Halu. Home alone. At dahil dyan mag update muna ako bago manuod ng liga sa Kabute Parke.
Jan's POV
"Saan ka galing kagabi at nung isang araw?!!!" Galit na galit na mukha ni Daddy ang sumalubong sa akin paglabas ko ng kuwarto nang umagang iyon.
"May inattend-an lang akong party Dad. Mainit na naman ang ulo niyo. Relax."
"Sinungaling!!! Napakasinungaling mong bata ka!!! Alam ko lahat ng pinaggagawa mo kahapon at noong isang araw kasama ang baklang iyon. Akala mo ba makakapaglihim ka sa akin?!!!" Parang bombang sumabog sa harapan ko ang mga sinabi ni Daddy. Tiningnan ko lang siya nang tuwid sa mga mata. Parang nakakasawa na ang pakikialam niya sa akin at kay Cho. Hindi ako nag react, hinintay ko lang ang susunod niyang sasabihin.
"Talaga bang hinahamon mo ako Jan Erick?!!!" Hindi pa din ako kumibo nang bigla niya akong undayan ng suntok sa panga na ikinabuwal ko sa sahig. Hindi pa din ako kumikibo. Alam ko naman kahit anong katuwiran at kahit anong sabihin ko hindi niya pa din tatanggapin ang relasyon namin ni Cho. Bahala na. Kung palayasin ako, edi lumayas, sawang sawa na ako na minamanduhan niya. Alam ko na kung ano ang makakapagpasaya sa akin. Alam ko naman na kung ano ang tama at mali at wala na akong pakialam kung itakwil nila ako dahil nagmahal ako sa isang katulad ni Cho, na ang aming relasyon ay ganito at hindi pangkaraniwan. Wala na akong pakialam.
"Magsalita ka!!!" Dumadagundong sa apat na sulok ng aming bahay ang lakas ng kanyang sigaw.
" Sige Dad, gawin niyo na lahat ng gusto niyong gawin, itakwil niyo na ako bilang anak, alisin niyo na sa akin lahat ng karapatan, lahat ng materyal na bagay na ipinagkaloob niyo sa akin bilang anak niyo, bawiin niyo na. Wala na akong pakialam. Basta hindi ko hihiwalayan si Cho. Mahal na mahal ko siya. Hindi niyo iyon maiintindihan dahil sarado ang utak ninyo at wala na akong balak ipilit at ipaintindi pa iyon sa inyo. Pagod na ako. Alam ko naman hindi niyon rin ako pakikinggan." Lalong namula sa galit ang mukha ni daddy dahil sa sinabi ko.
"Baliw ka na talaga!!! Wala kang utang na loob. Kung ganyan din lang ang pananaw mo sa buhay, lumayas ka na ngayon din sa pamamahay na ito at ayaw ko nang makikita ang pagmumukha mo dito. Napakawalanghiya mong tao! Hindi ko matatanggap na nagkaroon ako ng anak na kagaya mo!!!" Dali dali akong bumalik sa loob ng kwarto at inayos lahat ng gamit ko na dadalhin sa paglalayas. Bahala na kung saan ako mapadpad. Madami naman akong kaibigan. Basta kailangan ko munang makaalis sa poder ng mga magulang ko. Saka ko na iisipin kung anong susunod kong gagawin. I need to rest my mind.
"Sir Jan! Sir Jan!" Nagulat ako sa sunod sunod na pagkatok ng katulong namin sa kwarto ko.
"Bakit Esmeralda?"
"Sir Jan, ang mommy mo isinugod sa Hospital, nadinig kasi niya kanina ang pagtatalo niyo ng daddy mo tapos tinanong niya si Sir kung ano ang pinagtatalunan niyo nung pumasok ka na dito sa kwarto mo, idinetalye niya ang lahat kay Mam kaya na shocked siya at hayun bigla na lang siyang hinimatay, tumama ang ulo niyo sa sahig dahil hindi agad siya nasalo ni Sir at nawalan ng malay." Dali dali kong iniwan ang ginagawa ko at lumabas ng kwarto dire diretso sa garahe, nakita ko pang palabas ang kotse ni daddy na dina drive ni Victor, ang aming family driver. Agad akong sumakay sa kotse ko at sinundan ko ang direksyong tinatahak ng kotse ni daddy.
Pagdating sa hospital, ayaw akong palapitin ni daddy kay mommy, as usual, puro paninisi na naman ang bukambibig niya, nagmatigas lang ako na hindi ito ang oras para magsisihan at nakiusap na lang ako sa kanya na for the last time gusto ko lang makita, makausap at makapagpaalam kay mommy pag nagkamalay na ito. Lumipas ang kalahating oras nang magbalik ang malay-tao ni mommy. Thanks God. Hawak hawak ko ang kamay niya habang kinakausap ko siya.
