Oh yeah. Im soooooooo very sorry for not updating for more than a year. I'm still alive po. Sorry talaga. I have decided na tapusin na itong story na ito very soon, kesa i drop ko. Sayang naman e. Anyway, kumusta po kayo? I missed you guys especially yung mga masugid kong taga-basa,kahit iilan pa lang kayo. I really appreciate your effort. Thanks for waiting. From the bottom of my heart. Really, thank you. MD.
Cho's POV
- "Hmmmm. Nasan na kaya tong dalawang toh. Katagal e? Kanina pa ako inaamag dine sa kabuteng parke, wala pa din sila."
Mukha na yata akong tanga kakakausap sa sarili ko ah. Nakakainip talaga pag may hinihintay ka. Ano na kayang nangyari sa dalawa kong friends? Miles and Jhay. Sige na nga makapag lakad lakad na nga muna.
Nakakatuwa talaga dito sa kabute parke, ang sarap mamasyal, sobrang na miss ko tong lugar na ito. Sabi nga nila, there's no place like home. Nakakapasyal din naman ako sa baywalk paminsan minsan pero iba pa din talaga dito. At isa pa andami ko din naging magandang karanasan sa lugar na ito, isa na dun yung dito ko nakilala ang lalakeng pinakamamahal ko. Woooo. Grabe. Nakakakilig. Kilig na ako nito. Promise. Bigla ko tuloy xang na miss.
Wala pa din yung dalawa kong bffs, tingnan mo nga naman oh. Dejavu ba ito? Wala pa din sila kaya napagpasyahan kong umupo muna sa mabatong part ng park na ito matapos ko makailang ikot sa buong lugar habang wala pa ang dalawa.
Habang nagmumuni muni at nagpupunas ng pawis paunti unti. Isa isa kong ihinahagis sa dagat ang maliliit na bato na nasa may paanan ko, kasabay ang mahihinang bulong ng paghiling ng mga bagay na ninanais kong makamit sa aking buhay. Ugali namin yang magkakaibigan nung maliliit pa kami,magwiwish muna bago bumato sa dagat.
Yung huling wish ko nga lang parang medyo napalakas kasi sobrang iyun talaga ang pinakagusto kong mangyari sa buhay ko kaya hindi ko napansin ang paglapit sa akin ng isang taong kanina pa pala ako pinagmamasdan matapos kong bigkasin ang aking huling kahilingan sa reyna ng dagat.
"Excuse me?! May I know your name please?!!!" Iritadong tanong sa akin ng isang medyo may edad nang lalaki na hindi ko kilala. Mahitsura siya, makinis ang balat, maputi at matikas pa din ang postura kahit na halatang napaglipasan na ng kabataan niya.
"Excuse me din po sir? But why will I tell you my name? Do you mind being polite by introducing yourself to me first before asking for anything?" Napa english tuloy ang lola mo.
"Oh okay. My name is ... We wait wait. No. I'm the father of Jan Erick Ystilo. I just want to confirm kung ikaw yung baklang lumason sa utak ng anak ko? You look exactly the same like that fag,the one who's kissing my son in the picture." Muntik na akong himatayin. Katangahan ko talaga. Oo nga kamukhang kamukha xa ni Jan. Older version nga lang. Shit. Bigla akong namutla sa tanong ng daddy niya.
"Ano?!!!! Ikaw nga di ba? Ikaw nga si Cho Medina?!!! Ikaw ang baklang kasintahan ng anak ko?!!!!" Medyo nakukuha na namin ang atensyon ng ilang namamasyal sa park dahil sa intensity ng boses ni Mr.Ystilo. Nakadagdag pa sa curiosity ng mga chismosa ng Limay ang pag grab niya sa harapan ng aking damit at paghila sa akin palapit sa kanya habang nagsasalita. Halos mabingi na ako. Hindi ko na alam ang magiging reaction ko. Naunahan na ako ng takot at kaba kaya parang hindi ko na halos maunawaan ang mga sinasabi niya. Basta ang alam ko lang. Yari ako ngayon. Patay ako.
Naramdaman ko na lamang ang paglagapak ng isang malaki at mabigat na palad sa aking mukha. Sinampal niya ako at sinundan pa ng isang suntok sa mukha, agad kong nalasahan ang malansa kong dugo mula sa aking pumutok na labi.
"Hayup kang bakla ka!!!! Papatayin kita pag hindi mo nilubayan ang anak ko!!!!! Isa kang salot sa lipunan! Dapat sa iyo, sinisilid sa drum at nililibing ng buhay!!!" Ang galit na galit niyang turan sa akin. Hindi pa nasiyahan ang daddy ni Jan, hinila niya ulit ako patayo at inilapit ang mukha niya sa mukha ko kasabay ng isang mariing pagbabanta.
"Hinding hindi ako mangingiming patayin ka pag hindi mo nilubayan ang anak ko bakla! Hindi ko pinangarap kailanman magkaroon ng manugang na bakla! Naiintindihan mo?!!!" Ang tanong niya sa akin habang sabunot ng isang kamay niya ang buhok ko. Wala na akong naisagot kundi tango na lang at ang paghikbi at pagsabog ng mga luha ko.
Ibinalya niya ako sa sementong kinasasadlakan ko bago binigyan pa muli ako ng isang malakas na sipa sa likod bago siya tuluyang umalis. Naiwan akong nakalugmok sa semento, duguan ang mukha, masakit ang likod, puno ng luha at kahihiyan. Kanina lang ang ganda ng mga pangarap na binigkas ko sa inang reyna ng dagat, ngayon heto na, sinalubong agad ako ng katotohanan at ginising agad ako sa aking kahibangan.
Hindi ko na masyadong namalayan ang bulung bulungan ng mga taong nakapaligid sa akin ng mga oras na iyun. Bakit ganun? Parang wala man lang gustong tumulong sa akin? Parang nandito lang talaga sila para makiusyoso. Saka ko lang naisip na oo nga pala. Siguro ayaw lang nila madamay kasi nga isa sa pinakamayamang pamilya ang kina Jan kaya ganun. Lalo akong naiyak nang maisip ko iyon. Oo nga pala. Sino nga naman pala ako kumpara sa pamilya nila. Isa lang akong basura. Walang tigil ang pag agos ng aking luha dala ng kirot ng damdamin at sakit ng katawan. Nanatili ako sa ganung kalagayan hanggang sa nadinig ko ang pamilyar na boses nina Miles at Jhay.
"MEEEEEERS!!!!!! Anong nangyariiiiiii????!!!!!" Koro pa sila.
Hayyyyy. Kawawang Cho. Ano kayang mangyayari sa kanya? Sino kaya ang pipiliin ni Papa Jan? Pamilya o Pagibig? Find out on my next updates :-)
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BHE :-)
RomanceBe careful what you wish for. - yan ang sabi ng gasgas na kasabihan. E what if you did not ask for something tapos bigla itong ipinagkaloob sa iyo? Nakakatuwa siguro, pero di ba may kasabihan din na ang isang bagay na hindi mo pinaghirapan e madali...