Ikalabing siyam na Kabanata

1 0 0
                                    

Title :TorchAuthor :Lyeoh NorahWritten Date : 04 /17/20Ikalabing-siyam KabanataSheree's POVHabang papunta ako sa silid ko napadaan ako sa tapat ng opisina ni daddy dito sa bahay. Nakaawang ang pinto kaya sumilip ako nang bahagya. Nakita ko ang abogado ni daddy at kanyang sekretarya. Nagbuntong-hininga ako. Sa tingin ko kasi ay seryosong bagay ang pinag-uusapan nila.Pumunta na ako sa silid ko para magpalipas ng oras. Hihintayin ko munang umalis ang mga bisita ni daddy bago ko siya kausapin para itanong kong may problema ba.Pagkapasok ko sa loob ng silid ko ay siya namang pagkatok sa pinto. "Pasok." utos ko."Sheree iha, matanong ko lang talaga. Bakit ba kailangan mo ng albularyo? May problema ka ba?" si yaya ang pumasok."Ah, ang totoo po niyan yaya...ayaw kong sabihin sa 'yo kasi baka hindi mo ako paniwalaan."Lumapit siya sa akin at umupo rin sa kama. "Bakit naman kita hindi paniwalaan? Kilala kita, alam kong minsan ay pasaway ka pero hindi ka sinungaling. Kaya sabihin mo sa akin ang dahilan."Nagpakawala muna ako ng ilang buntong-hininga bago ako nagsalita. "Yaya, nakakakita po kasi ako ng mga multo. Kaya gusto ko sana ipasara ang third eye ko."Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Hindi siya makapaniwala. "Seryoso ka?""Yaya?" yayamot kong tugon."Oh, e kailan pa yan?" tanong niya ulit. Halata na sa kaniya ang pag-aalala."Medyo matagal na rin po.""Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?""Kasi nga po yaya, baka hindi mo ako paniwalaan." Napakamot siya ng ulo sa sinabi ko. "Bakit ka nga pala nagtatanong sa akin? May nakausap ka na ba?"Tumango siya sa tanong ko. "Kasi nagtanong-tanong ako sa mga kakilala ko. Eh, mga simpleng manggamot lang ang sinasabi nila sa akin. Eh di ba nga, ang sabi mo yung mahusay? Tapos may tumawag sa akin. Kinausap daw siya ni Lolit, 'yong kababata ko sa probinsya. Kaya tinawagan daw niya ako kasi nandito siya, sa kabilang bayan lang. Next week daw uuwi na siya sa probinsya namin.""Oh? Bukas yaya. Puntahan natin agad ha. Kailangan ko na talaga ng makakatulong sa akin." Tumango siya sa sinabi ko. "Ah, maiba nga pala ako yaya, bakit nasa opisina ni daddy ang abogado at secretary niya?" Pag-iiba ko ng usapan."Ah, 'yon ba? Pinapalakad kasi ng daddy mo ang kaso n'ong mga kumidnap sa 'yo. Mga dati pala niyang trabahador ang mga' yon. Kinidnap ka para ipatubos sa daddy mo. Eh, buti nga mga patay na dahil doon sa engkwentro, 'yong pinagbabaril ang mga bodyguards mo no'ng galing ka sa resort? Pinapasampahan sana ng kaso kaya lang mga patay na. Saka, humingi na lang ng tawad ang pamilya no'ng mga taong yon. Tapos, pinapabibigyan na lang ng daddy mo ng pera ang naiwang pamilya ng mga bodyguards mo na namatay.""Ah." Nalungkot ako sa mga sinabi ni yaya. