Narito pa ang mga pangyayaring naitala sa,Blangkong Pahina.Title : TorchWritten by : Lyeoh NorahWritten Date : 04/09/20Date posted in BP : 04/09/20Ikalabing-apat na KabanataKashmira's POV"Sino naman 'yan?" tanong ni Drake pagdating namin sa ospital. Nakita niya ang katawan ng isang babae na nakaratay sa kama."Siya si Valeen. Ang girlfriend ni Zion." nagpakawala ako ng mapait na pagtawa. "Fiancé, to be corrected. Magkaibigan kami ni Zion mula nang mga bata pa lang kami. Pero nabago na lang bigla ang friendship namin nang dumating siya. Na-inlove si Zion sa kanya. Doon ko nalaman na inlove pala ako kay Zion matagal na. Kasi, nagkaroon ako ng kahati sa atensyon. Nabuhay ako sa selos. Nakagawa ako ng mga bagay na hindi ko akalaing kaya ko palang gawin. Nilagyan ko ng bomba ang kotse na sasakyan sana ni Valeen pero si Zion ang gumamit. Nang sumakay siya do'n hinabol ko siya para pababain. Pero pinigilan ako ni Valeen kasi akala niya nagpupumilit akong sumakay sa kotse. Kaya sa huli, tatlo kaming nadisgrasya.""Uh, talaga?" alam kong pagkagulat ang magiging reaksyon niya. "So, balak mo siyang patayin? Tsk! Papatayin lang pala bakit kailangan mo pang mabuhay ulit? Ah, papatayin mo siya...para ikaw na lang ang matirang buhay? Pero, teka. Para saan pa? Patay na naman ang Zion mo?" dami niyang kuda. Pero sabagay, kahit ako naman ang nasa sitwasyon niya baka mas marami pa akong tanong kaysa sa kanya."Bubuhayin ko siya." simpleng tugon ko.Narinig ko ang hagalpak niya ng pagtawa. "Hahaha. Iba rin!""Naniniwala ako sa reincarnation.""Oh? Ano'ng konek?" sarkastiko niyang tanong."Hindi siya p'wedeng mamatay, Drake. Hindi na siya p'wedeng makigulo pa sa susunod na buhay namin ni Zion. Kung mananatili siyang buhay kami lang ni Zion ang magkasabay na mabubuhay sa ibang panahon. Kaya hindi siya p'wedeng mamatay." humagalpak uli siya ng tawa. Tiningnan ko siya nang masama dahilan para tumigil siya."Eh, nabuhay ka nga. Eh, di kayong dalawa ang magkasabay na ipapanganak kung sakali mang tama ka na ma-reincarnate kayo. Baka kayong dalawa ang magkatuluyan niyan." saad niya habang nagpipilit ng tawa."Kaya nga nandiyan ka." biglang sumeryoso ang mukha niya. "Nagagawa mo na ang lahat di ba? Kunin mo ang torch ko at ilipat mo sa kaniya. Kailangang madagdagan ang torch niya para mabuhay na siya." Kung p'wede ko lang gamitin ang mga torch matagal ko nang ginawa. Pero hindi nagagamit ang mga torch na mula sa namatay para bumuhay. Tanging spirit na lang ang nakakagamit no'n. Pero p'wede kong ilipat ang torch ko sa kanya. At ang p'wede lang gumawa no'n ay ang mga katulad ni Drake. Dahil si Drake, binabali na niya ang rules ng langit."Haist! Ilang beses mo ba gustong patayin ang sarili mo?" tanong niya."Hanggat hindi ko pa nakukuha ang gusto ko.""Ano bang meron kay Zion?""Wala. Pero mahal ko siya." Tiningnan niya muna ako ng matagal pagkatapos ay nag-isip. "Gawin mo na, Drake!" sigaw ko."Nag-aalangan ka pa ba sa kung ano ang mangyayari sa 'yo? Ngayon pa? Sinanla mo na nga sa demonyo ang lahat di ba?" Napaatras ako nang tingnan niya ako ng masama. "Bakit Drake? Inaasahan mo pa bang mapupunta ka sa langit sa kabila ng lahat?""Ibang klase kang humingi ng tulong! Bakit may mapapala ba ako sa 'yo?""Paano kung, isa ito sa dahilan baka pagbigyan ka pa ng langit? Tinulungan mong mabuhay ang isang mamamatay na.""Sa pamamagitan ng pagpatay ulit?" sagot niya."Eh, di