Ikadalawampu't Apat na Kabanata

2 1 0
                                    

Title : TorchWritten by : Lyeoh NorahWritten Date : 04 /28/20Date posted in BP :Ikadalawampu't apat na KabanataNot Edited (Sinulat lang ito ng tuloy-tuloy)Drake's POVBumuo ako kadenang gawa sa apoy na gagamitin ko kay Zion. Kailangan ko siyang maigapos. Sa tingin ko'y hindi na niya makontrol ang galit niya. Kapag tumagal pa ito baka mas lalo pang lumala. Kailangan ko na ring makapasok sa kweba para makuha si Sheree.Lumipad ako ulit papuntang kweba. Nang makatapat ko na si Zion, nakita ko siyang titipahin na naman ang hawak niyang gitara.Napaliligiran ng dagat ang bundok. Bago pa niya matipa ang gitara, pinaulanan ko ng tubig ang buong kweba. Literal na tubig galing sa dagat. Nabigla siya at tumingin sa katawan ni Sheree na nakalutang sa hangin.Kinuha ko ang sandaling iyon para maigapos ko siya sa aking kadenang apoy.Nakatapak na ako sa kweba. Hinarap ko siya at kinausap. "Nasisiraan ka na ba ng ulo?""Wala na akong ulo, para masira pa."sagot niya."Ano bang pinagsasabi mo kanina? Bakit mo sinasabing hawak ko si Sheree?! Hindi mo ba nakikitang ikaw ang kumuha sa kanya!" inihagis ko siya malapit sa kinaroroonan ni Sheree."T*nga ka ba? Tingnan mo nga siya!" sigaw niya.Lumapit ako kay Sheree at pinagmasdan ang katawan niya. Wala nga ang ispiritu niya sa katawan. "Paano ito nangyari? Sinong gumawa?""Dalawa lang naman tayo ang nagkakainteres di ba? Nakita mo na ang hawak ko, ngayon, ilabas mo siya! Alam mong hindi pa siya pwedeng mamatay! Dahil kapag namatay siya, mauulit lang uli ang lahat! At mas lalo pang magiging malala! Kaya ilabas mo na siya!" Nanggigil niyang sigaw."Kung nasa akin siya! Pupuntahan ko ba siya rito? Isa pa, hindi pa kami nagkikita ulit!" sagot ko."Pfft. Wag ako Drake. Lantad na sa akin ang mga kasinungalingan mo!"Pinalakas ko init ng apoy sa kadenang nakapulupot sa kanya. Impit ang pagsigaw niya. Nilapitan ko siya at tiningnan sa mata. "Umanib ako sa dilim, oo. Pero hindi ako tulad mo na pati pag-iisip ay pinasakop din. Malinaw ang pag-iisip ko, alam ko ang katotohanan. Baka ikaw ang nabubulagan. Hindi ako sinungaling na kagaya ng sinasabi mo, pero may kilala akong mas sinungaling pa sa iniisip mo. Kilala mo ba kung sino? Syempre, 'yong nagpapakita sa' yo."Nakita Kong nag-igting ang bagang niya sa sinabi ko.Nagawa niyang wasakin ang kadenang bumabalot sa kanya. Tinangka kong kunin ang katawan ni Sheree pero hindi ako nagtagumpay.Ginaya niya ang ginawa ko sa kanya. Ginapos niya ako ng kadena. "Tss. Walang originality." Saad ko."Di ba, mas tinatangkilik ang fake? Dahil affordable!" sagot niya."Parang ikaw?" Nainis na naman siya. Pikon talaga."Ako na ang siyang maghahanap kay Sheree. Ipadadala na kita sa impyerno." sabi niya."Hindi! Walang makakarating doon!" Sabay kaming lumingon sa bukana ng kweba. Nakatayo si Kashmira at nakaamba ang kanyang pana.Pinatamaan niya si Zion. Para siyang nagyelo dahil hindi siya makakilos."Bwisit! Talagang nagkakampihan kayong dalawa!" giit ni Zion."Hindi, Zion. Hindi natin kailangang mag-away away. Kayo na nga ang nagsabi na paulit-ulit tayong namamatay at nabubuhay sa iba't ibang panahon. Alam n'yo ba kung bakit? Para ayusin at itama ang lahat. Pero ano ang ginagawa n'yo? Lalo n'yo lang pinapalala!" tumahimik ako. Tama si Sheree."Ako ba? Hindi ako ang nag-umpisa rito!" Saad ni Zion at tiningnan ako."Para sabihin ko sa 'yo...hindi ako. Hindi ako ang nalilinlang dito!" sagot ko."Tumigil na kayong dalawa!" pigil ni Kashmira sa amin. Dahil sa galit namin sa isa't isa, umiinit na ang buong paligid. "Zion, makinig ka. Sabihin mo sa akin ang mga bumalik mong alaala." pagsusumamo ni Kashmira sa kanya."Tss. Bakit? Para palitan mo ng kasinungalingan?" tugon ni Zion."Huh! T*nga talaga."bulong ko pero sinadya kong marinig ni Zion. Muling nagsalubong ang aming mga tingin."Zion, sinadya kong burahin ang mga alaala mo hindi para itago sa 'yo ang katotohanan. Kundi para iligtas ka. Dahil alam kong ngayon, ikaw ang pupuntiryahinng diablo."Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Kashmira. Kahit wala naman akong pakialam sa buhay nilang dalawa. Pero kung may utak nga si Zion, makikinig siya."Kagaya ng pagtatago mo sa kung paano ako namatay! " untag ni Zion sa kanya."Ginawa ko 'yon dahil mahal kita."mahina ang pagkakasabi ni Kashmira.Gumapang akong parang uod papalapit kay Sheree. Gusto kong lumayo sa kanilang dalawa. Pumupunta na sa usapang pag-ibig ang topic nila. Ayaw kong marinig ang, corny.Kashmira's POVYumuko ako. Ayaw kong tingnan mukha ni Zion. Kasalanan ko naman talaga ang lahat kung bakit nangyari sa kanya ito. Sa kagustuhan kong wag siyang mapahamak, lalo pa itong nangyari."Sa tingin mo, maniniwala ako?" Tumingin ako sa kaniya nang marinig ko ang sinabi niya. "Kada buhay ko, Sheree, lagi kang nagsisinungaling. Hindi ko alam kung Kailan ka nagsasabi ng totoo. O kung magsasabi ka pa nga.""Isipin mo na lang kung paano tayo nagsimula.Hugutin mo ang mga alaala natin buhat sa pasimula. Kahit Kailan, ang gusto ko lang ay mailigtas ka."Inihanda ko ang para ko. Kailangan ko siyang patamaan para maihatid ko sa kaniya ang mga alaalang dapat niyang maalala. Itinapat ko ito sa kanya. "Zion, kung ito ang magpapabalik sa 'yo. Kailangan mo itong tanggapin." Itinira ko ito ng ubod lakas.Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nag-aapoy ang buong katawan ni Zion. "Hindi ko kailangan ang pana mo."Nakawala siya. Tinunaw niya ang tira ko. "Kung ako sa' yo. Tatakbo na ako habang may pagkakataon pa!"Nakaramdam ako ng takot kay Zion. Hindi na siya ang Zion na kilala ko."Tayo na! Hindi na siya 'yan." sabi ni Drake. Nakawala na rin siya. Nakuha niya na si Sheree. "Umalis na tayo!" natauhan ako nang sigawan niya ako.Mabilis naming nilisan ang kweba.Nang nasa may kalayuan na kami, nilingon namin ang bundok. "Ano'ng nangyayari?" tanong ko.Naging aktibo ang apoy sa bundok. Hindi talaga ito isang bundok, kundi isang natutulog na bulkan. Dahil sa paggamit nila ng kapangyarihan na mula sa apoy, gumising ang natutulog na bulkan."Drake...kailangang mapigilan natin ang galit ni Zion. Maraming tao ang mamamatay kapag sumabog ang bulkan."Tiningnan ko si Drake na inilalapag sa lupa ang katawan ni Sheree. Pagkatapos ay tumahimik siya. "Ano'ng iniisip mo?""Kinukontak ko si Yaya para kunin ang katawan ni Sheree." sagot niya."Isa pa sa problema natin ito. Nasaan ang ispiritu niya? Kailangan natin siyang hanapin. Hindi tayo magtatagumpay kung wala siya."Nagkatinginan kaming dalawa. Isa lang ang p'wedeng sagot.Maaaring hawak ng diablo ang ispiritu si Arie.Drake's POVBiglang dumilim ang paligid kalangitan kung sa buhay na tao ang iisipin nila ay dahil ito sa usok na ibinubuga ng bulkan. Pero sa katulad namin, hindi ito gan'on. Madilim ang paligid dahil binabalot ito ng masamang aura. Mabigat na ang pakiramdam ko."Natatakot ako." narinig kong sabi ni Kashmira.Hindi ko siya masisisi. Kahit ako, napakarami din ako ng takot. Hindi ko alam kung paano pipigilan si Zion. Sa sitwasyong ito, hindi na siya nag-iisip."Kashmira lumayo ka na! Dalahin mo na si Sheree sa ligtas na lugar." Utos ko."Paano ka?""Kailangan ko siyang pigilan." sagot ko."Hayaan mo na lang kaya siya Drake. Hindi mo siya pwedeng kalabanin. Pag nangyari yon, matutupad ang ninanais ng mga diablo.""Alam ko. Kaya nga habang may pagkakataon pa, hanapin mo si Sheree. Kailangan mong makita siya." Tiningnan ko siya. Litung-lito ang isip niya. "Umalis ka na Kashmira!" Kumilos siya matapos kong sigawan.Ibinalik ko ang tingin ko kay Drake. Nakalabas na siya ng kweba. Lumulutang sa hangin ang nag-aapoy niyang katawan.Iniuunat niya ang kaniyang kamay at sa bawat pag-unat ay biglang nagkakaapoy sa lugar na tinatapatan nito.Nabablangko ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ko siya pipigilan."Kung hindi mo siya kayang pigilan...bakit hindi mo na lang kaya siya sabayan?" biglang may tinig na nagsalita malapit sa akin. Nilingon ko ito—isang diablo."Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito!" sigaw ko at sinunggaban ko siya. Inatake ko siya ng suntok pero tinawanan niya lang."Hindi naman tayo mga tao. Sinasabi ko lang naman sa iyo ang nasa isip ko ay makakatulong."saad niya."Kung hindi kayo nakikialam, hindi mangyayari ito!" sigaw ko."Siguro nga. Pero kasi, masaya lang makita ang mga katulad ninyong nag-aaway sa walang kuwentang bagay. Hindi ba?"Tinira ko siya ng apoy ko pero sinangga niya lang."Nasaan si Sheree? Ilabas mo siya!" sigaw ko ulit sa kaniya."Hindi ko alam." walang pag-aalinlangan ang pagsagot niya."Sinungaling!" sigaw ko. Inatake ko ulit siya ng apoy. Mas marami at mas malalaki."Yan naman talaga ang tingin ng lahat sa amin. Bakit ka pa nagtatanong kung hindi ka rin naman maniniwala? Wag mo sa akin ubusin ang lakas mo." Tigilan ko na ang pag-atake ko sa kaniya. Tama siya. Hindi rin naman ako mananalo sa kaniya. "Kaya nga pala ako naparito ay para sabihing, ang tulong ko sa iyo ay...tinatapos ko na." Natulala ako sa huli niyang sinabi."Ano'ng ibig mong sabihin?""Ayaw ko sa mahinang nilalang. Gusto ko 'yung kagaya niya." Itinuro niya si Zion. "Tingnan mo siya, ginagawa na niyang munting impyerno ang mundo."Tiningnan ko ang paligid. Dumadami na ang tinutupok ng apoy."H*yup ka!..." Sigaw ko. Muli ay tinangka ko siyang paulanan ng apoy. Wala na. Wala na akong ganoong kapangyarihan."Sige. Maiwan na kita." Saad niya at bigla na lang siyang naglaho.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Matutuwa ba ako dahil wala na ako sa sumpa ng diablo o hindi ako dapat matuwa, dahil wala na akong ipantatapat kay Zion ngayon. Bumalik na ako sa dati. Para makakuha ako ng kapangyarihan, kailangan kong muli na mangulekta ng torch. "Bwisit!"Ito na siguro ang sinasabing, buwis ispiritu. Wala na kasing buhay na ibubuwis pa. Pinuntahan ko si Zion. "Ako ang harapin mo! Wag kang magkalat ng apoy. Lumiliwanag ang paligid! Nakikita ang kapangitan mo!" Sinigawan ko si Zion para kunin ang atensyon niya.Tumigil siya sa pagpapaulan ng apoy at hinarap ako. Lalong tumindi ang apoy sa katawan niya nang makita ako. Marahil ay naalala pa niya ang galit sa akin."Nandito ako hangal ka! Ako kaya ang puntiryahin mo!" Lumipad ako patungo sa dagat habang siya ay sumusunod at panay ang pagtira sa akin ng apoy. Dinadala ko siya sa dagat para lahat ng ititira niyang apoy ay sa dagat mapupunta.Nang nasa tapat na kami ng dagat, bigla na lang nagkabuhawi. Umangat ang tubig-dagat sa tapat niya at binalot siya nito."P-paanong...""Umalis ka na." utos ni Kashmira sa akin."Ikaw ang may gawa?""Oo. Umalis ka na at mangulekta ka ng mga torch.""Nasaan si Sheree?""Syempre, nasa ligtas na lugar. Aalis ka ba o aalis ka?" Umalis na ako bago pa niya ako tirahin ng pana niya.******Sheree's POV"Mommy... Mommy..." Paulit-ulit kong tinatawag ang Mommy ko.Sobrang takot na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakaupo ako sa madilim na lugar. Parang walang katapusan ang lugar na ito. Hindi ko makita ang hangganan. Hindi ko rin alam kung paano ako aalis dito."Mommy... Sana nandito ka. Para may karamay ako. Natatakot po ako.""Anak... Anak ko..." Nakarinig ako ng isang tinig. Malambing, mahinahon at punong-puno ng pagmamahal.Namatay si mommy nang ipinanganak niya ako. Kaya hindi ko na narinig ang boses niya."Ikaw ba ang Mommy ko?""Oo. Ako nga. Ako ang iyong ina, Arie."Tumayo ako nang marinig ko ang pangalang binaggit niya. "Hindi ako si Arie. At hindi ikaw ang Mommy ko!" sigaw ko."Hindi Arie. Ako ito. At ikaw ang anak ko." bigla na lang siyang nasa harapan ko na. "Arie, anak ko." bigla niya akong niyakap.Naramdaman ko ang lukso ng dugo na sinasabi nila. Yumakap ako nang mahigpit at umiyak sa kaniya. "Mommy...natatakot ako.""Alam ko, pero kailangan mong magpakatatag at maging matapang. Kailangan ka nila anak ko. Marami ang umaasa sa 'yo. Bumalik ka na. Huwag kang magtago. Harapin mo sila. Palagi mong tatandaan na kailan man hindi nagwawagi ang mga kampon ng dilim." Tiningnan niya ako at hinaplos ang mukha ko. "Maging matapang ka. Ang puso mong marunong magmahal ang higit na mas makapangyarihan. Ipinagmamalaki kita anak ko. Mahal na mahal kita.""Mommy..."Matapos kong marinig ang mga sinabi niya naisip ko kung gaano akong naging makasarili.Iniwan ko ang katawan ko at nagkulong ako sa loob ng salamin. Iniwan ko ang mga taong wala naman kinalaman sa sumpang taglay ko na sa akin lang umaasa.Ang sama sama ko.Pero, gusto ko na rin matapos ang lahat ng ito. Para wala ng iba pang madamay."Mommy..." Hinanap ko siya pero wala na. "Kaya ko ito, mom. Para kay daddy. At sa iba pa."Pumikit ako at inisip ko ang bahay namin. Naririnig ko na ang boses ng mga tao sa bahay na nagkukwentuhan. Narinig ko na ang boses ni yaya na abala at nagmamadali. Dumilat ako. "Yaya..." Nakalabas na ako sa salamin. Paulit-ulit kong tinatawag si yaya."Sheree?""Yaya! Naririnig mo ako?""Pero hindi kita nakikita. Patay ka na ba?"Nakaupo siya driver seat ng kotse. "Saan ka pupunta?" tanong ko."Pupuntahan ko ang katawan mo. Sinabi sa akin ni Drake kung nasaan.""Bakit? Kinuha niya ba?""Dinukot ni Zion.""Si Zion? Sige tara, puntahan natin.""Sumakay ka na sa kotse." Utos ni yaya."Gaga! Kanina pa ako nakasakay. Paandarin mo na.""Sorry naman. Di kasi kita nakikita. O sige. Arat na!"**********Juicecolored na story na ito. Paudlot udlot ang pumapasok sa utak ko. Salamat nga pala kay bebeh shade sa itinulong niyang ideas. Di pa tapos hahaha.Isang chapter na lang. Ala-una na ng umaga. Bukas naman hahaha.SA REPLY BUTTON PO KAYO MAGCOMMENT. SALAMAT

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TorchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon