Title : TorchAuthor : Lyeoh NorahWritten Date : 04/20/20Date posted in BP : 04/20/20Ikadalawampu't Dalawang KabanataKashmira's POV"Ano'ng nangyari?" Tanong ni Drake sa akin. Naabutan niya akong nanghihina dahil tumilapon ako kanina."Hindi ko rin alam. Palagay ko, unti-unti nang lumalabas ang kapangyarihan ni Sheree." sagot ko habang itinatayo ko ang sarili ko."Bakit?" Tanong niya ulit. Itinuro ko ang nawasak na garden nila. "Ano'ng nangyari dyan?""Siya ang may gawa niyan.""Nasaan siya?""Malamang nasa loob ng bahay nila." Pagkasabi ko no'n bigla na lang siyang tumakbong papasok sa loob ng bahay nila Sheree.Sinundan ko na rin siya. Pagdating namin sa loob ng bahay nagkakagulo ang mga katulong dahil sa nawasak na garden. Hinanap namin si Sheree. Pinuntahan namin siya sa kwarto. Naabutan namin ang magulong silid. Nagkalat ang mga gamit niya. Nabasag din ang mga display."Ano'ng nangyari dito?" Tanong ni Drake."Hindi ko rin alam." sagot ko.Biglang lumabas ang yaya niya galing sa banyo habang sinisigaw ang pangalan ni Sheree. Umiiyak siyang tumakbo palabas ng silid. Sinundan namin siya. Sinalubong siya ng iba pang katulong."Ano'ng nangyari? Nasaan si Miss Sheree?" Iisa lang ang tanong ng lahat sa kanya. Maging kami ay iyon din ang gusto naming itanong."Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi n'yo ba nakitang lumabas?" sagot ng yaya niya."Hindi. Di ba kanina sinundan mo siya sa kwarto niya? Galing kayo sa garden pagkatapos ng pagsabog." Sabi ng isa sa mga katulong."Tatawag na ba ako kay Mr. Leybis?" sabat ng isa sa mga bodyguards ng pamilya.Aligaga ang yaya ni Sheree. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa lahat. Natataranta na rin ako kaya napasigaw na ako. "Nasaan siya sabihin mo na!"Natigilan siya nang marinig ako. "Naririnig ka niya?" Tanong ni Drake."Oo,""Kailan pa?""Kanina lang.""Linisin n'yo na lang ang mga kalat. Susundan ko siya. Hintayin n'yo ang tawag ko." Utos ng yaya sa mga tao sa bahay. Pagkatapos ay nagmamadali siyang lumabas at tinungo ang garahe. Sumakay siya sa kotse. Sumakay rin kami ni Drake sa loob."Nasaan si Sheree? Saan siya nagpunta?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. "Alam kong naririnig mo ako! Yaya! Nasaan siya?" Sigaw ko.Humarap siya sa kinaroroonan namin ni Drake. Alam niyang nakaupo kami sa passenger's seat dahil naririnig niya kami. "Wala siya. At hindi ko alam kung nasaan siya." Pagkasabi niya no'n pinaandar na niya ang kotse."Saan tayo pupunta?" Nagtanong na rin si Drake. Malamang nag-aalala na siya.Biglang inihinto ni Yaya ang kotse. Isinubsob niya ang mukha sa manibela at saka umiyak nang umiyak. "Hindi ko alam! Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin!""Ano ba ang nangyari? Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari! Para malaman ko kung nasaan siya!" Nakataas na ang boses ni Drake.Humarap uli siya sa kinaroroonan namin at nagsalita. "Sino ba kayo? Baka isa kayo sa mga nananakit sa alaga ko! Paano ako magtitiwala sa inyo? Ni hindi ko nga kayo nakikita! Hindi ko kayo kilala!"Tumayo si Drake at binatukan si yaya, agad siyang nawalan ng malay. "Ano'ng ginawa mo?" Sigaw ko."Magpapakita sa kanya.""Sira ka ba?!""Siguro nga." Sagot niya.May ginawa si Drake kay yaya. Hindi ko nasundan ang kilos niya dahil masyadong mabilis. Ang nakita ko na lang nakalabas na sa katawan ni yaya ang ispiritu niya."Ngayon...nakikita mo na kami." Sabi ni Drake.Tumili ng matinis si yaya nang makita niya ang sarili niyang katawan. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin at sa katawan niya. "Patay na ako?! Pinatay ninyo! Ang sasama ninyo! Bakit n'yo ito nagawa sa akin? 35 years old pa lang ako at hindi pa ako nagkakajowa.""Hindi ka pa patay. Inilabas lang kita sa katawan mo para makita mo kami." Sagot ni Drake."Ikaw ba 'yong babaeng kausap ng alaga ko kanina?" Tanong niya sa akin at tinanguan ko naman. "Ikaw? Sino ka naman! Ang gwapong multo! Bongga!" Baling niya kay Drake.Nilapitan ni Drake si yaya at tinitigan sa mga mata nito. "Nasaan si Sheree?" tanong niya."Wag kang masyadong lumapit. Natutunaw ako." Sagot ni yaya. Lumayo naman si Drake sa kanya. Pagkatapos ay bigla na lang lumabas si yaya sa kotse at tumakbo palayo."Wah! Multo! Tulong!" Sigaw niya nang makita niyang nasa unahan na kami ng daaranan niya."Walang makakarinig sa 'yo, Bakla!" Saad ko. "Kumalma ka nga! Hindi kami ang kalaban dito! Kung kami ang kalaban, hindi na naman siya hahanapin! Ngayon, nasaan siya? Kung hindi mo sasabihin, hindi ka na namin ibabalik sa katawan mo." Tinakot ko siya para magsalita na."Hindi ko nga alam!""Ano ba ang nangyari?!" Nanggigil na si Drake sa kanya."Tumakbo siya sa kwarto matapos 'yong parang may sumabog. Hindi ko alam kung saan galing. Takot na takot siya no'n. Sinundan ko siya sa kwarto niya pero nilock niya ang pinto. Kinatok ko nang kinatok ang pinto pero hindi niya pinagbubuksan. Kinuha ko na lang ang duplicate key para mabuksan ang pinto. Nakita ko siyang walang malay sa harap ng salamin. Ginigising ko siya pero ayaw niyang gumising. Tapos mula sa bintana parang may pumasok na hangin. Narinig ko ang mga yabag. Kinakausap ko kasi parang may kung ano o sinong pumasok. Pero wala akong nakuhang sagot. Humangin ulit at tinaboy ako sa banyo. Paglabas ko, wala na siya! Hindi ko alam kung paano! Saan ko siya hahanapin? Sino ang kumuha sa kanya! Paano ko ito sasabihin sa daddy niya? Bakit ba nangyayari sa kanya ang lahat ng ito?"Hindi na kami nakasagot sa mahabang kwento ni yaya. Na kahit siya ay hiningal din sa pagsasalita."Si Zion."Sabi ni Drake."Palagay ko nga." Sagot ko."Ibabalik na kita sa katawan mo. Hintayin mo ang tawag ko sa 'yo. Kaya bumalik ka na sa bahay na 'yon. Kami na ang bahalang maghanap." Sabi ni Drake sa kanya."Paano mo ako tatawagan? May cellphone ka?" Tanong ni yaya. "Alam mo ba ang number ko? Gusto mong kunin? Hindi naman ako madamot. Ibibigay ko. 092—" Itinulak na siya ni Drake pabalik sa katawan niya."Ngayon, saan natin sila hahanapin?" Tanong ko."Maghiwalay tayong dalawa. Hindi pa sila nakakalayo. Mati-trace pa natin si Zion. O kahit ang aura ni Sheree.""Paano tayo maghihiwalay, hindi naman naging tayo?""Nahawa ka na do'n sa bakla." Sabi niya. Pagkatapos ay umalis na."Para nagbibiro lang. Sineryoso naman. Heller. Mas cute pa rin si Zion. Speaking of him. Nasaan na ba ang bugok na 'yon?"Habang nakatayo ako sa hangin at nililibot ang himpapawid, iniisip ko kung saan dinala ni Zion si Sheree. O kung siya nga ba ang kumuha sa kanya?"Hmm..."*************Wala pa akong maisip sa ngayon, ito muna
BINABASA MO ANG
Torch
Mystery / ThrillerSi Sheree Anne Leybis, isang rechargeable torch. Ang torch ay makikita sa puso ng isang tao, dito mo malalaman kung gaano pa kahaba ang itatagal ng kanyang buhay. At si Sheree, ay napabilang sa isang torch kung saan kapag ito namatay, muling mabub...