umaasa ka pa nga?" nilapitan ko siya para kausapin. Kailangan ko siyang mapapayag. "Kapag natapos ito, magiging totoong torch collector ako, ibibigay ko sa iyo ang kahilingan ko." Kahit na kaya niyang mangolekta ng mga torch hindi na siya p'wedeng humiling ng mabuti. Puro na lang panig sa dilim ang p'wede niyang gawin.Hinawakan niya ako sa braso nang mahigpit at saka tiningnan sa mata. Matalim at nangungusap na may pagsusumamo. "Siguraduhin mong gagawin mo dahil kung hindi ipapadala kita sa impyerno!" mariin at gigil niyang sabi.Tinanguan ko siya. Hindi ako makapaniwalang, si Drake, umaasa pang mapunta sa langit sa kabila nang pagtalikod niya.Naramdaman ko ang pagdukot niya ng torch sa akin. Napatulala lang ako. Naramdaman ko pa ang init ng luha kong pumatak sa aking pisngi.Ang pumapasok na sinag ng araw sa silid na iyon, ang huli kong naramdaman sa balat ko bago ako tuluyang pumikit.Zion's POVIlang araw na akong naghahanap kay Kashmira. Hindi ko na alam kung nasaan siya. Umaasa akong makikita ko siya ulit bago pa siya sunduin ng anghel ng dilim.Naiinis ako sa kaniya. Naiinis ako kasi minsan, hindi siya nag-iisip. Kumikilos siya na hindi man lang iniisip kung ikakapahamak niya ba ang gagawin niya.Pero mas naiinis ako sa sarili ko. Hinayaan ko siyang gawin 'yon.Isinigaw ko pang muli nang ubod lakas ang pangalan niya. Ayaw kong sumuko pero alam kong wala na akong magagawa."Kashmira?" nasambit ko ng mahina ang pangalan niya nang maramdaman ko ang mahinang awra niya sa malapit. Agad ko itong hinanap."Drake?" Nabigla ako nang makita kong karga ni Drake ang katawan ni kashmira sa kaniyang mga bisig. Mas ikinagulat ko nang makita ko ang katawan ni Kashmira. "Ano'ng nangyayari?" Lumapit ako sa kaniya at siniyasat kong mabuti kung katawan nga ni Kashmira ang dala niya."Paanong nangyari?... Bakit nasa iyo ang katawan niya?! Ano'ng balak mong gawin diyan?""Hindi ko nga rin alam. Siguro ipapakain ko na lang sa pating." nag-init ang ulo ko sa sinabi niya."Bitawan mo siya!" sigaw ko sa kanya. Alam kong may ginawa siyang masama kay kashmira. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung paanong dala niya ang katawang 'yon. Sinugod ko siya gamit ang latigong kwerdas ng gitara ko.Panay lang ang iwas niya sa pagsugod ko."Haist!" narinig kong sambit niya at pumaitaas siya. Sinundan ko siya. Panay ang hagupit ko sa kanya habang sinusundan ko siya."Bitawan mo siya sabi!" sigaw ko ulit. Nakita kong sinadya niyang bitawan ang katawan ni Kashmira."Kashmira!" sigaw ko. "Bakit mo inihulog demonyo ka!""Sinunod lang kita, di ba sabi mo bitawan ko?""Sira*lo ka!" hindi ko alam kung paano ko pupuntahan ang katawan ni Kashmira. Natataranta ako. Nakita ko kung paanong nagkasabit-sabit ang katawan niya sa sanga ng mga puno habang nalalaglag.Pupuntahan ko na sana ang katawan niya nang marinig ko ang sigaw ni Kashmira."Kashmira?"**************Sa sunod na kabanata natin ituloy.Note: salamat po sa mga nag ko-comment. Nababasa ko po, di lang talaga ako makapag reply. Sa lahat po ng nagbabasa, pa-react na lang po kung ayaw mag-comment para maramdaman ko po kayo. Salamat.
BINABASA MO ANG
Torch
Mystery / ThrillerSi Sheree Anne Leybis, isang rechargeable torch. Ang torch ay makikita sa puso ng isang tao, dito mo malalaman kung gaano pa kahaba ang itatagal ng kanyang buhay. At si Sheree, ay napabilang sa isang torch kung saan kapag ito namatay, muling mabub...