"Mom, kumusta na ang pakiramdam mo?" Nakatitig lang siya sa mukha ko habang si daddy nasa isang sulok lang at pinapanuod kami.
"Anak, Jan Erick, mahal na mahal kita anak, mula pagkabata, ni ayaw kitang madadapuan kahit na isang pirasong lamok o langgam. Gusto ko lahat ng gusto mo masusunod. Gusto namin ng daddy mo, lahat ng marangyang bagay na pwedeng magkaroon ang isang bata, dapat mayroon ka, laruan, pagkain, damit, sapatos lahat yun. Binusog ka namin ng pagmamahal anak. Wala kaming ibang hinangad kundi ang mapabuti ka. Ang magkaroon ka ng maayos at komportableng buhay. Hindi kami kailanman naghangad ng ikasasama mo anak. Alam ko naging mabuting anak ka din sa amin..." pumapatak ang luha ni mommy habang nagsasalita siya, one of my weaknesses, seeing my mommy cry.
"Alam ko, naiintindihan ko, minahal mo na siya, na mahal mo siya. Walang akong duda doon, handa ka ngang itakwil kami bilang mga magulang mo nang wala man lang pag aaalinlangan. Anak hindi kami mapanghusgang tao anak. Hindi namin hinuhusgahan ng Daddy mo kung anumang relasyon mayroon kayo ng taong iyon, kung may nasabi mang masama ang daddy mo tungkol sa relasyon ninyo iyun ay dahil sa sobrang pagmamahal niya sa iyo at dahil gusto ka naming protektahan mula sa mapangmata, mapanghusga at malupit na mundo. Jan Erick, ikamamatay ko kung may mga taong mangmamaliit sa iyo, madudurog ang puso ko kung madidinig kong paulit ulit na inuusuig at hinuhusgahan ka ng ibang tao dahil pumatol ka sa kanya.. Kaya anak, Jan Erick, habang maaga pa, habang hindi pa ganun kalalim at katagal ang pinagsamahan ninyo. Putulin mo na ito." Tiningnan ako nang tuwid sa aking mga mata ni mommy, tila ba nagsusumamo.
"Kakayanin mo ba anak na makitang mamatay ako sa sama ng loob dahil sa pagtatanggol sa iyo laban sa mga taong kumukutya sa relasyon ninyo ni Cho? Anak, bilang ina mo, minsan ko lang gagawin ito, nakikiusap ako sa iyo, para din ito sa ikabubuti mo, ikabubuti ninyong dalawa. Please Jan Erick. Hiwalayan mo na siya!" This time, may kasama nang pagtangis ang pakiusap ni mommy. Durog na durog ang puso ko. Ang tagal kong nanahimik matapos ang pag uusap namin ni Mommy. Bigla akong naguluhan. Hayyy. Parang lalong gumulo ang sitwasyon.
Medyo okay na ang pakiramdam ni mommy pero hindi pumayag si Daddy na sa bahay namin siya iuwi kaya heto, naka convoy ako sa sasakyang maghahatid kay Mommy sa Manila, nagda drive ako nang biglang mag ring ang cellphone ko. Hindi ko na chineck kung sino.
"Hello mahal, kumusta? Good morning i love you! Nag almusal ka na ba?"
"Ah eh, bhe, hindi pa eh, I need to leave early, may emergency kasi, nasa biyahe na ako ngayon on the way to Manila. Sorry hindi ko nasabi sa yo. Tawagan na lang kita later ha. Nag da drive kasi ako. I love you bhe. Lagi mo tatandaan yan! Bye!"
" Mahal teka anong emer---"
Hindi ko na pinatapos ang pagtatanong ni Cho. Hayyy. Pakiramdam ko naiipit ako sa dalawang nag uumpugang bato. Lumilipad ang isip ko habang nag da drive. Ayaw kong iwan si Cho ayaw ko ding pasamain ang loob ni Mommy.
Ano kayang gagawin ko?
Kawawa naman si Baby Jan mga Bhe, kung kayo ang nasa sitwasyon niya? Ano ang pipiliin niyo? Pagibig mo Pamilya?
Vote. Comment. Fan. Love me. Charos. Ly all!!!
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BHE :-)
RomanceBe careful what you wish for. - yan ang sabi ng gasgas na kasabihan. E what if you did not ask for something tapos bigla itong ipinagkaloob sa iyo? Nakakatuwa siguro, pero di ba may kasabihan din na ang isang bagay na hindi mo pinaghirapan e madali...