Naitala ang matinding emosyon. Nag-aalab. Dito lang yan sa,Blangkong Pahina.Title : TorchWritten by : Lyeoh NorahWritten Date : 04/12/20Date posted in BP : 04/12/20IKALABING-ANIM NA KABANATASheree's POV"Ay bwisit!"Muntik na akong matapilok nang makita ko si Zion na nakaupo sa mahabang sofa sa sala. Malayo ang tanaw niya at mukhang napakalungkot."Wala na si Kashmira." Malungkot ang tinig niya nang banggitin 'yon."Oh ngayon?" Tinapunan niya ako ng matalim na tingin nang marinig ang sinabi ko. "Matagal na naman siyang patay di ba? May pinagkaiba pa ba' yon?"Bumalik uli sa malungkot na awra ang mukha niya. Lumakad ako at huminto sa harapan niya. "Mukhang kailangan mo ng kausap? Para kang problemadong multo. Nakakatawa. Do'n tayo sa kwarto." Tiningnan niya ako nang may pagtatanong sa mukha. "Hindi maganda ang lugar na ito. No'ng huli kitang nakita at kinausap dito nilusob ako ng mga black ghost." sabi ko na lang at pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto.Pagkapasok ko sa kwarto naroon na siya nakaupo sa gilid ng kama."Ano ba ang pinaggagawa mo ng ilang araw? Mukha kasing hindi ka nangungulit. Mukhang...napakarami mong bagong kwento." Tahimik lang siya. Ilang minuto na pero hindi pa siya nagsasalita. Nanganagalahati na ang kape ko na kinuha kanina pero tahimik pa rin siya. "Uy! Ano? May balak magsalita? Kasi kung wala, may pupuntahan pa ako." Tiningnan niya ako."Siguro, kailangan ko nang mapuno ang hourglass para makahiling na ako. Para, makaalis na ako dito. Madami na kasi akong naubos na oras." Malungkot ang pagkakabitaw ng mga salitang 'yon."Si Kashmira...napapasaya ka niya?" tanong ko.Napayuko siya. "H-hindi ko alam. Kaya lang mula no'ng sandaling nalaman kong multo na ako, siya na ang lagi kong kasama. Pakiramdam ko, ang dami niyang alam."Nagpakawala ako ng ilang buntong-hininga. "Akala ko dati, marami kang alam. Napaka-astigin mo kasi. Tapos ngayon, parang sinasabi mong nakadepende ka kay Kashmira. Bakit? Ano ba siya sa 'yo?""Hindi ko alam.""Tsk. Ano bang alam mo?" Naiinis na ako sa mga sagot niya. Nakakakulo ng dugo.Bigla siyang tumayo at naramdaman ko ang galit niya. "Wala nga kasi akong alam! Hindi ko alam kung bakit ako naging multo! Paano ako namatay! Sino ang pamilya ko! Ano'ng klaseng buhay ang meron ako! Wala akong alam! Wala akong matandaan! 'Yon ang dahilan kung bakit nag-iipon ako ng torch. Para makaalala ako." sigaw niya.Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya. Hindi ko na tuloy alam ang sasabihin ko."Hindi kasi ako makatawid sa kabila kapag hindi ko nabuo ang pagkatao ko." nalungkot na naman siya. Umupo uli siya sa kama."I'm sorry. Hindi ko alam kung paano kita tutulungan." Kung mayayakap ko lang sana siya para kahit paano ay maibsan ko ang lungkot niya. "Kapag nakahiling ka ba, makokontento ka na?" tanong ko."Siguro.""Eh, di. Mag-ipon ka na ulit ng torch." sabi ko."Iniisip kita." Nabigla ako sa sinabi niya. Gusto kong ngumiti. Kasi, naiisip na niya ako."Okay lang. Ayos na ako, Zion. Kaya ko na. Kaya ko na mag-isa." Sagot ko.Ang totoo, naisip ko si Drake. Mula nang binantayan niya ako, wala ng naggulo sa akin. Parang bumalik na sa normal ang buhay ko. Unti-unti na akong nagmo-move on."Sigurado ka?" nagtataka niyang tanong."Oo. Kailangan kong maging matapang. Alam ko naman na walang ibang makakatulong sa akin kundi sarili ko lang din. Ayaw ko naman na iasa na lang sa iba. Saka, gusto ko komunsulta sa isang psychic. Kung nagbukas ang third eye ko, dapat ko itong ipasara."Tiningnan niya ako na may pag-aalala. "Mukhang delikado ang binabalak mo. Sasamahan kita.""Wag na. Okay lang ako. Saka...nandyan na naman si Drake."Biglang tumalim ang tingin niya nang banggitin ko ang pangalan ni Drake."Si Drake? Anong kinalaman niya dito?" tanong niya."K-kasi, nangako siya na babantayan niya ako." paliwanag ko."Ano? Naniwala ka naman? Sa 100 na sinabi niya, 101 ang hindi totoo. Bakit ka nagpaloko?" Tumataas na naman ang boses niya. Hindi ko alam kung galit o nag-aalala."Bakit? Hindi pa naman siya nagsinungaling sa akin. Saka, hindi pa siya pumapalya sa pangako niya. Kahit wala siya sa tabi ko, pakiramdam ko nandyan lang siya. Saka hindi na ako inaatake ng mga demons.""Dahil demons siya, Sheree! Nakipagkasundo na siya sa demons! Walang umaatake sa 'yo kasi hawak niya ang mga demons!" Nabigla ako sa mga sinabi niya. Para akong mamawalan ng malay."H-hindi naman siguro." Gusto ko pa ring paniwalaan ang mga ipinakitang kabaitan ni Drake sa akin."Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag nang makita kong dala niya ang katawan ni kashmira. Iniisip ko kung paano niya 'yon nakuha. Iniisip ko kung baka may kinalaman siya sa pagkamatay ni kashmira! Wala siyang ibinibigay na sagot sa lahat ng tanong ko. Hindi rin ako kasinlakas niya kaya hindi ko alam kung paano ko siya lalabanan.""Kakausapin ko siya.""Para ano? Para bulagin ka lang sa mga paliwanag niya!" galit niyang sigaw."Bakit Zion, kung nahuhusgahan mo siya agad base sa mga nakita MO lang, pwes ako hindi! Gusto ko siyang tanungin para malaman ko ang lahat. Alam ko, may part sa kaniya na nagsasabi ng totoo." Hindi ko alam kung bakit ipinagtatanggol ko Drake kay Zion. Pero, nararamdaman kong mabuti siyang nilalang."Tapos, babalik kang ako ang nagsinungaling? Sige, pabilugin mo ang ulo mo sa kanya! Sabagay, nagdesisyon ka na nga pala. Siya na nga pala ang bantay mo!" sigaw niya ulit."Oo! Oo Zion. Pinili ko siyang magbantay sa akin. Kasi alam kong hindi niya ako iiwan. Hindi kagaya mo na alam kong isang araw, aalis ka. Isang hiling lang naman ang inaantay mo di ba? Pagkatapos ano? Aalis ka na. Kahit ayaw mo pa, kailangan mong umalis. Maiiwan akong nag-iisa. Sa tingin mo, kanino ako aasa? May kasiguruhan ba ako sa 'yo? Si Drake...alam mo bang, hindi na siya makakaalis dito sa mundo? Para siyang nakasumpa dito dahil sa kahilingan niyang manatili lang dito. Dahil do'n, naisip kong hanggat nariyan siya, magiging ligtas ako!eh, ikaw? Pag wala ka na? Paano ako, Zion? Paano na ako?" Hindi ko alam na tumutulo na pala ang mga luha ko. Naghalo ang takot ko para sa sarili ko. Takot na, kapag mawala na si Zion, wala ng magmamasalakit sa akin. Oo, nandiyan nga si Drake. Pero, nagdadalawang-isip na ako nang marinig ko ang lahat ng sinabi ni Zion, dapat pa ba akong magtiwala sa kaniya?Napaluhod na ako sa tabi ng kama ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa kama at saka ko ibinuhos ang pag-iyak ko.Naramdaman ko ang paghawak niya nang mahigpit sa kamay ko. "Bakit ka pumayag na magkaroon nito!" Si Zion, kitang - kita ko ang galit sa mga mata niya nang makita niya ang sout kong singsing. "Alam mo bang katibayan ito ng sumpaan na kahit patay ka na, magiging alipin ka pa rin ng sumumpa sa 'yo?"Lalong nanuot ang takot sa akin. Hindi na ako makapagsalita. Ganoon ba, kasama si Drake? "Wag mo akong takutin, Zion!""Hindi kita tinatakot!""Takot na takot na ako." umiyak na ako nang umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "Kaya wag mo na akong takutin pa!""Kailangan ko siyang makita." sabi niya."Ano'ng gagawin ko? Ano na ang gagawin ko, Zion?" umiiyak kong sabi tanong bago siya umalis."Maghanap ka na ng sinasabi mong psychic."********Word count reached. Next page,
BINABASA MO ANG
Torch
Mystery / ThrillerSi Sheree Anne Leybis, isang rechargeable torch. Ang torch ay makikita sa puso ng isang tao, dito mo malalaman kung gaano pa kahaba ang itatagal ng kanyang buhay. At si Sheree, ay napabilang sa isang torch kung saan kapag ito namatay, muling mabub...