ILYBHE :-) part 28

6 0 0
                                    

It's raining, oh baby it's raining. Sarap matulog kaya lang hindi pwede. Ang dami kong kailangang gawin. Kumusta kayo? Ingat po kayo sa bagyo!

Cho's POV

Tok! Tok! Tok!!!
"Please come in." Agad akong pumasok sa loob ng office ni Sir H.

"Hi Sir." Isang nagtatakang tingin ang pinukol na akin ni Sir H.

"Yes Cho?"

"Uhm, wala lang Sir, gusto ko lang magsorry about kanina, I know I shouldn't have provoked you at hindi ko dapat kayo pinagsasalitaan ng kung anu-ano. Sorry po talaga." Tinaasan lang niya ako ng isang kilay, speechless ata ang mokong?

"You don't have to say sorry, besides kasalanan ko din naman kung minsan naiinis ka sa kin. Sorry din. Akala ko naman kaya ka pumunta dito para i confirm na pumapayag ka na sa deal natin."

"Ay sir.. Pinag iisipan ko pa din po sir eh, wala na po ba talagang ibang paraan para mas maging kapani paniwala iyang binabalak niyo? Wala ba kayong ibang kaibigang lalake o bakla o bi o paminta na pwedeng gumanap sa role na binibigay niyo sa kin? Di ba pwedeng supporting actress este actor na lang ako?" Biglang umusbong na naman ang killer smile ni Sir H dahil sa sinabi ko.

"I have a lot of male friends and I also have some gay and bi friends but I dont think it will work if I ask one of them to do what I am asking you to do, kilala ng family ko lahat ng friends ko, I don't think they will believe at malamang isipin nila na palabas lang talaga ang lahat unlike kung ikaw ang ipapakilala kong 'ehem' Boyfriend ko kasi they don't know you and maybe they would think there must be something special about you that made me turn to be gay. So ano? Payag ka na ba? Please Cho, I will do anything, pumayag ka lang. Do you need money? Car? Anong gusto mo? Ibibigay ko sa yo."

"Are you that desperate sir? No offence meant sir, alam mo sa binabalak mong iyan, i think you're being selfish. You're doing this just for money, and you're only thinking about yourself? Would it be that big sacrifice kung malipat ka ng ibang branch? And also your other siblings like you said, already have their family, so probably mas malaki ang needs nila maybe thats why your parents thought of switching your designations. And gaya nga ng sabi mo, single ka pa naman, siguro by the time na magsettle down ka, napalago mo na din ang branch na ibibigay sa iyo." Hinihintay ko ang magiging reaction ni Sir H. I was expecting na bubulyawan niya ako at magagalit siya pero ilang sandali din siyang nawalam ng imik at parang hindi ko nakitang na offend siya sa sinabi ko.

"Call me selfish. I don't care. Basta hindi na magbabago ang desisyon ko, ngayon its clear to me na ayaw mo tanggapin ang ino offer ko, I saw this other gay guy from other department, siya na lang siguro ang kukunin ko for my plan and offer." Bigla akong napaisip, sino yun? Parang bigla akong nakaramdam ng inis nang madinig ko na may naisip na agad siyang ipapalit sa akin sa balak niyang pagpapanaggap.

"But dont worry, hindi naman kita tatanggalin sa trabaho dahil sa ayaw mong gawin ang pinapagawa ko. Im not that unreasonable and unprofessional, naiintindihan kita, sa hirap ng mga pinagdaanan mo sa buhay especially sa boyfriend mo, nauunawaan ko kung bakit ayaw mong pumayag." Nanlaki ang mga mata ko.

"Shocks!!! How did you know about my past sir?!!!"

"Kay Miles, oh wag ka magalit sa kanya ha. I forced her to tell me about your past,nagtaka din kasi ako bakit ganun ang pakikitungo mo sa kin,actually its the first time na may gay na nagsungit at nang reject sa akin thats why i got curious kaya kinausap ko ang bestfriend mo kaya din nagbago ang isip ko na hindi na kita pupuwersahin na pumayag sa balak ko pero kung papayag ka pa din, open pa din ako sa offer ko. Pasensiya ka na Cho Medina."

"That big mouthed bitch!!! Naku humanda talaga sa kin yang kumerzes ko na yan!!! Kakalbuhin ko ang kulot niyang bulbuhok!"

"Hahaha! Wag naman. Concerned lang din naman siya sa yo kaya siya nagkuwento sa akin at magpasalamat ka sa kanya dahil kung hindi, I will leave you with no choice but to agree with my plan." Bigla akong natahimik.

"What if I say, payag na ako sa plano mo... kesa naman mapunta ka sa baklang sinasabi mo."

"Ano yung huli mong sinabi?"

"Ha? Wala naman Sir ah? Basta sabi ko payag na ako."

"Ows. What made you change your mind? Parang kanina lang may pa selfish selfish ka pa sa akin ah? Hahaha. Selos ka kaagad sa ipapalit ko sa iyo?"

"Hahahaha. Patawa ka din pala Sir ano? Selos agad agad? Bakit naman ako magseselos?"

"Bakit nga ba?" Biglang sumeryoso ang mukha niya at aktong lalapit na naman sa kin.

Sheeet heto na naman siya.

"Baka naman may gusto ka na sa kin Cho?" Palapit na siya nang palapit sa akin, iyan na, halos nakadikit na naman ang mukha niya sa akin at halos magdikit na nag husto ang katawan niya sa kin. Ang sarap ha in fairness. Shocks ang landi ko. Di pa ako nakaka move on kay Jan okay? Tapos heto na naman. Stop the meaning of this Cho!!!!

"Waaaaaaaahhhhhh!!!"

"Oh bakit?"

"Please sir don't do this to me, akala ko ba naaawa ka sa nangyari sa akin? Payag ako sa plano mo pero please don't do this. Please!"

"Anong please don't do this? Aalisin ko lang yang dumi sa kilay mo oh, nagpalinis kasi ako dito sa office kanina, may nagliparan pa palang alikabok, nalagyan ka tuloy sa kilay."

Pahiya moment of the century! Edi wow. Edi wow sir. Pwede ba akong lumubog ngayon dito?

"Ay kahse sher. Shorry shir. Shige. Balik na ako sa desk ko baka madamin nang inquiries. See you later sher." Pulang pula with matching hawi sa buhok na hiyang hiyang lumabas ako sa opis ni Sir H. Grabeeeeee! Nakakahiya!!!!

"Hahaha." Nadinig ko pa ang pagtawa si Sir H, habang nilalapat ko pasara ang pinto ng opisina niya. Parang musika na sa pandinig ko ang boses at tawa ni Sir H. Oooops. Enough. Bawal na, wala nang mga ganun ganun. Trabaho lang wala nang personalan.

Hiyang hiya ako sa sarili ko. Juice Colored!!! Assumera queen talaga ako for all time! Makapag focus na nga muna sa work. Kainis. Puro talaga ako maling akala.

Kaloka naman itong si Cho. Assumerang froglet. Hahaha. Naiimagine niyo ba si Sir H? Ang cute niya din ano? Yun ang nasa isip ko eh. Hehe. Cenxa. Till here and till next chappy.
Vote. Comment. Faney!
Memel Delmo Styles.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I LOVE YOU BHE :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon