Already solved some of last month's dillemas, then heto na naman. Sabagay, we live nga daw by how we surpass these problems. Paapekto, talo ;-(
Cho's POV
I'm riding the Bataan Transit bus with my Merzes Jhay and Kilometers on our way obviously to Bataan right now. Nag leave ako from work. Namimiss ko na kasi ang nanay ko. Grabe, nito ko lang naalala may family pa nga pala ako. Kauwian na din ni Merz Kilometers, she's working at Manulife Business Processing Office as a Team Supervisor in Quezon City kaya sa Norte na lang kami nagkita kita kanina.
Ganun na kalala ang epekto sa kin ng mga nangyari and I don't feel good about it. In the first place, my family is still the primary reason why I decided to stay there tapos halos kalimutan ko na sila.
Babawi na lang ako sa kanila, I bought and brought the many pasalubongs. I have here the hopiang baboy favorite kasi ni Mama yun tapos namili din ako ng sangkaterbang laruan and everything for my siblings and pamangkins. Bute na lang napansin ko kaagad kasi uumpisahan na sanang lantakan ni Jhay ang hopia. "Hoy! Baka malason ka nyan bakla! Wag mo kainin ang kapwa mo baboy! Heto ang munggo!"
Naging maayos naman ang pag uusap namin ni Jan that day except that he was not able to convince me na magiging okay lang ang lahat once his dad finds out about us. I know it will not. Ano ako tanga? Bingi? hayst. And that's what makes me feel uneasy about our relationship. Galing si Jan sa buena familia. Of course, what do you expect from his family? I'm expecting the worst na and already preparing myself...
Siguro isang reason din yung makapag pahinga ako sa pag-iisip about the two of us kaya pauwi ako ngayon.
But I don't think it would be possible for me not to think about him, us, and our moments together. Ngayon pa lang parang gusto ko nang makita ang mahal ko. Kitang kita ko ang lungkot sa mata niya nung nagpaalam ako na uuwi muna. Hindi pa daw kami magsabay kasi two weeks pa bago siya umuwi. He still has lots of works to be done.
Bigla pang pinatugtog ang Truly Madly Deeply ng Savage Garden sa radyo. Nalintikian na. Nananadya yata ang pagkakataon. Pag ako nainis, tatalon ako sa bus e. Bakit ba kasi sira ang dvd player ng bus na to? Hmp!
Nakatulog ako sa biyahe, paggising ko may naramdaman akong basa sa damit ko. Oh my God!!! Nakasandal sa kin si Jhay habang natutulog at umaagos ang laway sa manggas ng shirt ko. effing bits!
"Bakla ka! Anong kababuyan na naman ito? Paki explain!!!" pagyugyog ko sa kanya hanggang magising.
Pagdating ko sa bahay, sinalubong agad ako ng sangkaterbang nag aabang ng pasalubong. Nanjan sina Enirdle and my whole neighborhood dabarkads. Wow sweet ha. Na miss nila ako. After ko makipag rubbing elbows with my family and friends, diretso na ako sa kwarto at nahiga kaagad. Walang kapantay ang pagod ng isip at katawan ko ng mga oras na yun. Panay kasi ang takbo ni Jan sa isip at puso ko. Napagod tuloy ako. Iniisip niya rin kaya ako? oy lander vera perez! Echos.
Matutulog muna ako ng sagad at wagas. Hayyy. Namiss ko ito. Bukas papasyal kami nila Merz sa paborito naming kabute parke. Kung saan ko unang na meet si... Oh bosyit. Siya na naman. Pahinga nga e! Pahinga di ba? Speak of the devil at heto tumatawag sa phone ko. Hmp. Magtutulug tulugan muna ako. Saka na lang kami mag usap. Night!
Hmmm. Lame chapter isn't it? hehe. Sorry guys. Bawi ako sa next. Naooverpower ako ng personal problems ko e. I'll do better on my next updates promise =c,")=
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BHE :-)
RomanceBe careful what you wish for. - yan ang sabi ng gasgas na kasabihan. E what if you did not ask for something tapos bigla itong ipinagkaloob sa iyo? Nakakatuwa siguro, pero di ba may kasabihan din na ang isang bagay na hindi mo pinaghirapan e madali...