Ikadalawampu't tatlong Kabanata

1 0 0
                                    

Drake's POVKanina pa ako naghahanap kay Sheree at Zion pero hindi ko maramdaman ang aura nila. "Saan kaya dinala ng kumag na yon si Sheree?""Gusto mong malaman?" Bigla na lang may nagsalita malapit sa akin.Isang demon. "Alam ko namang ito ang gusto ninyong kangyari. Ang magharap kami. Ano bang panglalason ng isip ang itinanim ninyo sa sira*long yon?" Tanong ko."May sarili siyang pag-iisip na pwede niyang gamitin. Parang ikaw. Kung gusto mong makita ang dalawa, aalamin mo. Kaysa naman hahanapin mong mag-isa at makararating ka kung kailan huli na?"Napaisip ako sa sinabi niya, tama siya. "Kung ganoon, nasaan sila?"Itinuro niya sa akin ang mataas na bundok. "Sa kwebang 'yon." Saad niya.Kahit napakalayo ng lugar mula sa kinaroroonan ko, biglang luminaw sa paningin ko ang kweba sa itaas ng bundok.Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa demonyong nagturo sa akin. Tiningnan ko siya at nginitian niya ako."Ingat." Yan lang sinabi niya.Hindi ko na lang kinausap. Iniwan ko na siya at tinungo ang bundok.Mabigat ang pakiramdam ko sa bundok na ito. Nakalutang ako sa hangin at tinitingnan ko ang kweba na nasa tapat ko. Madilim ito. Hindi ko maaninag kung ano ang mayroon sa loob. Pero kapag naiisip ko na nasa loob niyan ni Sheree at hawak ni Zion, gusto kong sumabog sa galit.Nilipad ko ang kweba para makapasok ako sa loob. Bago PA ako makalapit ay tinamaan ako ng magkakasunod na kidlat na hindi naiwasan. Bumagsak ako sa ibaba. Nakaramdam ako ng kaunting panghihina."Zion..."Usal ko. Naisip kong galing sa gitara niya ang kidlat na iyon. "Kung ganoon, pinaghandaan mo ang pagdating ko!" Nagpakawala ako ng impit na pagtawa dahil naisip kong, kakampi ni Zion ang demonyong nakausap ko kanina."Wala ka bang bala?" Malinaw kong narinig ang tinig ni Zion mula sa kweba. Malayo ang agwat ng kinaroroonan namin, dahil malapit na sa tuktok ng bundok ang kweba samantalang ako ay nasa ibaba ng bundok. Pero, naririnig ko ang boses niya na parang nasa tabi ko lang. "Pinaghandaan ko ang pagdating mo. Ikaw, naghanda ka ba para rito?" Dugtong pa niya."Zion! Ibalik mo na si Sheree! Alam kong hawak mo siya!" sigaw ko."Oo, nandito siya. Kung gusto mo siyang makuha, gumapang kang palapit. 'Yan lang ang maibibigay kong payo bilang kaibigan." Sagot niya."Tss. Kaibigan? Hindi ko alam' yon.!" sagot ko. Kung siya lang din ang magiging kaibigan ko, di bale na.Nilipad ko ulit ang kweba. Sinalubong ako ng mga bolang apoy. Iniwasan ko ang mga ito pero narinig ko ang pagtipa ni Zion ng gitara niya. Masakit sa tainga. Hindi na ako nakagalaw. Tinakpan ko na lang ang tainga ko. Hindi ko magawang iwasan ang mga paparating na bolang apoy. Tumama ito sa akin at muli akong bumagsak sa ibaba.Pakiramdam ko ay nauubos ang lakas ko. "Bwisit!" sambit ko."Gapang Drake. Gumapang ka." Narinig ko na naman ang boses niya."Tss. Sira*lo!" Saad ko."Drake!" Narinig ko ang pagtawag ni Kashmira sa pangalan ko. "Ano'ng nangyayari?" tanong niya nang makalapit na."Hindi ako makalapit sa kweba." Itinuro ko sa kanya ang kinaroroonan ni Zion."Gan'on ba? Sige, susubukan ko."Sabi niya at nilipad din ang kweba.Sinundan ko siya ng tingin. Katulad ng ginawa sa akin ni Zion, itinaboy rin siya ng kidlat na galing sa gitara."Zion! Ako 'to! Mag-usap tayo!" sigaw ni Kashmira matapos niyang bumagsak sa paanan ng bundok."Oo. Hindi pa ako nagkaka-amnesia. Sa katunayan nga, naalala ko na ang lahat. Kung gusto mo ring makarating dito, gumapang ka sa bundok." narinig ko ang tinig ni Zion. Kumunot na lang ang noo ko."Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko kay Kashmira nang makita ko siyang gumagapang paakyat sa bundok."Gumapang daw. Eh di gumapang." Tugon niya."Tss." Kung inaatake niya ako, pwes! Kailangan ding umatake.Lumipad uli ako at tinira ng apoy ang kweba. Nagulat ako ng nakita kong hinigihop ni Zion ang apoy ko at ginagawa niyang bolang apoy. Malaki na ito kaya inihinto ko na ang paglabas ng apoy."Wala na ba? Ito lang 'yon?" Tanong ni Zion."Anak ng!" Lumipad ako palayo nang makita kong sinusugod ako ng apoy.Hindi ko ito maiwasan. Kahit anong iwas ko ay nakasunod pa rin ito. Lumipad ako pabalik sa kweba upang dalahin doon ang apoy. Nang malapit na ako kweba, agad akong umiwas at pumunta sa kabilang panig ng apoy. Nakaharap ako ngayon sa kweba. Tinira ko ng apoy ang malaking bolang apoy para pumasok sa kweba. Sumabog ito sa bunganga ng kweba."Bull's eye!" Saad ko nang maparam na ang apoy. Nakita ko na si Zion. Nakatayo siya at pumapalakpak."Magaling! Ngayon, pumasok ka na." Sabi niya.Hindi na ako nag-abala pa. Agad kong tinungo ang kweba pero sinalubong ako ng mga kwerdas ng gitara niya. Pumalupot ito sa katawan ko. Hinigit ako ng kwerdas palapit kay Zion.Nakita ko ang matinding galit sa mga mata niya nang makalapit ako. "Nasaan ang ispiritu ni Sheree!" Tanong niya."Ano? Anong ispiritu? Di ba ikaw ang may hawak sa kanya?" Sagot ko."Bumalik ka rito na kasama ang ispiritu niya! Dahil kung hindi, ipapadala kita sa impyerno!" sigaw niya.Inihagis niya ako ng ubos lakas. Tumama ako sa isang bundok. Malayo na ito sa kinaroroonan niya."Ano bang pinagsasabi niya?" Nagtataka ako sa sinabi niya. Bakit niya hahanapin sa akin ang hawak niya?*********Okay mamaya naman siguro. Rest ko muna si mata ko po.SA REPLY PO KAYO MAG-COMMENT

TorchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon