Ring) after kong umalis nang maaga sa office.

   Nasa Condo lang daw siya today, hindi xa nag duty sa hospital kasi masama daw ang pakiramdam niya.

   One acceptable reason kaya siguro hindi man lang niya naalala na its actually our 1st anniversary today kaya nag decide ako na surpresahin na lang xa. Siguro its about time na magpropose na din ako sa kanya.

   Ito na yata ang pinakamatagal na pakikipagrelasyon ko. I don't wanna brag about this but I am the typical guy who dumps a girl once na magsawa na ako. Usually if the relationship gets boring, di ko na pinatatagal. Two months was long enough sa akin noon. But when Karen came into my life, bigla akong nag-iba. I dont know why. I just love her. She's totally different. I met her first  in the Hospital wherein I underwent medical examination for our Annual check up. Siya pala ang head nurse doon. We just exchanged smiles. I just liked her agad agad. Hindi xa mukhang maarte, actually hindi talaga sa maarte, siya na yata ang pinakamatinong babae na nakilala ko nung niligawan ko xa at naging kami, napatunayan ko naman iyon. And yes, wala pang nangyari sa amin in one year of our being US. Ganun xa ka conserved which I respect naman.

   Agad akong bumaba sa kotse at dali daling nagtungo sa elevator direkta sa condo unit ng girlfriend ko.

   I pulled the unit's spare key out of my pocket upon hitting my gf's place. I stood there for a few seconds first thinking about the lines to tell her which I memorized in the car while I was driving awhile ago.

   "Your baby is here, but this time I'll be the one taking care of you for a while..." I muttered as I entered the unit.

   May isang room sa left side ang unit ni Karen after the receiving area, small kitchen and dining area naman sa right.

    Wala xa sa sala, baka nasa c.r. or baka nasa kwarto niya so I walked to the nearby bedroom's door. It was partially opened and as I was getting closer, I noticed two persons chattering.

   If I wasnt mistaken, the other person is a guy and the obvious one is my beloved girlfriend. I slightly panicked.. kaya pala hindi niya nadinig ako kanina. May kausap pala siya.

   Though it wasn't my usual deed, I hid from the outside of the bedroom's wall and evesdropped, my heart loudly pounds nearly out of my chest. I just had a strong feeling na kailangan kong madinig ang pinag uusapan nila without them acknowledging my presence.

    "Wag naman sana magkatotoo ang hinala ko. Good Lord Please..." I hopelessly uttered to myself as I silently listened to their conversation while holding my breath. I clenched my fists when I heard my so LOVING and CONSERVATIVE girlfriend spoke...

" ......... Easy ka lang jan Mark honey, alam mo namang mag wa one year pa lang kami ng tanga kong boyfriend, so sa malamang hindi agad mag aaya ng kasal iyon. Ahhhh - teka wait, is it Second friday of the month today?!!!"

"Yeah" the guy who Karen called Mark uttered.

"My God. Its our first year anniversary. Hhhhmm. Nakalimutan na din siguro ng bobong yun na may icecelebrate pala kami. Sabagay tama lang yun, magpayaman pa siya lalo for me. By the way, since nandito ka na rin lang, tayong dalawa na lang ang mag celebrate... come here honey. Let's have our second round."

   **************************************

   After Jan Erick heard everything at malinawan kung bakit nasabi ni Karen na tanga siya now there's nothing but soft moans and kisses from two persons na tanga lang ang hindi makaka gets kung ano ang ginagawa.

   He just noticed na umaagos na pala ang luha sa kanyang mga mata but he still decided to keep his cools. He planted the spare key in the living room's table at agad agad siyang umalis sa lugar na iyon.

   Iniwanan na lang niya sa basurahan sa labas ng building kung nasaan ang condo unit ni Karen ang mga pasalubong na binili niya para dito.

   "Magpakasaya ka muna ngayon mahal kong Virgin Princess..." bulong niya sa sarili habang ipinipihit palabas ng parking lot ang kanyang kotse at iniisip kung anong oras niya tatawagan si Karen upang makipag break dito via phone call.

    He's not wondering bakit ganun kabilis nawala ang pagmamahal na kanina lamang ay nadarama niya para sa girlfriend. Ikaw ba naman e malaman mo na hindi ka naman pala talaga mahal ng girlfriend mo and from the start pala e puro pagpapanggap lang ang gibagawa nito at kaya pala walang nangyayari sa kanila e may iba palang kumakalabit dito.

Sa madaling salita Karen only planned to use him to recover her parents' nearly bankrupt textiles business kung sakaling makakasal sila. Pinlano nito na gamitin ang kayamanan niya. Hindi siya nito mahal. Ang Mark na iyon ang mahal niya.

   Nung gabi ding iyon, tinawagan niya ito at ipinaalam niya na bistado na niya ito. Nakipagbreak siya ng isang bagsakan at nung gabi ding iyon lumabas ang tunay na kulay nito at inutusan pa siyang makipagkita at makipag usap man lang dito at pinagbantaan pa siya ng kung anu ano pero hindi na siya interesadong makita ni marinig man lang ang boses nito.

That happened exactly a year ago, napapailing na lang si Jan Erick sa tuwing maaalala iyon. Isinumpa niya sa sarili na hinding hindi na muna siya makikipag relasyon, focus muna siya sa Career niya. But look at him. Heto siya may ka relasyon na naman. At hindi lang basta ka relasyon. Isang beki pa. Hindi beki si Jan Erick. He's very sure about it.

    Napapangiti na lang siya pag naaalala ang pangungulit niya kay Cho Medina. Actually, gusto lang niyang pag trippan ito noong una..  Natuwa lang siya sa pagiging direct to the point nito at pagtataray nito sa kanya.. Pero habang tumatagal at nakikilala niya ito nang lubusan parang napapamahal na yata talaga siya dito. He could sense that there's more to this person than juat being a casual gay guy.

" Bahala na..." kasabay ng buntong hininga ang tanging nasabi ni Jan Erick sa kanyang sarili...

Meow. Panay ang kalabit ni Munchkin (my brother and sister-in-law's cat na may lahing persian daw) sa akin while I was updating this.

Anyway, this is the longest chapter I wrote so far if Im not mistaken. And this is the first time that I gave Jan Erick a POV tama ba ako?

How do you find the story so far? feel free to leave your comments :-)

I LOVE YOU BHE :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon