Karugtong na pagtatala ng kaganapan sa,Blangkong Pahina.Title : TorchWritten by : Lyeoh NorahWritten Date : 04/09/20Date posted in BP :IKABINLIMANG KABANATAKashmira's POVMatapos kong humiwalay sa katawan ko ay hinigop na ako ng liwanag. Alam ko kung saan na ako patungo pero nagulat na lang ako nang biglang may humatak sa akin. Isang anghel ng dilim. Napasigaw ako sa takot."Sinusundo kita.""Ha?! P-pero —" hindi ko alam kung paano ko sasabihing ayaw ko. Alam ko ang nagawa ko. Alam ko na roon ang diretso ko. Pero ayaw ko. Natatakot ako. Ayaw kong mapunta sa impyerno."Wala ka nang magagawa. May batas ang kadiliman na iyong ginawa kung kaya, nararapat lang na mapunta sa kung saan ka dapat naroon." sabi niya."Ayaw ko! Hindi ako sasama sa 'yo!" tatakas sana pero bigla na lang niya akong sinakal."Bitawan mo siya!" narinig kong sigaw ni Zion. Nagpakawala siya ng magkakasundo na kidlat pero hindi natinag ang anghel ng dilim. Tumingin lang ito ng masama kay Zion."Hindi ko kailangang sumunod ng utos mula sa iyo.""Kung anuman ang nagawa niya wala ka pa ring karapatan na kunin siya!" sigaw ulit ni Zion.Unti-unting kumakalat ang apoy sa paligid. Pinalilibutan kami ng apoy. Alam kong ito na ang magdadala sa amin sa impyerno."Ibaba mo ako! Ayaw Kong sumama sa 'yo! Ayaw ko doon pumunta!" ibinaba niya ako at inilapag sa may tabi niya habang unti-unti kaming nilalamon ng apoy. "Zion! Tulungan mo ako! Ayaw ko pumunta do'n!"Nakikipagbuno si Zion sa apoy para makalapit sa akin.Habang si Drake naman ay nakatingin lang. "Drake! Kausapin mo siya! Parang awa mo na!" yumuko lang si Drake sa pagsusumamo ko. Ibig sabihin. Wala na siyang magagawa."Wala na akong magagawa. Hindi siya makikinig sa akin." sagot ni Drake. Pero, sinubukan pa rin niyang kausapin ang kauri niyang demonyo."Hindi ako tumatanggap ng utos sa mababang uri." sagot lang ng demonyo sa kaniya.Unti-unti nang lumiliit ang apoy. Nilalamon na kami nito."Tulungan n'yo ako! Parang ata n'yo na!""Kashmira!!!..." nakita kong nanghihina na si Zion. Inuubos ng apoy ang lakas niya. Nakaluhod na siya at nakatukod ang mga kamay sa lupa."Zion, tama na." ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan. "Tama na. Tigilan mo na.""Hindi! Hindi ako papayag! Ako na lang ang kunin mo! Wag na siya!" sigaw niya."Hindi! Wag mong sabihin 'yan! Hindi ako papayag na mapunta ka sa impyerno!" sagot ko."Wala ka pang nagagawa na naayon sa batas ng impyerno para mapunta ka roon. Pero kung makikipagkasundo ka sa akin, mapagbibigyan kita." sagot ng demonyong sundo ko."Hindi Zion! Wag mong gawin! Wag kang makinig sa kaniya!" Tumayo siya. Balak niya bang makipagkasundo? Wag mong susubukan kundi papatayin kita Zion!" sigaw ko."Matagal na akong patay." mahinahon niyang sagot sa akin. Kapag ganyan na ang tono ng boses niya, nakapagdesisyon na siya."Isa kang t*nga! T*nga ka! T*nga ka!" panay sigaw ko kahit alam kong kapag ganyan hindi na magbabago ang isip niya. "Wag mo akong bigyan ng dahilan para pagsisisihan ang lahat ng ito, Zion. Wag mong gawin." nanlulumo kong sabi."Ako rin. Pinagsisihan ko nang husto ang ginawa mong pagliligtas sa akin. Kaya ngayon nandyan ka. Dapat ako ang nandyan." Si Zion, parang iba na siya. "Natakot ako na baka mawala ka. Hinanap kita. At ngayong nakita na kita, hindi ako papayag na mapahamak ka. Ngayon pang, nakita ko na ang kahalagahan mo."Nabingi ako sa mga narinig ko sa kaniya. Gusto kong umiyak. Gusto ko siyang takbuhin. "Tama na. Sapat na sa akin ang mga sinabi mo. Yong makita mo ang kahalagahan ko, sapat na 'yon. Pakiramdam ko nakuha ko na ang kapalit na minahal kita. Kaya tama na. Ayos na ako dito, Zion. Patawarin mo ako sa lahat ng mga nagawa ko. Sa lahat ng kasalanan ko sa' yo. Ito na ang kabayaran ng lahat ng 'yon. Basta lagi mo tatandaan, mahal kita.""Kashmira!!!" sigaw na lang niya ang narinig ko.Tumilapon ako. Pagtingin ko isang higanteng espadang ginto ang nakataga sa lupa. Tumingin ako sa paligid. Pati sina Zion at Drake at tumilapon din. Gano'n din ang demonyong anghel na 'yon.Sinundan ko ng tingin kung sino ang may hawak sa espada."Ikaw!?" nagulat ako.' Yung nagbigay sa akin ng hourglass."Sa Impyerno nararapat ang babaeng 'yan!" sigaw ng demonyong anghel."Hindi pa siya nahahatulan. Huwag mong ilagay sa kamay mo ang paghatol. Ang lahat ay hahatulan, maging ikaw." nakakatakot at nakakakilabot ang kaniyang tinig. Parang napupuno nito ang buong lugar. "Bumalik ka na sa kung saan ka nararapat." utos niya sa demonyong anghel. Pagkasabi niya no'n nilamon ito ng apoy.Ibinaling niya ang tingin niya sa akin. "Halika na." kusang tumayo ang katawan ko at sumunod sa kanya."Kashmira..." tawag sa akin ni Zion.Huminto ako sa tapat niya. Pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. "Ayos na ako, Zion. Saan mo ba ako gustong mapunta?""Yong mga sinabi mo...""Kalimutan mo na." Tumuloy na ako sa paglakad. Sumunod na ako sa mabuting anghel.************Isa pang kabanata...
BINABASA MO ANG
Torch
Mystery / ThrillerSi Sheree Anne Leybis, isang rechargeable torch. Ang torch ay makikita sa puso ng isang tao, dito mo malalaman kung gaano pa kahaba ang itatagal ng kanyang buhay. At si Sheree, ay napabilang sa isang torch kung saan kapag ito namatay, muling mabub...