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano akong nagiging pabigat kay daddy. Kaya kailangan ko ng matapos ang lahat ng ito. Para bumalik na ang buhay ko sa normal."Oh, bakit ka naman nalungkot bigla?" Napansin ni yaya ang lungkot ko sa mukha."Wala po.""Ano ka ba. Eh, gan'on talaga, mayaman kayo. Marami ang magkakainteres sa pera ninyo. Syempre, nag-iisang anak ka. Hindi naman papayag ang daddy mo na ikaw ang mawala ano! Kahit ako, di ako papayag!"Ngumiti ako sa mga sinabi ni yaya. Nakakagaan lang ng loob. "Sige po yaya. Basta bukas maaga kang gumising. Kailangan nating puntahan ang sinasabi mo."Tumayo na ako at lumakad palabas ng silid. "Oh, saan ka pupunta?" habol ni yaya."Kakausapin ko si daddy.""Ah, O sige. Sabay na tayo." Sumunod din siya sa akin."Ano'ng sasabihin mo kay daddy?" tanong ko."Ha?! Wala ah.""Eh, sabi mo sasabay ka sa akin?" tanong ko."Ibig kong sabihin, sabay na tayong lumabas ng kwarto mo." Paglilinaw niya."Ah, O sige. Tara na.""Matutulog ako nang maaga. Para bukas." Saad ni yaya."Bakit? Para saan? Hindi lalaki ang lakatagpuin natin? Di ba?" Tiningnan ko siya. Napatingin din siya sa akin. "So lalaki?!" Tinaasan ko siya ng kilay."Ay, hindi! Ayaw ko lang magpuyat noh, nakakasira ng beauty. Heler!" sagot niya."Mabuti na yong malinaw! Pumunta ka na sa kwarto mo." Sabi ko. Dumeretso na siya sa kwarto niya. Pumunta naman ako sa opisina ni daddy.Kumatok muna ako bago pumasok. "Hi, dad. Umalis na ba ang mga bisita mo?" Lumapit ako at yumakap sa kaniya ng mahigpit."Oh, ang baby ko. Naglalambing na naman. Oo, umalis na sila. Ano'ng kailangan ng baby ko?" tanong niya sa akin. Hinalikan pa niya ako sa noo kagaya ng palagi niyang ginagawa. Pakiramdam ko tuloy ay parang batang maliit pa lang ako sa paningin niya."Uhm, wala po. Namimiss lang po kita." Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at umupo ako sa ibabaw ng lamesa niya. Hinahawakan ko ang necktie niya kagaya ng lagi kong ginagawa kapag kinukulit ko siya. Na-miss kong gawin ito."Oh talaga? Akala ko hindi na ako namimiss ng baby ko?""Sorry po." Nalungkot ako bigla. Pakiramdam ko ay nagsayang ako ng mga oras na dapat ay ginugol ko na kasama ko siya palagi. Maikli lang ang buhay pero inubos ko sa mga walang kwentang lakwatsa at pag-ubos ng pera."Sorry saan?" tanong niya."Sa pagiging pasaway ko po. Matigas ang ulo ko. Laki sa layaw. Siguro, kung papipiliin ka ng anak, hindi ako no?" Sabi ko.Niyakap niya ako ng mahigpit at muling hinalikan sa noo. Dinama ko 'yon. Hindi ko alam kung ilang beses ko pa iyon mararamdaman. Dati, naiinis ako kapag ginagawa niya pero ngayon, gusto kong umiyak. Ang dami kong sinayang na oras."Ang anak ko. Mukhang nagma-matured na.""Matagal na akong matured, dad. Lagi ka lang wala kaya di mo nakikita ang pagma-matured ko.""E, alam mo naman kasi di ba na ang business ay—""Negosyo!" Ako na ang nagdugtong sa gasgas niyang linya. "Bueno dad, maiba ako.""Sabi ko na. Doon din tayo pupunta." Saad niya. Lumayo siya sa akin at naupo sa mini sofa, upuan para sa bisita. "Hmm, ano naman yan?"Lumapit ako sa kanya at naupo rin. Iniabot ko sa kanya ang isang litrato. "Ano 'to?" Tanong niya matapos niya itong tingnan. "Nawawala ba ang batang ito? Sa pulis ka dapat magpunta. Saka, Kailan ka pa natutong magkawanggawa?"Sinimangutan ko siya. "Mukha ba talaga akong hindi marunong gumawa ng mabuti?" Tinawanan niya ang sinabi ko. "Cauli ang pangalan niya dad. Gusto kong ampunin mo siya."Natigilan siya sa sinabi ko. "Ano?! Naghahanap ka ba ng kapatid?" Alam ko ang gusto niyang isunod. "Kung kapatid lang ang hanap mo, marami ka no'n. Kikilalanin mo lang." Sabi ko na. Ituturo niya ang mga anak niya sa labas."Sige dad ganito na lang. Kapag inampon mo ang batang ito, kikilalanin ko na bilang kapatid ang mga anak mo sa labas."Kumunot ang noo niya at nagbuntong-hininga. "Nasaan ba ang batang ito?" tanong niya."Nandiyan po sa likod ng picture ang lahat ng impormasyon." Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at tumakbo na ako sa may pintuan. "Dad, salamat. Sa lahat." Sabi ko. Nginitian niya ako bago ko isara ang pinto pagkalabas ko.Kinabukasan, maaga kaming umalis ni yaya. Pinuntahan namin ang address na ibinigay ng tumawag sa kanya. Binagtas namin ang isang bayan na nasa sulok ng aming lugar. Pinagtanung-tanong namin ang address ang mga tao. Itinuro kami sa pinakadulong barangay. Habang papalapit kami ay parang lumalayo ang lugar dahil na rin siguro sa bukid na ang magkabilang parte ng kalsada."Teka, magtanong muna tayo." Sabi ni yaya. Siya ang nagmamaneho ng kotse. Hindi talaga kami nagsama ng driver o bodyguards. Hinintuan niya ang isang lalaking naglalakad. "Manong! Manong! P'wede pong magtanong?"Lumapit ang lalaki sa amin. "Ano po 'yon?""Saan po ba ang address na ito?" Ipinakita ni yaya ang kapiraso ng papel na may nakasulat na address.Napakamot ng ulo ang lalaki bago sumagot. "Eh, hindi naman po address 'yan. Pangalan lang po yan ng bukid. Ang may-ari po kasi ng bukid na 'yan nasa abroad na po. Pinapaupahan lang po nila ang bukid para hindi matiwangwang. Wala naman pong nakatira sa bukid na 'yon." sagot ng lalaki."Eh kuya, tinatanong lang po namin ang lugar. Hindi po namin tinatanong ang kwento ng bukid po. Eh saan ho ba itong bukid na ito?" Mukhang nainis na si yaya. Napatawa ako nang bahagya."Dumeretso lang po kayo. Malapit na. Kapag may nakita po kayong malaking scare crow na nakasuot ng kulay pink na t-shirt, 'yon na po.""Yown! Eksakto kuya. Sige po salamat po."Napakamot uli ng ulo ang lalaki. Marahil ay nagtataka kung bakit namin hinahanap ang lugar. "Yaya. Ang sabi ng lalaki na' yon. Wala raw nakatira. Bukid lang. Tama ba 'yang address mo? Baka ginu-good time ka lang ng nakausap mo?""Eh, puntahan natin para malaman natin."Pinaandar niya ulit ang kotse. Ilang minuto pa'y nakita na namin ang sinasabing scare crow no'ng lalaki. Inihinto ni yaya ang kotse. Tiningnan namin ang lugar. Hinanap namin kung may nakatira nga ba. "Mukha ngang walang nakatira rito." Sabi ko."Oo nga." Yamot na sang-ayon ni yaya. Nilabas niya ang cellphone at nagpipindot."Ano'ng ginagawa mo? Umalis na lang tayo." Sabi ko."Tatawagan ko muna. Baka ito lang ang meeting place."Pinasadahan ko pa ng tingin ang paligid mula sa bintana ng kotse. "Yaya. May kubo sa banda roon." Itinuro ko ang kubo na nakikita ko sa di kalayuan."Oo nga ano." Sabi ni yaya nang tingnan ang itinuturo ko. "Tara puntahan