Umiiral na sa isipan ng mambabasa ang kwento ni Sheree mula nang maitala ito sa,
Blangkong Pahina.
Title : Torch
Written by : Lyeoh Norah
Written Date : 03/31/20
Date Posted in BP: 03/31/20
Date posted in Wattpad : 04/23/20Don't copy and paste on other groups, page, or time line. But you can share it by clicking share button. Please like the page. Thankyou. Happy reading.
Ikasampung Kabanata
Sheree's POV
Nakatulala ako sa harap ng bintana sa silid ko dito sa resort. Nakaupo ako sa upuan at hawak ng kanang kamay ko ang bote ng alak. Kanina pa ako tumutungga para malasing ako. Gusto kong mamanhid ang katawan ko. Gusto kong mawalan ng pakiramdam ang puso ko. Ang hirap pala nang ganito. Nasasaktan ka at alam mong wala kang makakaramay.
Tumungga ulit ako ng alak. Kasabay ng pagtulo ng luha ko. Gusto kong umiyak, humagulgol. Pero, ang sakit na nararamdaman ko ay ayaw lumabas.
Iniisip ko, gaano ba ako kasamang tao para maranasan ko ang lahat ng ito? Ang bata ko pa naman ah. Sana, panaginip lang ang lahat ng ito.
Ang sakit lang isipin na, alam mong pinapatay ka nang paulit-ulit pero hindi ka mamatay-matay.
Ang daming tanong sa isipan ko. Pero sinong sasagot? At kung masagot man yon, may itutulong ba ito para matakasan ko ang lahat?
“Kumusta ka na?” narinig ko ang boses ni Zion. Bigla na naman siyang sumulpot.
Napasinghap lang ako. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Tumungga ulit ako ng alak. Gustong sumabog ng puso ko. Tumayo ako at hinarap ko na siya.
“Talaga? Ha? Sa unang pagkakataon narinig ko ang pangungumusta mo! Bakit?” sinasabayan ko ng mapapait na pagtawa ang mga sinasabi ko. Gusto ko siyang saktan, sampalin, suntukin, sapakin. Nakapa-unfair! Kasi hindi niya yon mararamdaman.
“Bakit ka, naglalasing?” tanong niya ulit.
“Uh!? Concerned? Kailan pa?” inis Kong sagot.
“She—” hindi ko na hinayaang magsalita pa siya.
“Buti nga pala at nandito ka na. Kasi ang dami kong mga tanong. Baka ikaw, masagot mo. Kasi ako, wala e, kahit anong isip ko, hindi ko talaga maintindihan.” umpisa ko. Nakita kong nag-isip siya. “Zion, bakit ako? Ha? Bakit ako pa? Masyado bang mabigat ang mga kasalanan ko? Para parusahan ako nang ganito? Hindi naman ako mamamatay tao ahh! Hindi ako gumagawa ng kahit anong krimen! Hindi nga ako nang-aagaw ng jowa ng iba e. Pero bakit ako? Bakit ako pa?” unti-unting lumalabas ang mga sakit na nararamdaman ko, unti-unti na akong napapahagulgol.
“Hind ko na alam kung anong klaseng nilalang ako. Alien ba ako para hindi ako ma-explain? Robot ba, kasi rechargeable ek ek? Pusa ba ako, ilan ba ang buhay ko? Tao pa ba ako? Ha, Zion? Tao pa ba ako?” nanlambot na ako. Napaupo na ako sa upuan. Sinasapo ko ang dibdib ko na para bang bumibigat.
“I'm sorry. Hindi ko rin alam.” malungkot ang boses niya, ramdam ko na para bang bigung-bigo siya.
“Bakit mo pa ako binuhay? Alam ko, kitang-kita ko yung maangas na torch collector na yon na dinukot ang letseng torch na to! Pero, bakit mo pa ako binuhay? Bakit hindi mo na lang ako hinayaang mamatay? Dahil ba, hindi mo pa nakukuha ang pakay mo sa akin? Ha! Zion! Ito ba? Ito ba!” lumapit ako sa kaniya at ipinakita ko ang dibdib ko.
“Utang na loob, kunin na ang gusto mo! Para matapos na. Kasi ako, ayaw ko na. Suko na ako. Ayoko na!” sinigawan ko siya nang paulit-ulit. Inihagis ko sa kaniya ang bote ng alak na hawak ko. Hinablot ko pa ang lahat ng nakikita ko na malapit sa akin at saka ibinato sa kaniya. Hanggang sa napaupo na lang ako.
BINABASA MO ANG
Torch
Mystery / ThrillerSi Sheree Anne Leybis, isang rechargeable torch. Ang torch ay makikita sa puso ng isang tao, dito mo malalaman kung gaano pa kahaba ang itatagal ng kanyang buhay. At si Sheree, ay napabilang sa isang torch kung saan kapag ito namatay, muling mabub...