COMMITMENT. There is a big difference between commitment and just merely having interest towards something. Dahil sa nabasa kong iyan, na boost aking morale ngayong gabi para sikaping mag update at tapusin na itong story para maka focus naman ako sa work. Hehehe. Lapit na mga Bhe, konting shembot na lang.
Cho's POV
Kabababa ko lang ng bus na sinakyan ko from Bataan paluwas, medyo inaantok pa ako habang nagbibiyahe papuntang office, ang aga ko kasi nagising, sabay kami ni Merz Miles lumuwas, nauna lang siyang bumaba sa akin, as usual sa Norte at in fairness, kabog sa dami ang dala kong gamit, di na ko umuwi sa apartment, diretso na ako sa office para di na ako masyadong tanghaliin, dun ko na lang maitambak tong mga dala ko habang nasa work ako later part.
Pagpasok ko pa lang sa entrance, sinalubong agad ako ni Manong Guard at kinuha ang mga bitbit ko.
"Ah Sir ay este Mam Cho, di niyo pa po ba alam?!" Napakunot ang noo ko dala ng pagtataka."Ang alin Manong?"
"Ahh ahh ehh, sige si Sir Emjhay na lang po ang tanungin niyo." Ano daw? Dineadma ko na lang si Manong Guard. Ang ayaw ko sa lahat ay yung bibigyan ka ng hint tapos hindi naman sasabihin sa yo yung Main Chika. Whatever Manong Guard.
Nang makarating ako sa pwesto ko, ibinaba lang ni Manong Guard sa isang tabi ang mga gamit ko, nagpasalamat ako at umalis na agad siya. Maya maya, namataan kong palapit sa akin si Emjhay at kasama pa ang mga hayup dagat na sina Rednie at Michay. Hayyy. Ke agang kabuwisitan naman nito. Bigla kong naalala si Manong Guard. Ano kaya yung sibasabi niyang itanong ko daw kay Emjhay? Baka kaya ako lalapitan ng mga mokang na ito ah. Baka may kinalaman yun dun. Lets see.
"Good Morning My dear friend Cho, How's your Vacation Grande?" Tinaasan ko ng kilay ang ambisyosang bakla.
"Masaya, but as far as I remember, we're not friends anymore."
"Ahh. I don't mind, former friends, enemies, rivals, whatsoever. Tatanungin muna kita. Maganda ba ang gising mo kaninang umaga? Maganda ba ang foresight mo sa araw na ito?!!!"
"Ay Oo sana gayrls, sobrang ganda na sana, kaso nung nakita ko na ang mga pagmumukha niyo, biglang parang gustong magdilim ng paningin ko. Sirang sira agad ang araw ko so kung anuman ang walang kwentang sasabihin mo kaya pwede pakiumpisahan mo na nang matapos na agad to? I heard from Manong Guard may dapat daw akong madinig sa iyo? Make it quick. Ayaw ko nang nasasayang ang oras ko sa mga walang kwentang ---- argghhh. Nevermind. Go ahead! Spill it!!!" Makita mo pa lang ang pagmumukha ng tatlong ito, wala na. Parang end of the world na. Lalo pag di ka pa nag aalmusal dapat iwasan mong makita sila dahil talagang mawawalan ka ng gana. Ang aasim ng hitsura e.
"Chillax my dear friend, wag ka naman ganyan magsalita sa akin. Don't you remember kundi dahil sa kin wala ka dito ngayon sa kumpanyang ito? Hayyy. Buhay nga naman. Talagang sumobra na ang tayog ng lipad mo but sabi nga nila, kung gaano kataas ang lipad, pag bumagsak, plakda at lagapak. And I would just like to inform you Cho Medina na itong hawak kong enevelope na ito ay naglalaman ng iyong Termination Letter at ang huling sahod mo sa kumpanyang ito." Tinaasan ko lang ng kilay ang malditang bakla. Ano na naman kayang pakulo ito?
"Your Contract with this Company was automatically cancelled and was considered null and void after the management recently found out na dinaya mo lang ang edad mo nung nagsimula kang magtrabaho dito. Siyempre bukod pa sa panguuto at panggagayuma mo sa boss natin na si Sir Jan Erick, well baklang mataas ang ambisyon, simula ngayong araw na ito, tapos na ang pagrereyna reynahan mo sa kumpanyang ito at gaya ng narinig mo, shonggal ka na kaya maaari mo nang hakutin ang mga gamit mo bakla at makakalayas ka na!!!!"
"Come on Emjhay, ano bang gusto mong mangyari bakit ba ginagawa mo ito? Alam naman ng Diyos, idea mo na dayain natin ang edad ko para matanggap ako dito, wag mo naman gawin sa kin to." Hinila ko si emjhay sa isang sulok at medyo pabulong lang ang pagsasalita ko. Ngunit nagpumiglas ang bakla at nagtatalak na naman.
"I'm sorry Cho Medina, trabaho lang at walang personalan,napag utusan lang ako ng Daddy ni Sir Jan Erick na ipamahayag sa lahat ng naririto ang mabuting balita, well, siguro not for you, kasi bad news talaga ito sa yo. Nagkamali ka ng kinalaban girl, ayaw sa yo ng Daddy ni Sir Jan Erick, kaya nga di ba napagbuhatan ka niya ng kamay dahil nilandi mo nang bonggang bongga ang unico hijo ng Familia Ystilo? At alam mo bang sa ginawa mong pandaraya, pwede ka nilang kasuhan? Kaya lang mabait pa din ang Daddy ni Sir Jan Erick, instead na gawin iyon, pinaalis ka na lang at binigay pa ang huling sweldo mo. And as for Sir Jan Erick, ewan ko lang ha kung totoo ang bulung bulungan, nagkaroon daw ng heart to heart talk ang mommy niya at si Sir Jan Erick yesterday at parang na realise na ni Sir Jan na isang malaking kalokohan ang pagpatol sa iyo Cho Medina. Even his mom was disgusted nang malaman na may relasyon kayo. So she convinced him na hiwalayan ka, kaya later on, na nag decide na si Sir Jan Erick na iwasan ka. Ay sorry, medyo napanagunahan ko but anyway mas okay na din yun na malaman mo habang maaga para hindi ka na hopia. Baklang hopia. Hahahaha!!!" Namimilog ang mga mata ng mga tao sa loob ng opisina nang mga oras na iyon dala ng hitik na hitik sa impormasyong dala ng makating dila na si Emjhay.
"Tigilan mo na ito Emjhay, alam ko ginagawa mo lang ito upang ipahiya ako. Wala kaming problema ni Jan at kahit nangyari ang bagay na yon sa pagitan namin ng daddy niya, nangako siya sa akin na ipaglalaban niya ako!!!" Mangiyak ngiyak na ako. Hindi ko na tiyak sa mga oras na iyon kung naniniwala pa ako sa sinasabi ko.
"Bakla naman!!! Cho! Promises are made to be broken! At confirmed! Isa ka ngang malaking Hopia! As in walking Hopia!!! Walang forever! Tayo nga former friends e. So wala talagang forever promise! And as proof of purchase! Isaksak mo sa baga mo itong termination letter at iyang cash bilang huling sweldo mo! Nga pala, pinapasabi ni Mr.Ystilo, cancelled na din ang payroll account mo!!! Lets go girls, ayaw ko nang mag aksaya ng oras sa Baklang Hopia na ito! O panu? Jan ka na! Baboo! PS: pakilinis 101% lahat ng kalat mo dahil may ookupa na mamaya sa pwesto mo! Bye fungi!!!" After ko mabasa ang Letter of Termination, dun lang ang sink in sa akin ang lahat. Hindi ko iniinda ang sakit ng pangungutya ni Emjhay at ang mapanghusgang tingin, ngisihan at tawanan patungkol sa akin ng mga tao sa loob ng lugar na iyon. Mas lamang ang sakit na dulot ng mga sinabi ni Emjhay tungkol kay Jan, isa pa yung tungkol sa pag uusap daw ni Jan at ng Mommy niya.
Gulong gulo ang utak ko. Kailangan kong makausap si Jan. Maaaring totoong pinalayas ako dito ng daddy niya pero hindi naman siguro gagawin ni Jan na iwan na lang ako basta. May sumpaan kami. Nangako ako sa kanya, nangako siya sa akin. Kahit may kaba, buo ang loob na lumabas ako sa lugar na iyon dala ang lahat ng aking mga gamit. Babalik muna ako sa apartment at saka ko tatawagan si Jan para malinawan ko ang lahat lahat. Mangiyak ngiyak ako habang pababa ng building na iyon. Mamimiss ko din ang lugar na ito. Napamahal na din sa akin ang trabaho ko. Ngayon sa isang iglap biglang mawawala na parang bula, pero kaya kong tiisin iyon. Wag lang ang isang taong pinakamahalaga sa buhay ko ngayon ang mawawala. Hindi ko kakayanin pag iniwan ako ni Jan.
Hayyy. Bebe Cho. Kawawa naman ang bida natin. Ang sarap sabunutan ni Emjhay ano? Ano kayang mangyayari kina Jan at Cho? Nasaan na kaya si Jan? Stay in touch mga kabaranggay! Konteng push na lang at malapit na nating marating ang sukdulan...
Vote. Fan. Comment.
Memel Delmo Styles - fb
@memelme1622 - twitter and ig.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU BHE :-)
RomanceBe careful what you wish for. - yan ang sabi ng gasgas na kasabihan. E what if you did not ask for something tapos bigla itong ipinagkaloob sa iyo? Nakakatuwa siguro, pero di ba may kasabihan din na ang isang bagay na hindi mo pinaghirapan e madali...