natin."Lumabas kami ng kotse at tinungo ang kubo.Habang naglalakad ako sa maliit na daan na tila gawa lang tao dahil lupa ito at hindi sinimento na katulad ng mismong kalsada. Nakaramdam ako ng kakaiba. Malayo pa ay natatanaw ko na isang babaeng parang naghihintay na sa amin doon. "May babae. Nakikita mo ba siya? Siya ba ang kausap mo yaya?""Nasaan?" Hinagilap ni yaya ang sinasabi ko. "Ang linaw naman ng mata mo, hindi ko pa nga makita."Dumiretso na lang kami sa paglakad hanggang sa marating namin ang kubo. "Hello po?" Bungad ni yaya sa babaeng nakita ko kanina."Inaasahan ko na ang pagpunta mo rito." Sagot ng babae."Ako? Ay, hindi naman ako ang may kailangan sa 'yo, siya, itong alaga ko." sagot ni yaya."Siya nga at hindi ikaw ang tinutukoy ko." sagot ng babae."Ah, sabi ko nga." Sabi na lang ni yaya.Nakatitig lang ako sa babae. "Ikaw 'yong babaeng nakita ko no'ng nando'n ako sa bahay-ampunan." Saad ko."Nakatadhana na magkita tayo. May tamang panahon ang lahat. Maupo kayo." Alok niya."Ah salamat. Medyo weird lang dito sa lugar n'yo no?" Panay ang daldal ni yaya. Naupo siya sa isa sa mga upuang nasa may tabi ng bilog na lamesa. "Naghahanap kami ng albularyo. Ikaw ba 'yung nakausap ko? May kilala ka bang albularyo?""Ako ang hinahanap niya." sagot ng babae habang nakatitig lang sa akin."Ah, baka gusto ninyong maupong dalawa? Wag kayo masyadong magtitigan. Buburahin n'yo ba ang mga mukha n'yo? Kung ayaw ninyo sa maganda ninyong mukha, akin na lang.""Maupo ka." Alok sa akin ng babae. Hindi na niya pinapansin ang mga sinasabi ni yaya. Pakiramdam ko, matagal na kaming magkakilala. Naupo ako sa upuang katabi ng kay yaya. Katapat naman ng upuang inukupa niya. "Bakit mo siya dinala rito? Madadagdagan na naman ang mga ispiritung mabubuhol sa tali na nag-uugnay sa buhay mo." Umpisa niya."Hala siya. Hoy! Wag mo kaming takutin kundi, aalis na kami." Sabi ni yaya.Hinaplos ng babae ang mukha ni yaya at nakatulog agad ito. "Ano'ng ginawa mo sa kanya?""Pinatulog ko lang para hindi na siya madamay pa.""Madamay saan? Sino ka ba? Gusto ko lang magpasara ng third eye."Umiling siya. "Hindi yan ang kailangan mo. Ang kailangan mo ay malaman ang totoo para matapos na ang lahat ng ito.""Wala akong maintindihan! Hindi kita kilala! Wala akong alam sa sinasabi mo!" Tumayo na ako para gisingin si yaya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko."Napaka-delikdo na ng nangyayari, Arie! Kailangan mo nang tapusin ang lahat kung ayaw pare-pareho kayong manatili na lang dito na pinaghaharian ng mga demonyo!" Pilit kong inaagaw ang kamay ko pero napakahigpit ng pagkakahawak niya."Hindi Arie ang pangalan ko! Ako si Sheree!""Kahit ano pa ang pangalan mo. Ilang beses ka pang magpalit. Ilang beses ka pang mabuhay ulit. Ikaw pa rin si Arie. Kay Arie pa rin nagsimula ang lahat."Bigla na lang lumiwanag ang paligid.Pumikit ako dahil nakakasilaw.Dumilat ako nang makarinig ako ng pag-iyak ng isang sanggol.********Oops, teka lang, mahaba na ito. Word count reached. Next chapter na tayo 10I-like

TorchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon