Unang Kabanata

19 4 0
                                    

Author's Note :
Ang kuwentong inyong mababasa ay likha lamang ng imahinasyon ng sumulat. Anumang pagkakatulad sa mga pangalan, lugar, o pangyayari ay hindi sinasadya.

Samahan n'yo akong bigyan ng kulay at kuwento ang,

Blangkong Pahina.

Title: Torch
Written by : Lyeoh Norah
Written Date: 03/16/20
Posted Date in Facebook: 03/19/20
Date posted in Wattpad : 04/12/20
Add nyo po ako sa fb @Lyeoh Norah
May page po ako Blangkong Pahina

Unang Kabanata

Tinatahak ng sinasakyan kong kotse ang daan patungo sa mall nang maipit kami sa trapik. Nangangati na ang palad kong gumastos ng limpak-limpak na pera ngayong araw. Ganito ako kapag naiinip sa buhay. Maiinis na sana ako dahil sa tagal umandar ng mga sasakyan ngunit pagdako ng paningin ko labas ng bintana ng kotse ay nakita ko sa di kalayuan ang isang taong nagpabilis ng tibok ng puso ko nitong nakaraang araw.

Hindi na mabubura sa isipan ko ang araw kung kailan ko siya nakitang nagkakape sa isang mamahaling restawran. Buong oras ko no'n ay ginugol ko sa mga pasimple kong mga pagsulyap sa kaniya. Nakailang order ako ng kung anu-ano para lang magkaroon ako ng dahilan na magtagal sa loob ng restawran. Baka kasi paalisin ako dahil umubos ako ng limang oras doon para lang titigan siya nang palihim. Ni hindi ko man lang natikman ang mga inorder ko, nabusog ako sa magandang tanawin.

Matapos no'n, ilang araw na siyang tumakbo at nagpaikot-ikot sa isipan ko. Napagod na yata kaya nagpakitang muli sa akin ngayon.

May kung anong nag-udyok sa akin upang buksan ang pintuan ng kotse at lumabas. "Miss Sheree, saan po kayo pupunta?" habol na tanong sa akin ng drayber ko. Hindi ko siya sinagot sa halip ay tinungo ko ang kinaroroonan ng taong iyon.

Nakaupo siya sa isang upuang pandalawahang tao, sa ilalim ng isang malaking puno. Nagtitipa siya ng gitara. Huminto ako sa tapat niya pero hindi man lang niya ako tinapunan ng pansin. Katulad pa rin siya nang una ko siyang makita, walang pakialam sa paligid.

Naupo ako sa tabi niya at sinimulang kausapin siya. "Hi." umpisa ko. Seryoso siyang nagtitipa ng gitara. Alam kong naririnig niya ako hindi ko lang alam kung bakit tila 'snobber' siya. "Anong ginagawa mo dito? Bakit ka mag-isa? Masarap gawin 'yan kapag may kasama kang tropa. Wala ka no' n noh?" sunod-sunod kong tanong. Hindi pa rin niya ako pinapansin. Pinaninindigan niya ang pagka-snobber niya. O baka sadyang bingi siya? Sayang cute pa naman. "Sintunado ang gitara mo." pang-ookray ko.

Sa wakas, nakuha ko na ang atensyon niya. Bahagya siyang tumigil. "Ang sabi ng nanay ko,'don't talk to stranger." masungit niyang tugon.

Napatango ako. Inilahad ko ang kamay ko at nagpakilala."Sheree." Muli, hindi niya ako pinansin. "Suplado ka noh?"

Tinapunan niya ng tingin ang kotse kong nagsisimula nang umandar. Buti pa ang kotse ko sinulyapan niya. Magseselos na ba ako? "Iniiwan ka na ng sasakyan mo." aniya.

"Hayaan mo, may sarili naman siyang driver."

"Bakit ka pa ba bumaba?" kinakausap niya ako pero hindi niya ako magawang tingnan.

"Nakita kasi kita." salitang binitawan ko para sana ay sulyapan niya ako, pero bigo pa rin.

Tumayo na siya at tumalikod. "Nakita mo na ako. Eh di, okay ka na?" aniya at nagsimulang lumakad palayo.

"Snobber cute ungentleman!" sigaw ko sa kanya na nagpahinto sa kanya. "Ako si Sheree Anne Leybis, anak mayaman. Solong anak! Tagapagmana! Internet sensation!" Ewan ko ba kung bakit tila may sapi yata ako para isigaw ko ang mga 'yon. May kung anong nakalagay sa puso ko at bumibilis ang pintig nito kapag nakikita ko siya. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanya at tinamaan ako nang ganito.

TorchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon