ILYBHE :-) part 11

29 1 0
                                    

Mission partly accomplished.

Pero okay na din. This is regarding my job. Dapat pala kahit sigurado ka na sa isang bagay. Hindi mo pa din ito dapat sobrang ianticipate cuz if it doesn't turn out how you expected it, then, madidisappoint ka talaga :-( though I'm still happy that I still have something good. Ahhh. sorry guys. Nadadala lang ng emosyon.

By the way, back to the story tayo.

I honestly want to tell you that I just really write randomly. basta kung ano ang pumasok sa isip ko. yun na yun.

Naiimagine niyo ba kung sino ang kamukha ni Jan Erick? ako oo. Pinaghalo halo ko yung mukha nung tatlo kong crushes. haha.Sorry. Adrenalin rush ko e very high pa. Ok story update na ulit. enjoy!

Jan Erick's POV

Ginawa ko ba talaga yung mga bagay na yun? Ganun ko na ba talaga siya kagusto? Actually, naguguluhan pa din ako. Di ko pa din sure kung talagang mahal ko na talaga siya. Hindi ako bading. Di ba sabi nila pag pumatol ka sa bading, bading ka n rin? Im not like that. Im sure about it. Pero Im sure din na gusto ko si Cho. Gustong gusto at ayaw kong mawala xa sa akin, kesahodang ipagsigawan ko sa lahat na mahal ko siya(medyo guilty nga lang ako kasi di pa nga ako sure) but if that's the only way to stop his pain, the hell do i care. teka, selfish na ba ako? Sure din naman ako na hindi ko na mahal si Karen, kaya ko lang siya pinagbigyan na magkita kami e para talagang matuldukan na ang lahat sa aming dalawa. Hindi ko nga lang inakala na magiging ganun siya ka agresibo at kamalas malasan naman, nagkataon pang nandun si Cho.

"Nagsisisi ka na ba?!" naputol ang aking malalim na pag iisip sa tanong na iyon ni cho na katabi ko sa aking kotse na kasalukuyan kong minamaneho, papunta na kami ngayon sa aking condo.

"Saan naman?" painosente kong tanong sa kanya kasabay ng pagpapa-puppy eyes habang bahagya akong palinga linga sa direksyon niya upang di mawala ang focus ko sa pagda drive. Ang ganda talaga ng mata niya. Ang cute ng lips niya, di masyadong makapal, di masyadong manipis, Hugis puso ang face niya. Ang ganda din ng complexion niya, not too dark and not too light. Creamy kumbaga. Ang cute talaga ni Cho. Boyish naman ang porma niya. Mahilig xa sa skinny jeans and white rubber shoes and v-shaped shirt. He sometimes wears cap na bagay na bagay sa kanya. Ang cute ng face niya, kung mahaba ang buhok niya siguro mukha siyang babae. Madalang ko lang siya mapagmasdan. Kaya pag may chance sinusulit ko. Ano ba yan. Bading na yata talaga ako. tsk tsk.

"Bakit ganyan ka makatitig sa kin? Baka mabangga tayo!!!" nagulat na naman ako sa kanya at pareho kaming natawa. "Ang cute mo kasi mahal ko. Ang swerte ko lang kasi dumating ka sa buhay ko." biglang dumulas lang ang mga salitang iyon sa bibig ko. di ko alam kung saan galing. Kitang kita ko na nag blush siya. Shiiiit. Something inside my pants wanna rock and roll. Grabe. Ngayon lang ako nagka boner sa taong nagba blush. Weird.

"Ang o.a. mo naman. haha. Tayo na nga bonobola mo pa ako.Tse!" halatang halatang cover up lang ang sagot niya maybe nahiya siya na pinuri ko siya. One thing I want to change in him. Masyadong mababa ang self-esteem ni Cho when it comes to his appearance. He doesn't believe na gwapo siya kahit bading siya. He also doesn't believe in all his talents. Napakatalino niya. Siguro yun ang unang nagustuhan ko sa kanya. Name all kinds of smartness, surely he does own it. But he doesn't see the beauty in himself. And that's what I'm going to show him tonight and for the rest of our lives...

Ooops teka. Di ba hindi pa nga ako sure kung mahal ko? oo mahal ko na. teka hindi. Oo cge mahal pero hindi mahal na mahal. Mahal lang. Waaahhh. Bahala na si batman.

"Hoyyy praning! Kanina pa ako nakababa ng kotse. My God. Pagod na pagod at antok na ko. Lika na! Gabi na panay pa ang daydream mo jan. Sabihin mo lang kung nagsisisi ka na sa pagsisiwalat ng pgibig mo sa kin at naiisip mo yung babaeng kahalikan mo kanina sa beanery at nang makakuha na ako ng taxi pabalik sa The Merzes!!!"

Yan ang isa pang minahal ko sa kanya, Teka minahal? Ginusto lang!!! cge n nga minahal. Kahit napaka taray at dire diretso ang bibig nya, di ko pa din magawang mainis.

Mas natutuwa pa nga ako pag ganyan siya. Ang cute niya talaga. Maya maya bumaba na din ako mula sa driver's seat ng kotse ko at binuhat ko xa mala bagong kasal paakyat sa aking condo unit.

Nagkakawag siya at pilit nagpapababa sa aking pagkakakarga sa kanya, pinagtitinginan na kami ng mga tao. Pero deadma lang ako at para lalo silang ma shock at matahimik ang bibig ni cho, tinakpan ko iyon ng sarili kong bibig hanggang sa makarating kami sa pinto ng condo unit ko. Hirap nun ah. Ilang beses kami muntik mabuwal.

Waaah. I told yah. I'm still thinking kung may chorvahan bang magaganap or meron este wala? haha. Hulaan niyo :-)

I LOVE YOU BHE :-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon